102914

26 2 0
                                    

10:30am

Tanghali nanaman ako nagising. Sulitin na habang sem break pa!

May weird nanaman akong panaginip kagabi!

At napanaginipan ko pa si Michael (ex ko)...

Medyo di ko na tanda lahat ng pangyayari eh, ang natatandaan ko lang ay..

Nasa isang lugar ako na hindi ko alam kung saan.. Hinahanap ko daw siya, at gusto ko siyang makausap..

Para linawin ang lahat ng nangyari sa amin.

Kaso ang napaka weird lang, alam ko daw sa panaginip ko na panaginip lang ang lahat ng yun.. Sabi ko pa "kahit sa panaginip lang maghiwalay kami ng maayos, malinaw ang lahat sa amin.." at naiyak na ako..

pero nagulat ako, may kasama pala ako "siya" nanaman.. ang lalaking lageng nasa mga panaginip ko..

di ko siya napansin na nasa tabi ko pala siya, kung di siya nagsalita sabi niya.. "ayaw na kitang nakikitang umiiyak, lika nga".

bigla na lang nag iba yung setting dream, harap namin, may isang malaking parang container van, pero pinto pala yun.. haha weird?

tapos sabi nya, "buksan mo, andyan siya".. natakot naman ako.. tinutukoy nya ba si Mike? sa isip ko..

Nang pag bukas ko, madaming tao sa loob, parang normal na bahay lang.. pero nahanap agad ng mata ko ang taong matagal ko ng gusto makita na kahit nagtatago siya.. tinawag ko siya, "hoy! wag kana magtago! kilala kita!" sabi ko..

Medyo, malabo na ang natatandaan ko sa part na to.. ang natatandaan ko lang, lumapit siya..

At ganun pa rin.. masarap sa pakiramdam pa rin everytime na nakikita ko siya.. yung mga mata niyang singkit.. yung ngiti niyang noon sa akin lang..

kaso ngayon iba na, parang ilag na ang mga tingin at ngiti..

pero ang ikinagulat ko, naging matapang ako bigla sa panaginip ko..

"magpakatino kana ha, mahalim mo sila.." agad kong sabi sakanya..

"sila" ang asawa't anak niya..

di ako umiiyak.. hindi ako galit.. hindi ako nasasaktan.. kabaliktaran sa lahat ng nararamdaman ko pag gising ako..

pero nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.. hinalikan ko siya? o siya ang humalik sa akin..? di ko alam!? ang alam ko lang nag kiss kami..

panaginip yun diba? pero bakit parang totoo..? pagkatapos ng mabilis na halik.. sabi ko daw.. "paalam na.. kakalimutan na kita.. salamat sa lahat"..

sa gising kong utak gusto ko pagalitan ang sarili ko!

tapos bigla nanaman nagbago ang setting..

andyan pa pala "siya".. ang lalaking kilala ko lang sa panaginip.. pero pag gising ko makakalimutan ko na ang mukha niya.. niyakap niya ko.. ito nanaman yung yakap niya eh, na pakiramdam ko ligtas ako.. masaya ako.. kontento ako.. mahal ako..

at yun.. nagising nako! :'(

weird.. sino ba siya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon