Chapter 5

1 0 0
                                    

Justine's POV:

Ilang linggo na ang dumaan,at ganoon parin ang eksena.Dinadalhan niya ako ng snacks lagi,at pag nalilate naman siya ay niyayaya niya akong sumabay sakanya ng lunch.Tintanggihan ko siya minsan,dahil hindi siya nakakapasok sa first subject kapag niyayaya niya akong kumain.Okay lang naman daw,kaya sumasama nalang ako.

Nang dumaan ang Sabado at Linggo,ay nasa bahay lang ako.

Dumating ang Lunes.Excited akong pumasok.Syempre makikita ko nanaman ang crush ko.

Pero nanlumo ako ng di ko siya nakita sa labas ng room.Kaya umuwi nalang ako ng diretso.

Sumapit ang Martes at Miyerkules ng di ko parin siya nakikita sa labas ng room.Di niya narin ako hinahatiran ng snacks o sinasabayan na kumain.

Nang nag Huwebes ay maaga akong pumasok dahil Exam namin.

"Bring one half length wise,then write your name,surname first." Ani ng guro namin habang umiikot ikot.At nagdidistribute ng test paper.Departmental Exam na namin para sa 1st Grading.

Nang natapos ang exam ay excited na akong lumabas.Baka anjan si Jess.

Siguro sabay kaming maglulunch dahil di naman niya ako dinalhan ng snacks.

Nanlumo naman ako ng wala siya.Luminga linga pa ako,baka andito lang siya.Pero wala talaga.

"Justine!" Rinig kong tawag sakin.Nilingon ko naman agad.At lumapit sakanila.

"Wala si Jess?Tara sabay na tayo lumabas.Gagala tayo ngayon!" Excited na ani ni Lia.

"Sama ka samin?" Tanong ni Aira

"Sumama kana.Di kana nga sumasabay samin e,porket napansin ka lang ng crush mo." Ani ni Margie.

Naguguilty narin ako.Siguro nagtatampo na ang mga to sakin.Di na kasi ako masyadong nakakasabay sakanila.Dahil lagi akong niyaya ni Jess na sabay kumain.

Tutal mukhang wala naman si Jess ay sumama ako sakanila.

Nagpunta kami sa bahay nila Aira.Nagfoodtrip at tumambay lang sa bahay nila.Nanood din kami ng TV.At natulog.

Umuwi ako sa bahay ng mga alas singko na ng hapon.

Pagkatapos namin maghapunan ay nakatulog na agad ako.Di ako nakapagonline.Dahil feeling ko pagod na pagod ako.

Biyernes...

Pag-gising ko ay takbo naman agad ako sa labas ng kwarto para makaligo.Late nako! Exam pa naman.Takbo ako ng takbo papasok ng room.Buti ay kakadating lang ng teacher namin.

Di ako nakuntento sa mga sagot ko sa test,feeling ko mafifail ako.Nawala mga nireview ko,kakakaisip kay Jess.Sana naman nandito na siya ngayon.Paglabas ko ng room,nakita ko si Jess na saktong papasok na rin.Nilagpasan niya lang ako.Di ata niya ako nakita.Nilingon ko pa siya.Umupo lang agad siya.

Nanlumo naman ako ng sobra.

Bakit di na niya ako dinadalhan ng snacks?Bakit di na niya ako sinasabay na kumain?
Baka siguro dahil exam.Nagfofocus siya ng mabuti.Diko nalang inintindi iyon.

Naglakad ako ng parang pinagsakluban ng langit at lupa.Nakasalubong ko naman ang mga kaibigan ko.

"Ohh bat di maidrawing yang mukha mo." Bungad ni Margie sakin.Inangat ko naman ang tingin ko sakanila.

Tumawa lang ako.

"Wala.Feeling ko lang mababa makukuha ko sa exam." Ani ko sakanila.

Kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan.Ano kayang nagawa ko kay Jess? Nung huli namin na pag-uusap masaya naman ah.Di naman kami nagkagalit o nagkatampuhan.Bakit kaya ganon?

