Jericha's POV
Anong oras na ba ko nakatulog? Di ko maidilat ang mga mata ko..Ang sakit sa ulo,daig ko pa lasing.Hahaha..Makabalik na lang ulit sa pagtulog. Sabado naman sulitin ko na lang weekend.
Pipikit na sana ako nang biglang nagring ang fone ko.Sino naman kaya ito,istorbo e.
"Hello." Walang kabuhay buhay kong sagot.Di ko na nga tinignan kung sino yung tumawag.
"Hoy Jericha,andito na kami kila Kim.Natutulog ka parin.." boses ni Jas yun.
Tumingin ako sa orasan,2pm na pala..Ganon pala ako makatulog pag puyat.
"Cge na bye.Maliligo lang ako punta na ko diyan.."
Nakalimutan ko sabi nga pala ni Popoy 1pm dapat nasa kanila na ko.Isang oras na pala nakalipas..
Dali dali akong tumayo at nagpunta nang banyo para maligo.Naka.ready narin pala yung mga pagkain ko sa lamesa.After ko magbihis kumain muna ko nang kaunti at nagpaalam na kay Manang Sabel.
Pagtapat ko sa bahay nila Best inayos ko muna yung sarili ko baka mamaya mukha parin akong bagong gising.Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Joma , yung driver nila Tita Nene...Sabi niya sakin dumiretso na lang daw ako sa loob ng bahay kaya tumuloy na ko.
"Si sleeping beauty andito na" si Pekto ang unang nakakita sakin.
"Sorry naman guys.Napuyat lang."
"Pinuyat ka na naman ba ni Kim??" Biro nila Mico at Jamil.. Remember nung pumasok kami one time na puyat nga ako dahil sa magaling kong bestfriend.
"Magsitigil nga kayo,uuwi na lang nga ako.." magwa.walk.out na sana ako nang lumapit si Popoy sakin.
"Magtatampo na naman yan,naku lagot kayo diyan pag nainis yan.Tara na nga.." nagpuntahan na kami sa sala nang napansin ko na wala pa si Jesser.
"Parang may kulang sa tropa ah."
"Oo nga pre,asan si Jesser bakit wala pa?" Dagdag naman ni Pekto.
Kimpoy: "Tinawagan ko na,hinihintay lang daw yung pinsan niya.."
"So he's with Ariana?" Tumango lang si best bilang pagsang.ayon.
May kanya-kanya nang mundo sila Best,Pekto at Mico.Habang busy naman sila Jas at Jamil sa pagprepare nang foods.Samantalang ako inaantok parin.
"Jericha halika dito,tulungan mo kami.." aakyat na sana ako sa room ni best e.
"Kaya niyo na yan.Matutulog muna ko ha."
"Ekang,san ka pupunta?" Boses ni Kimpoy yun,siya lang naman tumatawag sakin nun e.
"Inaantok pa ko best e..Makitulog muna ko sa room mo."
"Magulo pa room ko,dito ka na lang.Tulungan mo muna sila Jas at Jamil sa kitchen.Wag madaya." Okay.Sundin ang boss.
"Yes sir,magluluto na po ako" irap ko sakanya.
Bumalik ako sa kitchen para magluto nang carbonarra at spaghetti.Yan lang kasi alam kong lutuin..After namin makapag.prepare nang foods dumating din sila Jesser at Ariana.
"Late na ba kami?" Bungad ni Jesser.
"Hindi naman pre,come in" Pinapasok na ni Popoy ang mga bagong dating.
"Mukhang masarap ang niluluto nang mga girls ah..Eto pa idagdag niyo diyan.." inabot samin ni Jesser ang Fried chicken at BBQ na dala dala niya.
"Si Ariana nga pala,pinsan ko.Kilala niyo naman siguro siya di ba? Mahiyain yan so kayo na bahala." Sinama nila Jas at Jamil sa kitchen si Ariana at dinaldal nila ito.
BINABASA MO ANG
I Love You BESTFRIEND (On-Going)
Novela JuvenilKung mahal mo ang isang tao , wag mong bestfriendnin para mo narin kasing Fnriendzoned ang sarili mo... Kailangan iwasan mo na lang siya para hindi ka ma-fall sa tinuturing mong matalik na kaibigan ??