Naglalakad lakad ako sa kawalan dahil hanggang ngayon ayaw pa rin tanggapin ng utak ko ang mga nakita ko at nasaksihan ko kanina. Hindi ko lubos isipin ang taong mahal ko at si kaycee ay iisa.
Nagkaroon rin ako ng pagsisisi kung bakit hindi ko pinakinggan ang gusto i-explain sakin ng papa ni kaycee. Pero ngayong alam ko na .. Kailangan ay kumilos nako.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinaial ang number ni ate kylie. Tatawagan ko siya ipapaalam ko to ng sa matulungan niya ko.
"Hello ate?"
"Oh bat napatawag ka? Kamusta ang texas kim?"
"Ah ate. Mamaya na natin pag-usapan yan. Kailngan kita"
"Ha? Bakit anong nangyari?"
"Ate si kaycee .."
"Oh anong meron kay kaycee?"
"Ate nahanap ko na siya" maiiyak iyak kong sinabi yun kay ate kylie. Tears of joy ata eto
"Oh sige. Mageempake nako at hintayin moko dyan. Ipapabilin ko na muna sina mitch at hiro"
"Okay. Salamat ate" at tuluyan ng naputol ang pag-uusap namin.
Tatawagan ko naman ang DDC. Para gumawa ng plano.
Pagkatapos ko silang kausapin eh nagkita kita na kami sa hotel.
"Yo."
"Pre"
Binigyan ko naman sila ng pekeng ngiti. Hindi ko pa magawa ang ngiti na ginagawa ko dati dahil naghahalo halo ang nararamdaman ko ngayon. Sinimulan na namin ang pag-uusap at lahat naman sila nagbigay ng mga suggestion nila para makatulong sakin.
At bukas na bukas din ay pupunta ulit ako sa hospital kung saan nandun si kaycee. Si kaycee .. Si kaycee na taong minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon.
*Kinabukasan
Nagbihis agad ako at pinaharurot ko ang kotse ko para agad akong makarating sa hospital. Ilang minuto pa ay ligtas naman akong nakarating dahil sobrang bilis ata ng pagpapatakbo ko sa kotse ko.
"Kaycee!" pagkabukas ko ng kwarto. Walang kaycee. Walang bumungad sakin na babaeng pasyente
"Kaycee .." patuloy ko pa rin na sigaw sa loob ng kwarto hanggang sa may dumating na nurse
"Where's the patient?"
"I don't know sir"
Lumabas nako ng hospital at hinanap si kaycee. Pero kahit anong kotseng pagmamay-ari niya at ng pamilya niya ay wala akong naabutan. Kaya naman nagmaneho na ulit ako diko alam kung saan ako maghahanap. Eto nanaman tong pakiramdam ko na maiiyak ako at nawawalan ako ng lakas ng loob. Nung mga time na naramdaman ko to nandito si kaycee sa tabi ko at kinokomfort ako. Binibigyan ng payo. Kaya naman inalala ko lahat ng payong iyon at pinasok uli sa utak ko. Pumikit ako sandali at inaalala ko ang mga ginawa naming magaganda ni kaycee nung kasama ko siya.
Palagi kaming nag-aasaran
Lagi niya kong minumura
Pero nung sa nasa rest house kami doon nagsimula ang pagiging mabait namin sa isa't isa. Wala sa amin ang nagsabi na maging okay na dapat kami pero nagkusa lang. Nangyari lang. Idinilat ko muli ang mga mata ko at may isang malaking truck ang babangga sakin.
Pinilit kong igilid at makaiwas pero hindi ko nagawa dahil ang kotse ko ay tila nawalan ng preno. Wala nakong nagawa kundi takpan ng mga braso ko ang mukha ko at saka yumuko.
BINABASA MO ANG
You found me
Fiksi RemajaBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...