Baka siguro nagsawa na yon.
Narealize niya siguron na sakit lang ako sa bulsa.Araw-araw ba naman ako na ilibre ng pagkain.

Bat ba ganito ako makareact?Wala namang kami!
Ang tanga tanga mo naman Justine e. Asa kasi ng asa.Wala namang kayo.Pati yon pinoproblema.Di naman niya obligasyon na hatidan ka lagi ng pagkain at sabayan sa pagkain.Di naman kami!

"Nako ikaw ba yan? Maaral na." Pagbibiro ni Lia.Tumawa naman ako ng bahagya.

Naglakad na kami palabas ng gate.Kung ano ano ang pinagkukwentuhan nila.Di naman ako makasabay,dahil kanina ko pa iniisip si Jess.

Nang Sabado at Linggo ay nakakulong lang ako sa bahay at buong hapong nagonline.Scroll lang ako ng scroll.Di man lang niya ako chinachat.Una siya sa mga kachat ko.At ang huli naming chat ay last week pa.

Nang naglunes ay maaga ako pumasok.Nagcheck lang ng test paper ang ginawa namin.

"Nagpapansinan pa ba kayo ni Jess?"  Tanong ni Joy sakin.

Tinignan ko ang score ko at itinago na sa bag ang testpaper.

"Hindi." Simpleng sabi ko lang.

"May nililigawan yun e,sa kabilang strand." Sabi niya.Nagulat naman ako.

Shet.

Kaya pala.Kaya siguro di na nagpaparamdam.Kaya iniiwasan nako.

"San mo nalaman?" Ani ko sakanya.At tuluyang hinarap.

"Sabi nila...usap usapan rin." Aniya at concern na tumingin sakin.

"Ahh.." tumangong ani ko.Kumirot konti ang dibdib ko.

Siguro ay maganda i'yon.Siguro ay maganda ang katawan.Maganda ang ugali.Siguro ay yun ang tipo niya.

Hindi katulad ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Joy at concern na tinignan ako.

Tumango lang ako sakanya bilang sagot.Nang pinalabas na kami ay sabay kami ni Joy.Sasabay daw siya samin na umuwi.

Nang palabas na ako ng pintuan ay nakasalubong ko si Jess.Kinalabit ako ng palihim ni Joy.Hinayaan ko lang siya.

Nang magkalapit na kami ni Jess,ay tinignan ko siya.Nagtama ang paningin namin,umiwas ako bigla at yumuko.Nagdire-diretso nalang ako ng lalad at di na ulit siya tinignan.Medyo napahinto pa siya at diko na alam kung anong ginawa niya.Dahil nilampasan ko na siya ng tuluyan.

Siguro ay nandidiri siya sakin.Naalala niya siguro yung pagsabay niya sakin ng lunch.At natatawa siya sa mga panahong sinasabay niya ako at dinadalahan ng pagkain.
Okay nalang rin siguro 'to.Iiwas nalang ako,para naman mabawas-bawasan nararamdaman ko sakanya.Hindi ko alam,pero bat ang sakit sakit.Crush ko lang naman siya.Hinahangaan ko siya sobra sobra.Dumating na sa point na pinapangarap ko na siya na maging akin.

Hanggang dito nalang siguro.
Atlis kahit papaano pinakilig niya ako.Siguro pinarananas niya lang sakin yon.Kasi alam niya na crush na crush ko siya.

Wala nang mas sasahol pa sa ugali niya.

Biglang may pumatak na luha sa isa kong mata.Pinunasan ko agad yon.At pinigilang magtuloy tuloy.Nakisama naman ang mata ko.

Hinila na ako ni Joy papunta sa lugar kung nasaan at naghihintay ang mga kaibigan ko.

Ang sakit...

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Joy na may nililigawan si Jess.At ang pag iwas sakin ni Jess at hindi pagpaparamdam.

Pinakilig lang talaga ako.Tanga ako at umasa na baka gusto niya ako.Hahahahaha.Nakakatawa na isipin na magkakagusto sakin yon.

Isa lang naman ako sa mga taong...

Pinakilig pero hindi inibig...

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now