PROLOGUE☘️

23 2 0
                                    

2023

       " It will make my life better if I would go to USA. I can take my dream course there, with this scholarship I could be a great Aeronautical Engineer. I really wanted to be an Aeronautical Engineer. I will make it to NASA. I'm already an inch away from my dreams. I can do this. This is for my family, I know they will understand me" sabi niya sa sarili habang tinititigan ang kanyang scholarship grant. Makakapag aral sya sa America.
         Masayang masaya siya habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay nila sasabihin niya sa pamilya niya na nakapasa siya sa scholarship at matutupad na rin sa wakas ang mga pangarap niya. Pagkarating niya sa kanilang tahanan ay nakasalubong niya ang ina niya. "Magandang hapon, Ma. May sasabihin po ako sa inyo. Nandito na po ba si Papa?" Tanong niya sa mama niya. " Oh narito ka na pala. Wala pa ang Papa mo. Pero pauwi na siguro yun. Ano pala ang sasabihin mo?" tanong ng Mama niya. " Ma, nakapasa po ako sa scholarship na inapplyan ko. Makakapag aral ako sa America." Masigla niyang sabi sa Mama niya. " Mabuti kung ganoon pero ang layo naman ng lugar na pupuntahan mo para mag aral anak.. Wala kami roon kapag kelangan mo ng makakasama. Malulungkot kami. Pero mas pipiliin namin ang mangulila at malungkot kesa naman sa di ka makapag aral sa hirap ng buhay natin." malungkot na sabi ng Mama niya. " Ma, uuwi rin naman po ako eh. At least Ma magkakaroon po ng malaking tyansa na makakapagtrabaho ako sa malalaking corporasyon kapag sa ibang bansa ako makakapagtapos. At para rin naman to sa atin eh." sagot niya sa Mama niya.
        Maya maya ay dumating ang kanyang Papa kasama ang mga kapatid niyang babae. "Narito na kami! Aerene, nakauwi na ba ang panganay natin?" tanong ng Papa Jamie niya habang papasok ng kanilang bahay. " Nandyan na ang papa mo. Sabihin mo na sa kanya ang iyong balita. Siguradong matutuwa yun." sabi ng mama niya.
Tumango lang siya habang pumapasok sa kwarto niya." Oo narito na. Kakauwi niya lang. Nauna lang sya ng kunti sa inyo." sagot ni mama Aerene niya sa kaniling ama. " Ah ganoon ba. Saan na siya? tanong ni Papa Jamie. "Pumasok pa ng kwarto niya nagbihis pa sya." sagot ng mama Aerene niya.
          Maya maya ay lumabas na siya sa kwarto niya. Sinalubong niya ang papa niya at nagmano rito. "Kamusta na man ang pag aaral mo? Ano nakapasa ka ba sa eksam mo para sa scholarship mo? " tanong ng papa niya. " Ok lang naman po ang pag aaral ko pa. At yung sa scholarship po pa nakapasa po ako yun nga lang pa sa America po ako mag aaral. " Sabi niya sa papa niya.
" Ah ganoon ba anak. Ang layo naman ata ng lugar na kung saan ka mag aaral. Bakit doon talaga anak? Di ba pwedeng dito na lang? " tanong ng papa niya. " Eh kasi pa nasali po ako sa exchange students program ng CHED. At doon po nila napiling pag aralin ako. Ayaw niyo po ba pa? " tanong niya rito. " Di naman sa ayaw ko anak kaya lang matagal ka naming di makikita. Paano kung may mangyari sa'yo doon? " Sabi ng ama niya.
" Uuwi rin naman po ako paminsan minsan pa. At kung doon po ako makakapag aral at makapagtapos mas magkakaroon po ako ng magandang trabaho at makakatulong po ako sa inyo. " sabi niya. " Oh sige, kung okay lang sa mama mo, payag na rin ako. Ano ang pasya mo, lab? tanong papa niya. " Wala na rin naman tayong magagawa pag gusto talaga ng anak mong mag aral doon kaya papayag ako. Basta pangako mo uuwi ka pa rin paminsan minsan, anak ha." sabi ng mama niya. " Pumayag ang mama mo kaya papayag na rin ako. Mag aral kang mabuti doon ha kapag doon ka na." sabi ng ama niya. " Salamat po Ma at Pa na pinayagan niyo ako. Di po kayo magsisisi sa desisyon niyo pag iigihan ko ang pag aaral ko doon para makahanap ako ng magandang trabaho agad." masayang sagot niya sa mga magulang.
"Sana nga anak. Ipagdarasal namin na sana ay mapagtagumpayan mo ang mga pangarap mo. Pero sa ngayon ay magsaya muna tayo dahil with high honors ka na naman ulit. Ang talino mo talaga anak. Nagmana ka sa akin." sabi ng kanyang papa na sinalungat naman agad ng kanyang mama. " Anong sabi mo? Nagmana sa'yo? Sa pagkakaalam ko kasi mas malaki ang naiiaambag naming mga nanay sa katalinohan ng aming mga anak, kaya malabong magmana sya sa iyo lab. Sa akin siya nagmana Wag kang ano dyan. " sabi ng mama niya.
         Siya at ang mga kapatid niyang nakikinig ay tawa lang ng tawa sa bangayan ng parents nila. Makalipas ang ilang minuto ay nagluto na ang mama niya ng hapunan nila. Pagkatapos ay kumain na sila ng hapunan at natulog na. Masaya siyang nakatulog kasi pinayagan siya ng magulang niyang  mag aral sa America. Matutupad na ang mga pangarap niya.
          Makalipas ang ilang buwan ay nakapagtapos na siya ng Senior High School. Naghahanda na siya sa pagpunta niya sa America. Tinutulungan siya ng mama niya na mag empake ng kanyang mga dadalhin papapunta roon. Kahit ngayon ay di pa rin sya makapaniwala na makakapag aral sya roon. Kinakausap sya ng mama niya habang tinutupi ang kanyang mga damit. Sinasabi ng mama niya na sana ay wag niyang kalimutan ang panginoon saan man siya magpunta dahil gagabayan siya nito at di papabayaan.
       Ilang araw na lang at nakatakda na syang umalis patungong America. Parati niyang tinatabihan ang kanyang mga kapatid dahil pagdating niya roon ay di na niya makakatabi ang mga kapatid. Sinusulit niya ang mga araw at gabi na kasama ang mga magulang at kapatid niya. At dumating na nga ang panahong hinihintay niya, aalis na sya patungong America. Nagsimula nang umiyak ang kanyang mga kapatid, sumunod na man ang kanyang mga magulang kaya maging siya ay naiyak na rin. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na sana ay mag ingat siya at wag niyang kalimutan kung ano ang dahilan kung bakit siya umalis patungong America. Nangako siyang magsusumikap siya at makakapagtapos para natulungan ang mga magulang niya. Masakit man ang kalooban ay unti unti na siyang humakbang patungo sa loob ng paliparan ng tinawag na ang kanyang flight. Sa isip niya wala nang atrasan pa. Para sa kanyang pamilya ang gagawin niya.

2025

         Dalawang taon na ang nakalipas ng umalis siya ng Pilipinas para mag aral dito sa America. Marami siyang nakilala at naging kaibigan pero iba pa rin ang lugar na kanyang nagisnan. Minsan ay nalulungkot siya habang naiisip niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Di siya makauwi dahil wala naman siyang pera para makabili ng ticket pauwi.
Isang araw nakita siya ng isang mag asawa na nakaupo sa labas ng isang coffee shop umiiyak. Tinatong siya ng mag asawa kung bakit siya umiiyak at sinabi niyang namimiss na niya ang kanyang mga magulang at kapatid. Na nasa America siya dahil nakakuha siya ng scholarship at dito siya napiling paaralin kaya lang ang kanyang foster parents ay umalis ng America at lumipat sa Canada. Walang wala sya at di niya alam kung saan pupunta ayaw naman niyang umuwi.
           Habang nagsasalita siya ay naawa sa kanya ang mag asawa napili nilang ampunin siya at sila ang maging foster parents niya. Naantig ang kanilang damdamin dahil nakita nilang pursigido sya sa pag aaral niya. Kaya napagdisisyonan ng mag asawa na ampunin siya. Grabe ang kanyang pasasalamat dahil sa gagawin ng mag asawa sa kanya. Mabait sa kanya ang mag asawa at naging palagay ang loob niya rito.
         Makalipas ang dalawa pang mga taon ay nakapagtapos siya ng kursong Aeronautical Engineering. Ang mag asawang kumupkop sa kanya ang pumunta sa kanyang graduation. Masayang masaya siya at nakapagtapos na sya at di lang yun magtatapos siya na magna cum laude. Tuwang tuwa ang mag asawa at hindi daw sila nagkamali sa pagkopkop sa kanya. Pinasalamatan niya ang dalawang matanda dahil sa kanilang kabaitan ay nakapagtapos siya.
        Pagkatapos ng Graduation nila ay may lumapit sa kanyang tao at nagsabing gusto siyang kunin ng NASA para makapagtrabaho sa kanila.
Siya ay natulala sa sinabi ng tao, di siya makapaniwala na makakapagtrabaho siya sa NASA. Pinangarap niya lang noon na sana ay makapagtrabaho siya sa NASA ngayon ay ang tauhan pa NASA ang pumunta para sabihan sya na gusto nilang makapagtrabaho siya sa kanila. Halos di siya makahinga sa narinig niya. Nang mapansin iyon ng kanyang foster parents ay nagtaka ang mga ito kaya tinanong siya nila. Sinabi niya kung ano ang sinabi sa kanya ng lalaking nakausap niya. Nang marinig ng mag asawa ang sinabi niya ay tuwang tuwa ang mga ito at masaya sila para sa kanya. Sabi nila ay deserve naman niya iyon. Kaya binalikan niya ang lalake at sinabing tinatanggap niya ang imbitasyon ng NASA.
           Makalipas ang ilang mga linggo ay nag apply nga siya sa NASA at agad naman siyang natanggap para magtrabaho roon. Ibinalita niya agad sa kanyang foster parents na natanggap siya pati na rin sa kanyang pamilya. Naisip niya di nga siya nagkamali nang napagdisisyonan niyang sa America mag aral.

Heart Inside The Star (🐌🐢) Where stories live. Discover now