Chapter 1

294 19 3
                                    

-Blossom pov-

   KUNG panaginip lang sana ang nangyayari ngayon ay hindi ko na nanaisin pang magising. Bakit kailangan ko pang magising kung kasama ko ngayon sa tabi ko si James. Ang one and only bestfriend ko and at the same time one and only true love ko. Kasalukuyan kaming nasa park kung saan madalas  kaming magrelax. Nakaupo kami sa isang bench at nanood ng mga tao sa paligid.

   "Blossom!"

   Mga ilang minuto kaming tahimik nang marinig kong tinawag ni James ang pangalan ko. Pakiramdam ko ay huminto nang ilang segundo ang puso ko. Hindi dahil tinawag niya ako but because this is the first time that James call me with my name. Iba-iba kasi ang bansag nito sa akin. Nang tingnan ko siya ay nakatitig ito sa mga mata ko. Right at that moment I feel concious lalo pa't nakatitig si James nang seryoso a akin.

   "B-bakit James?" muntik pa akong mabulol dahil sa sobrang kaba. Lalo lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan nito ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kamay nito sa kamay ko.

   Oh no! in my 18 years of my existense ay ngayon lang hinawakan ni James ang kamay ko. Could it be the day  that I actually waiting for? Ang oras kung saan pwede na akong kunin ni Lord!

   Parang slow motion para sa akin nang makita ang pagbuka nang mga labi ni James. Heto na! Magsasalita na siya. Oh my God! pwede mo na akong kunin Lord.

   "Bakit malamig ang kamay mo?"

   "Ha?" mga ilang segundo bago pumasok sa isip ko ang sinabi nito. Tama ba ang narinig ko? Malamig ang kamay ko? Wala sa sariling hinablot ko ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Hindi iyon ang inaasahan ko mula rito. Napahiya ako sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay nagdilim ang buong paligid. Huwag mo muna akong kunin Lord. Nagbibiro lang ako.

   Nagkunwari akong galit. "Bakit kasi kailangan mo pang hawakan ang kamay ko!"

   "Hey! I'm sorry. It's just I have something to tell you. I been kept it for days and you know---"

   "Excuse me ma'am, sir meron po ba kayong nakitang batang babae na nakadamit ng kulay puti tsaka naka headband na Mickey mouse?" naputol ang pagsasalita ni James dahil sa yayang lumapit sa amin at nagtanong.

   This time totoong galit na ang naramdaman ko. Pinutol nito ang mahalagang sasabihin ni James sa akin. Oh no! sino itong yaya para putulin ang matagal ko nang hinihintay na sandali. Pinukol ko ito ng matalim kong tingin.

   "Hoy yaya! Hindi na namin kasalanan  kung bakit nawala yong batang binabantayan mo. Yan lang yong trabaho mo hindi mo pa nagawa. At saka kaysa sa amin ka pa nagtanong bakit hindi ka dumiretso sa pulis para magkaroon naman ng trabaho ang mga iyon. Meron kaming mahalagang pinag-uusapan dito."  pagtataray ko.

   Nakita ko ang pagshock sa mukha nito. Pero di ko akalaing mataray din pala ito. "Hoy din walang respeto sa matatanda. Hindi ko kayo inoobliga na hanapin ang alaga ko. Nagbabasakali lang ako na baka may nakita kayong dumaan na batang babae sa harapan niyo.Para kang walang pinag-aralan." Tumingin ito kay James. "Ikaw sir, gwapo po kayo ngayon palang mag-isip isip ka nang iwanan ang gf mo. Mataba na nga wala pang puso." iyon lang at tumalikod na ito nang walang lingon-lingong umalis.

   Pakiramdam ko ay umusok ang ilong ko sa inis. Tumayo ako at akmang hahabulin ang yaya nang pigilan ako ni James.

   "Huwag mo nang habulin iyon Blossom."

   "No! ang lakas niyang mang-insulto. Hoy yaya! bumalik ka dito. Hindi pa tayo tapos! Bumalik ka dito!"

   "Blossom ano ba, pinagtitinginan na tayo nang mga tao dito.

Secretly fall in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon