"Obsessed Love"
----------
Nasa labas na ng bahay sina Clayden at Noreen. Nagpapaalam ang binata habang hawak ang kamay ng dalaga..
Magkita tayo bukas Clayden. Gusto kong pumuntang muli kina Lola Justa."
"Sige. Susunduin kita mga four ng hapon."
"Mag-ingat ka sa pag-uwi."
"Oo i will para sayo. Noreen, sino ba talaga si Dexter sayo?"
"Huwag kang mag-alala Clayden. Sayo lang itong puso ko. Friend ko siya since childhood. Hanggang doon lang. Ewan ko ba why inisip nilang kami na ni Dexter."
"Did he courted you?"
"Yes. He onced said na mahal niya ako. But i stopped him to continue ang sinasabi niya. I told him he is my brother. Since then wala na siyang binabanggit about his feelings sa akin."
"Ikaw Clayden ilan na ang naging tao mo?"
"Ha ha ha! Nakakahiya mang sabihin wala pa akong naging gf. I have many friends. We used to go on outings and nature trippings. I never dated a woman. Wala pa akong niligawan till now."
"Hmmmmm. Maybe it's time na manligaw ka na."
"Why? Kanino?"
"Sa akin! Para ma-experience mo naman how to court a woman."
Humarap si Clayden sa dalaga. Sinapo ng kanyang dalawang palad ang pisngi ng kaharap at hinalikan niya ang mga labi nito. Pagkaraan ng ilang saglit ay . . . .
"Pwede na ba ang ginawa ko bilang simula ng panliligaw ko sayo?"
"Hi hi hi! Hindi naman ganyan."
"Eh papaano?" Nagkamot ng ulo ang binata.
"Ganito!"
Kinabig ni Noreen ang ulo ng binata at hinalikan niya ang mga labi nito. Mariin at mainit. Mapaghanap na mga labi. Matagal ang halik ng magkahiwalay ay kapwa sila humingal.
"Mahal na mahal kita Clayden."
"Mahal din kita Noreen. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin."
"Hindi na ako mawawala sayo dahil kabiyak na ng puso mo ang puso ko.
Muli niyang mabilis na hinagkan ang binata.
"Tutuloy na ako Noreen."
"Sige na."
Lumakad na si Clayden pababa sa burol. Nakatayo pa rin si Noreen sa labas ng pintuan. Naghihintay siyang makalayo ang binata bago siya pumasok ng bahay. Hindi niya nakikita ang kasabayan ni Clayden sa paglalakad. Lumingon pa si Clayden kay Noreen at kumaway. Lumingon rin si Armando at nakangiting kumakaway.
Kumaway rin si Noreen at nakangiti ring kumakaway ang katabi niyang si Eleonor.
Pumasok si Noreen sa loob ng bahay. Pagkasara niya ng pinto ay sumandal pa siya rito. Hindi niya namamalayan na sa kanya nakatingin ang mga nasa sala. Naka-upo pa rin sa mahabang sofa ang kanyang mga magulang at hinihintay siya.
"Noreen! Halika muna rito hija." Sabi ng mommy niya.
Saka lamang nagising ang dalaga ng marinig ang boses ng kanyang mommy. Lumapit siya at umupo sa tabi nila.
"Bakit po mom?"
"Hija hanggang ngayon ay naguguluhan at nagtataka kami ng dad mo kung bakit kay bilis ng mga pangyayari na kayo na ni Clayden. Ikwento mo lahat sa amin anak mula ng dumating tayo rito sa isla."
BINABASA MO ANG
Reincarnation (Completed)
ParanormalMinsan na nga ba tayong nabuhay? Na sa pagsilang nating muli ay tila panaginip na nagpapa-alaala sa atin ang nauna nating buhay? Walang makapagsasabi at makapagpapatotoo pero minsan ay naitatanong natin sa ating mga sarili at nasasabing "Nakita ko n...