Dumating kami sa kinaroroonan ni Sir Rodel, malapit lang sa kung saan kami nanggaling. Napapalibutan na ito ng mga Pulis at Medical Personnel na rumesponde. Naroon na rin ang mga media at mga bystander na nakiki-usyoso sa insidente.
"Ito yung iniinterrogate niyo kanina, diba?" Tanong ni S/Insp. Aragon.
Tumango lang si Sir Lim sa kanya, dahil usap-usapan sa loob ng organisasyon na hindi umano magkasundo ang dalawa.
"Nagpakamatay na, hindi na siguro kinaya yung dinadala niyang problema."
Napakadaya naman. Marami pa kaming dapat malaman, agad rin siyang bumigay. Pero ang nakakapagtaka lang doon, paano yun nangyari eh, bantay-sarado nga siya? At paano ito nang ganoon kadali? Tinignan ko si Sir, kita ko ang disappointment sa ekspresyon niya sa mukha habang umiiling. Malamang pareho kami ng iniisip.
"Sige, iimbestigahan na namin 'to. Tamayo, simulan mo nang magmanman sa paligid niya, baka may iniwan siya--"
Utos pa ni Sir Lim sa akin na biglang pinutol ni Sir Aragon."Bakit kayo? Eh ako naman ang hahawak sa kaso na 'to!" Sagot sa kanya nito. Nagsimula na silang magtalo
"Ako ang nag-interrogate sa taong ito. Ang ibig sabihin, ako ang may jurisdiction sa kanya. Kaya ako ang hahawak rito dahil alam kong may kaugnayan ito sa imbestigasyon namin!"
"Lim, Lim. Ako ang inassign dito. AKO ANG RUMESPONDE RITO! Kaya wag ka nang makisingit pa."
"Ah--Sir, marami na pong nakatingin sa inyo..."
Sinusubukan kong awatin ang dalawa kasi nakakahiya na silang tignan, lalo pa't nagtatalo sila sa harap ng mga media. Pero tama naman si Sir. Under sa jurisdiction namin si Mr. Castillo, kaya kami ang responsable sa kanya.
Kami ang responsable...
"Ano'ng kaguluhan 'to?" Sa wakas ay dumating na rin si Chief Laurel.
"Hindi ba, Chief, ako ang maghahandle sa kaso na 'to?" Giit pa ni Sir Aragon.
"Oo, ikaw nga. Inassign kita rito para mag-assist kina S/Insp. Lim, at para na rin magkaroon ng initial response ang insidente—dahil marami na silang pinanghahawakan at dumagdag pa 'to." Pagpapaliwanag pa ng hepe sa kanya.
"Napaka-unfair naman, Chief. Gusto kong ako lang ang mag-iimbestiga sa pagpapakamatay ng taong ito. At ayokong maghanap ng taong nawawala."
"Basically, may koneksyon naman 'to sa kasong hinahawakan nila S/Insp. Lim. Pero ito lang ang ihahandle mo, tutulungan mo lang din naman siya at some point. Ano ba problema mo? Gusto mo bang magpalitan kayo? Siya mag-aassist sayo rito tapos ikaw naman ang maghahanap kay Ms. Gomez? Ganoon ba ang gusto mo?"
"Hindi naman, Sir. Pero--"
"That's an Order! Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!"
Matapos nito ay tumungo na si Chief Laurel sa may bangkay para tignan ito nang malapitan.
Minsan, hindi talaga namin maintindihan ang pagiging arogante nitong si S/Insp. Aragon. Gusto niya na sa kanya palagi mapupunta ang lahat ng credits.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...