move on move on din pag may time

778 3 0
  • Dedicated kay marcelo santos iii, senyora santibañez pajama_addict
                                    

"Kapag nakikita ka ang puso ko'y tumitibok

Parang marshmallow na napakalambot 

Ginagawa ko ang best ko

Laging nakatingin sayo

Pero di mo naman pansin

Oh Bathala......." 

yan ang laging pang-asar na kanta sa akin ni Donellene.

" Ha! Ha! Ha! di ka pa rin nakakamove-on sa kanya!!!!!! Ano ka ba  magmove -on ka na kasi!!, Kung si Trina nga nakailang-move on na, ikaw sya pa rin gusto mo since high school pa tayo"

Yan ang nakakabwisit kong kaibigan na si Donellene, ang bestfriend at seatmate ko noong  high school pa kame.Palagi nyang  pinagkakalat na dyosa daw sya ng kagandahan at palagi nyang pinagmamalaki ang big bust nya. Pero sa totoo lang hipon sya, joke lang hahaha. Pero kahit na gandang -ganda yan sa sarili,medyo mataray, at masungit at may saltik ,tunay na kaibigan yan, mapagkakatiwalaan, mabait, matalino at kahit na sya ang pinakabata sa aming lima sya ang pinaka ate namen sa grupo at maasahan mo yan sa matinding pangangailangan. ano kaya yang matinding pangangailangan na yan<pwedeng kopyahan o pwede ring utangan sa matinding pangangailangan hahahhahhah Lam na this!!!

"oo nga Darielle, mag-move on ka na kasi!!!" sabi ni Trina.

Si Trina ang  napaka-chicks ngunit flatscreen kong bff.Matangkad,payatot, mabait, simple,pero matalino yan. At dahil magkakaibigan kame hawa-hawa na toh.Pinagkakalat din nya na dyosa sya ng kagandahan nasa paraiso din daw sya nakatira kung saan ang mga magaganda lang daw pwedeng tumira.NARCISTIC!!!!!! hahahahahhaha ganyan tlaga hawaan ng saltik sa ulo.

"Che!!! Manahimik nga kayong dalawa!!!!Di ko hinihingi opinyon nyong dalawa huh!!" sagot ko naman sa kanila.

"Napaka- bitter mo talaga Ditse!" sabat ni Maribeth habang nagtetext..

Si Maribeth ang kaibigan kong mahilig magtext  at magjowa.Minsan magugulat ka na lang na sila na pala ng jowa nya. Ni hindi mon lang naabutan yung panliligaw stage ng boy. Pero mabait yan, matalino at laging nag-totop sa klase.Pandak, payat, makapal ang kilay, korni, Pala-simba yan, mabait sa pamilya at nagseserve sa simbahan.

"Kung nga ako nakamove-on na kay Renz, Dale, Emman at Ian OOOOPPPPPSSSS!!!!HA HA HA HA Sorrey Darielle" sabat ni Quennie.

Si Quennie, Que, Kwek-kwek, ang kaibigang kong mabait, makulit, kikay, madaldal, at aspiring beauty queen at singer. Dati, noong high school kame member sya ng dance troop. kya pag nagsasalita akala mo sumasayaw pa rin. Kya nga inaasar sya na bisugo ng mga kaklse ko noong hs pa kame.

"Hay nako- tantanan nyo na nga ako, tsaka sinbi ko na sa inyo nakamove-on na nga 'ko". pagde-depensa ko naman sa sarili ko.

"e ba't di mo pa rin binubura picture nya sa phone mo" sabi ni Trina.

"Oo nga umaasa ka pa rin hanggang ngayon" sabi ni Beth

"Walang forever Darrielle!" sabi ni Que

" Ika nga ni Marcelo Santos III di totoo ang Fairy Tale At Walang Happy Ending Yan!" sabat ni Donat

"Di ka mahal nun, wag ka ng umasa, matulog ka na hahhahahha yan sabi ni Senyora Santibanez, o ano may dadagdag pa ba kayo?!" exaggerated kong sabe.

Ako nga pala si Darrielle. Ako ang nag-iisang hopeless Romantic kay Myron. Ako ang author ng kwentong ito.Ako ang bida/ kontrabida/ ang narrator/ ang prinsesa ng pagiging bitter.

At sa storyang ito walang Forever at happy ending, kaya wag na kayong umasa na may magkakatuluyan at may tunay na pag-ibig. buwahahahhahahahaha

Author's Note:

Comment kayo kung maganda o panget ung pagkakagawa ko.o may suggestion kayo o kya may dapat pa kong iimprove. thankssssss:)))) comment and vote please. Kada chapter nga pala may trivia.

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon