=Taylor’s PV=
Parang baliw tong si Joey. Iyak ako ng iyak. Siya naman pilit akong pinapatigil.
“Taylor, tigil na. Sos naman o? Di deserve ng Matthew na yan yang iyak mo. Sige ka pag di ka pa tumigil sa pag iyak mo susugurin ko ule yang si Matthew na yan. Dis time, papatulong na ko kila Andrew. Di ba seatmate?”
“Ano ba kayo? Wag nyo na sisihin si Matthew. Ako naman talaga may kasalanan e baka may mali akong nagawa kaya niya ko iniwan” At umiyak na naman ako dis time mas malakas na. I just cant accept the fact na wala na talaga kami. “Tell me Joey, what’s wrong with me? Do I don’t deserve him?”
“AY TANGA! Hay nako Taylor! Pag di lang kita kaibigan kanina pa kita nabatukan dyan sa kagagahan mo.” Tignan mo to. Kala ko pa naman ang isasagot niya e “No, Taylor. He don’t deserve you!” Iba talaga to. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin. Sabay hagod sa back ko.
“Sorry Taylor. Okay sige na. Iyak mo nalang lahat sakin. Don’t worry time will come na makakakita ka din na very na much pa better pa kay Matthew Jerk na yan. I’m not in the right place para magpayo sayo dahil una sa lahat e, I’ve never been inlove at pangalawa dahil I’ve never been inlove nga malamang di pa ko nabrobroke. But there’s one thing I can assure you, I will help you forget him. I will help you move on.” At bigla akong natawa sa sinabi niya. To talaga parang lalaki magsalita at ayun siya gulat na gulat dahil sa bigla kong pagtawa.“WAHAHAHAHAHAHA. Patawa ka talaga Joey! Ano ka Tboom? I will help you forget him. I will help you move on. HAHAHAHAHA talaga.” Di pa rin ako makamove on sa pagtawa. Ewan ko ba? Korni ba ko? Hahaha. Pero natatawa pa rin talaga ako e.
“GAGI! Bakit lalaki lang ba ang pedeng tumulong sayo na makalimutan siya? Ang makamove on sa kanya?” Dahan dahan niyang inayos ung buhok ko at palapit na palapit ung face niya sa face ko. Oh my G Joey? Anong gagawin mo sakin. At bigla kong napapikit. At nakarinig ng isang malakas na tawa.
“HAHAHAHAHAHAHAHA. Taylor! Look at your face. Di ako Tboom no? Tutulungan kita in my own way hindi sa iniisip mo. Hahaha. Kayo talagang mga babae. Pang fairy tale lagi ang gustong love story.” Sabay inakbayan ako. Baliw talaga to. Kinabahan ako kanina a. Kala ko talaga tboom siya
“GAGO KA TALAGA JOEY!” Yeah! Natuto na kong macurse tuloy dahil sa kanya pero ung mga ganyan lang naman. Expression kc lagi nila yan nila Andrew tsaka nung iba niya pang friends e. Kaya ilang ako sa kanila pag sama sama na sila e. Pano ba naman lahat sila lalaki? Tapos di pa ko nakakarelate sa mga usapan nila ni Joey.
=Andrew’s PV=
Baliw talagang magcomfort ng babae tong si Joey. Kung ano ano pa pinagsasabi kay Taylor. Kung di ko lang siya kilala, maniniwala na talaga ako na gusto niya si Taylor.Ilang months na nakalipas and Yeah! Close na kami ni Joey. Every break since parehas kami ng breaktime tuwing tues at thurs, pumupunta kami sa may labasan para magfoodtrip at kung ano ang foodtrip namin? Malamang streetfoods. Nung una niya kong dinala dun. I swear. Nagdadoubt ako kung kakainin ko ba mga pinagbibili niya o hindi kaya lang nung nakita kong sarap na sarap siya sa pagkain nainggit ako kaya napakain na din ako. Ang sarap pala niya a. Favorite naming ung betamax tsaka ung kwekwek.
“Oy Seatmate! Timang mode ka na naman? Ngumingiti mag isa? Daydreaming?”
“Daydreaming mo muka mo. Makabatok? Ang sakit kaya!”
“Ay masakit ba? Asan asan?” Loko talaga tong babae na to parang laging nakakaloko. Pero gustong gusto ko naman. Lalo na kapag gantong may pacute cute pa siyang nalalaman.
“Ewan ko sayo!”
“Ang sungit ni Seatmate o?”
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ung prof namin. Alam nyo naman tong katabi ko GC (Grade Conscious). Ayun tumahimik bigla at parang maamong tupa.
“OY! Seatmate?” Gustong gusto ko talaga na tinatawag niya kong seatmate. Para bang may endearment na siya sakin. Ako mas prefer ko pa rin ang Joey sa kanya.“OY! Timang timang na naman. Ngumingiti na naman mag isa. Halika na. Inaantay na tayo nila Benj. Dalian natin aantayin ako ni Taylor e.”
“E bat di nalang siya sumabay satin maglunch?”
“Like DUH Andrew? As if namang mapapasama mo un. Naiilang nga daw siya. Tara na.”
Nandito kami ngaun sa tambayan ng barkada. Sayang naman tong si Aldren every weekend lang namin nakakasama. Kung tatanungin nyo kung close kami. Yeah. Close na kami. Alam ko na ang dahilan kung bakit nawili si Joey dito kay Aldren. Masarap kasi kasama.
“Joey! HInay hinay pagkain. Di ka mauubusan. Hahaha. Bagal bagal mo namang kumain.” – Drake
“May kadate yan bro. Magkikita sila after neto kaya nagmamadali.”
“HUH? Sinong kadate mo?”- Edward &Clint
Lagi talagang sabay tong dalawang tong magsalita. Si Benj naman tumatawa lang parang gets na niya na pinagloloko lang namin sila.
“Mga GAGO. Si Taylor kasama ko? Remember? Ung sa mall?”
“AHHHH!” - Edward &Clint
“Sige guys. Gotta go. See you!”“BYE JOEY!”
“Okay bye guys! Bye seatmate!”Pagkaalis na pagkaalis ni Joey etong mga to parang mga tanga biglang lumapit sakin. At mga nagtanong.
“SEATMATE!” - Edward &Clint
“HAHAHAHAHA.” Sabay tawa ng mga un. Parang tanga kasi tong sila Edward at Clint ang bading ng pagkakasabi ng seatmate with matching beautiful eyes pa.
“Mga Gago!”
“Pero seryoso pare, anong meron sa inyo ni Joey?” –Benj
“Ehem. Ehem. I smell jealousy here.”-Drake
“Baliw kayo. Wala lang guys. Were good friends na. Kala ko nga di ko din magiging kaclose un e. I mean ung kagaya ng closeness nyo sa kanya.” Mga chismoso to.
“AHHHH!” - Edward &Clint
“Lagot ka kay Aldren! Pag nalaman niya yan.”-Drake
“O? Bakit naman?” Takte. Sabi ko na nga ba e. may gusto din si Aldren kay Joey e.
“Inaagawan mo siya ng best friend! Hahahaha.”-Drake
“LAGOT!!” - Edward &Clint
“Sira talaga kayo.” Kinabahan ako dun a.
“Pero pre, seryoso? Di mo type si Joey?”- Benj
“Di nga. Tropa lang talaga.” Ano ko tanga? Asaness kayong aamin ako sa inyo. Kay Aldren muna no.
“Hahahaha. Oo nga naman sa dami ng naghahabol sayo e, Mga chicks pa. Penge nalang akong isa.”-Drake
“ULOL KA TALAGA DRAKE”
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Fiksi RemajaSmart, sporty, musically inclined, friendly, cool, rich, gorgeous but one of the boys. That is JOEY MEDINA. How is it nga ba if your one of the boys? How is it to be Joey? Of course,its fun and cool. But what if time comes na mainlove ang isang one...