Chapter 3 - AnZen Couple

27 1 0
                                    

Chapter 3 – AnZen couple

 

 “Grabe Zenith. Super bagay kayo ni Andrew nung sa Marriage booth. Yung mga pictures nyo, puro kayo naka-smile. May nagsabi pa nga na magka-MU daw kayo. Sinabi ko naman na si Kuya Dylan lang ang nag-iisa mong crush.” Sabi ni Liz, yung kaklase ko na officer sa SG.

Hayy.. Tama na nga yang Foundation Day topic. Tapos na ang foundation day eh. Wag niyo nang ibalik pa ang mga nangyari.” Sabi ko at umupo sa armed chair ko. Naihilamos ko ang dalawang kamay ko.

“Huy. Zenith. Hindi mo ba naenjoy ang foundation day? Ang dami nyong moments ni Andrew eh. Grabe kinikilig na talaga ako sa inyong dalawa. Marami ngang mga juniors natin na sobrang naiinggit sayo. Si Andrew na MVP sa badminton at tennis. Mapa-table man o Loan tennis. Woah! Swerte mo.” Paghanga naman sa akin ni Cindy at niyuyug-yog pa ako sa upuan habang siya’y nakaupo sa tabi ko.

“Hindi naman siya marunong mag-basketball ‘di tulad ni Kuya Dylan. Ang cool kaya niya. Lalo na nung nalaman natin na MVP pa rin siya. Grabe lang. Eh diba, MVP ka rin Zenith sa volleyball? Eh diba, bagay kayo. As in bagay kayo!! MVP ng basketball at volleyball. Cool!” sumbat naman ni Tina, na kaklase ko, kay Cindy habang nakatayo siya sa harap ko.

“Eh bagay rin naman yung MVP sa badminton at MVP sa volleyball ah.” Sabi ni Cindy.

“Tss. Ang weak kaya tingnan kung sa badminton ka lang magaling. Mas mahirap pa pag-aralan yung volleyball. Badminton lang siya. ‘Di sila bagay ni Zenith.” Sabi naman ni Tina.

“Hoy! Tennis rin no! Mas cool yung tennis. At mind you! Sa tennis at badminton siya MVP. DALAWA! Eh si Kuya Dylan? Tss. Basketball lang siya magaling. Mas karapatdapat si Andrew kay Zenith kesa kay Kuya Dylan.”

At ayun. Nagsimula na silang magdebate.

Lumabas na lang muna ako ng room at nagpahangin sa labas. Hindi nila ako napansin.

Natatawa naman ako sa mga kabarkada ko. Ganyan sila araw araw eh. Pero kahit ganyan, solid barkada pa rin kami.

Palagi nila akong inaasar kay Kuya Dylan. Simula nung sabihin kong crush ko siya.

Crush ko nga lang siya tulad nila pero ako talaga yung palaging inaasar. 

Dahil daw bagay kami….??

Siya lang kasi ang nasabi kong crush ko. Lahat talaga gagawin ng mga yun para maasar ako.

Oo nga pala. Volleyball MVP na rin ako. Kung hindi nanalo yung Green Team, hindi ako magiging MVP, salamat rin sa mga ka-team mate ko.

Chapter 3.1 – Our Memories

Sa gitna ng katahimikan, bigla ko na namang naalala ang mga nangyari sa foundation day.

Si Andrew.

Hindi mawala-wala sa isipan ko yung pangalan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love&Game: Wrong Guy [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon