Second Chance.

228 2 1
                                    


Tahimik... Ito ang gusto ko. Walang katao-tao sa paligid. Nasa malungkot na part na ko nang story na binabasa kong libro nang biglang may kumalabog sa bandang likuran,
"Oh gosh!" Gulat kong sigaw sa taong nasa likuran nang room namin.
"Easy. Ako lang 'to. Pagpatuloy mo na 'yang binabasa mo, naiiyak ka na eh. Matutulog lang ako"
Ibinalik ko na ang atensyon ko sa binabasa ko nang biglang narinig kong nagsalita siya.
"Sorry."
Sorry
Sorry
Sorry
Paulit-ulit na umuulit sa utak ko ang isang salitang binanggit niya. 'Sorry' ang salitang kahit kailan ay hindi niya pa nababanggit kahit na kanino... kahit saakin.
"B-bak---"
"Zzzzzzzzzzzzzzz" napatigil ako sa sasabihin ko nang biglang narinig ko ang mahimbing niyang pagtulog.
"Tulog nga pala siya. Tss." Napailing na lang ako, matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako nang room para makauwi na.
Habang naglalakad ay naalala ko nanaman ang salitang sinabi niya habang tulog siya.
Kapag tulog pala siya nagsasabi nang salitang yun. Tsss.
Nakauwi nako sa bahay pero nasa utak ko pa rin ang salitang sinabi niya.
"Bakit hanggang ngayon,Jake?" Napabuntong hininga na lang ako at naalala ang nakaraan.
FLASHBACK.
Andito ako sa isang bench sa garden nang school namin,umiiyak.
"Umiiyak ka nanaman. Bwisit!"
"D-di ko k-kasi kayang m-makita yun" todo iyak na ko dito, at siya ay inis na inis pa rin.
"Ang babaw mo,Liza!" Galit niyang pagsabi saakin.
"Mababaw? Para sayo! hindi mo naman kasi alam nararamdaman ko" nakatitig lang ako sakanya.
"Hindi ko talaga mararamdaman! Hindi naman kasi ako magkakaganyan kung ganun lang ang dahilan! Ang babaw mo,Liza. Para sa School naman natin yon eh. At malay ko ba kung, tototohanin niya yung paghalik sa akin, wala akong alam! Nasa stage kami nun kaya wala nakong nagawa kasi tapos na! Nahalikan niya nako!" Paalis na siya nang bigla akong nagsalita.
"Itatago na lang ba talaga natin 'to?" Napatigil ako sa pag iyak ko dahil na rin sa tanong ko.
"Hindi ko alam." Yun lang ang sinabi niya at Umalis na.
Dumaan ang ilang araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang issue ni Jake kay Kate. Binansagan na rin silang #1 couple nang school namin, alam nang buong school na sila na. Masakit,oo. Pero ano bang magagawa ko?
"2 weeks nang kayo." Bungad ko skanya nang makapasok siya sa kwarto ko. Alam nila mama at papa na kami ni Jake, pero hindi nila alam na pagdating sa school ay si Kate ang Gf niya.
"Liza."
"Alam ko. Alam ko Jake na fake lang ang lahat nang yon. Alam ko, na ginagawa mo yun para sa school natin." Pinipigilan ko ang iyak ko.
"Pero, hindi mo matatanggal sakin yung sakit. Yung selos. Yung pagmumukang tanga. Hindi mo matatanggal sakin ang hindi umasa na isang araw, malalaman nila na ako ang tunay mong gf. Ang sakit,Jake." Dagdag ko pa.
"Intind--"
"Iniintindi kita. Iniintindi kita,Jake. Palagi na lang kitang iniintindi, ikaw na lang palagi kong iniintindi, pero sana naman, intindihin mo naman ako. Nasasaktan rin ako. Hindi ako nagrereklamo kasi iniintindi kita. Pero ngayon, hindi na kita kayang intindihin, Ang sakit sakit na,Jake" still, heto ako' mukang tanga na pinipigilang umiyak. Di ko nga kayang harapin siya.
"Liza."
"Liza,Liza,Liza! Yun na lang ba kaya mong sabihin? Ayoko na Jake. Ayoko na."
"No,Liza. No." Awat niya, hawak niya na ang braso ko, pero pilit kong inaalis yung kamay niya sa braso ko.
Hinarap ko siya, "Hindi ko na kaya,Jake." Ngumiti ako, pero halatang peke lang yun.
"Tapusin na natin 'to." Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya natanggal ko nang mabilis ang kanyang kamay sa braso ko.
Umalis siya nang walang sinasabi.
Lumipas ang isang linggo matapos kong makipaghiwalay saknya.
Bali-balita na rin na wala na daw sila ni Kate.
PRESENT.
Di ko man lang namalayan, umiiyak na pala ako. Bakit hanggang ngayon,Jake? Mahal na mahal pa rin kita.
Kinabukasan, pumasok ako nang maaga kasi maaga ang first subject namin ngayon.
5minutes na lang at dadating na ang prof namin sa room, pero andito pa rin ako sa labas nang school.
"Malelate nako" kumaripas nako nang takbo, pagdating ko sa 2nd floor kung nasan yung room namin ay naabutan kong walang tao sa loob. *beep beep*
Sms from: Angel
Wala si Prof, absent daw.
"Nakakapagod" umupo na lang ako sa isang upuan na malapit sakin at nagpahinga saglit. Paalis na sana ako nang biglang may tumunog sa bandang unahan.
"Sino yan?" Palapit nako sa unahan nang biglang may gumalaw do'n sa pinanggalingan nang tunog.
"Sino yan?" Pag uulit ko.
"L-Liza" nanginginig niyang pagbigkas sa pangalan ko. Siya? Bat siya andito?
"J-Jake?" Paninigurado ko. Tumingin ako sakanya, pinagpapawisan pero parang nilalamig.
"Okay ka lang ba?" Tinanong ko siya pero hindi siya sumasagot. Hahawakan ko sana yung leeg nya para malaman ko kung may sakit ba siya, kaya lang bigla niya akong hinatak at napahiga ang ulo ko sa dibdib niya.
"Ang init mo" bulong ko saknya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Ang bilis nang tibok nang puso niya.
"Halika, iuuwi na kita sainyo." Tinawagan ko si Manong para matulungan akong mabuhat si Jake at para maihatid na rin namin siya.
"Andito na tayo." Binaba ko na siya sa kama niya. Tumingin ako sa paligid, onti lang ang nagbago sa kwarto niya. Mas magulo nga lang ngayon. Tumingin tingin pa ko sa paligid nang bigla kong napansin ang dreamcatcher na nasa bintana niya
"Andito ka parin." Hinawakan ko yung dreamcatcher. "Eto yun. Yung couple dreamcatcher namin."
"Liza!?" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.
"Pano ka nakapasok dito!?"
"Pinapasok ako ni Manang. Naabutan kasi kita kanina sa room na ang taas nang lagnat." Ngumiti ako nang bahagya nang dahil sa naging reaksyon niya.
"Ah, ganun ba." Naiilang niyang sagot saakin.
"Dapat ka nang mahilamusan. Mas lalala yang sakit mo."
"Oo,mamaya. Pahinga muna ako. Di pa kaya nang katawan ko" aakmang hihiga na siya nang bigla akong nagsalita.
"Hihilamusan na kita"
"Huh!?"
"Haha. Pupunasan lang naman kita, para ka namang nakakita nang multo. " napangiti ako nang makita kong namula ang mukha niya.
"Di ka pa rin talaga nagbabago." Dagdag ko pa.
"Para namang nagbago ka? Tss. "
"Alam mo, nagbago ako. Hindi mo siguro nahalata pero iba na ko sa dating Jake." Dagdag niya pa.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Basta,nagbago ako... Simula nung nawala ka sakin." Lumungkot ang tono nang pananalita niya.
"Ja--" di ko natapos ang sasabihin ko,
"Liza. Kahit ngayon lang, patapusin ko naman ako." Tumahimik lang ako at pinakinggan siya.
"Nagbago ako,Liza. Hindi na ko ulit nagGf. Active pa rin ako sa school activities, pero feeling ko, hindi ako sumasaya. Feeling ko, palaging may kulang sakin." Tumawa siya nang bahagya. "Pero kahit nagbago ako, meron pa ring mananatili sa pagiging dating Jake ko." Huminto siya at tumingin sa mga mata ko.. "Sorry." Nagsorry siya., hindi ko na napigilan ang iyak ko. "Umiiyak ka nanaman." Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mukha ko. "Sorry, kasi hindi ako naging matinong Bf mo. Sorry kasi, ang dami kong nagawang mali sayo. Sorry kasi hindi ko natupad mga pangako ko sayo. Sorry kasi nasaktan kita nang sobra." Umiiyak na rin siya, eto ang unang beses kong nakita siyang umiiyak.
"Eto ang unang pagkakataon na nagsorry ka. At ang unang umiyak ka nang dahil saakin." Humahagulgol nako.
"Hindi ito." Ngumiti siya, kahit may luha sa mga mata niya.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi ito ang unang beses."
"Ano ang ibig mo--" hindi niya ako pinatapos,nagsalita lang siya.
"Nagsorry ako sayo nung tayo lang ang nasa room, pero dahil naduwag ako, nagkunwari akong tulog." Natawa siya.
"Sa tuwing nasasaktan kita, sa tuwing nakikita kitang umiiyak, nasasaktan ako. Pinipigilan kong umiyak sa harap mo, kasi ayokong makita mo kong mahina. gusto kong malaman mo na hindi tayo masisira nang ibang tao. Na kahit tago ang relasyon natin, gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita." Dagdag niya pa.
"Jake." Pinipigilan kong umiyak, pero dire diretso pa rin ang agos nang luha ko.
"Anong Jake? Ayokong Jake lang isasagot mo. NagSpeech ako nang mahaba pero 'Jake' lang ang isasagot mo, aba."
"Haha, sira ka talaga." Tumigil kami sa pagtawa at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"mahal na mahal na mahal na mahal kita"

-NgusooLOVE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon