A/N: Hello~ Sorry kung hindi na update agad agad. Medyo busy din kasi e. Medyo natuwa ako kasi maraming nag sabi ng bitin kahit 1st chappie palang yung naipupublished ko! Ibig sabihin, nagustuhan niyo talaga yung story ko! Salamat po!
VOTE
COMMENT
FAN!
---
//Jiro Inoue's Point of view
1st day of classes. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa relo ko. 6:45am palang pala. Tch. Napabuntong hininga ako na nagsimulang maglakad muli. Sana naman ay may magbago ngayong taon.
Pagkarating ko sa school ay may bigla nalang bumangga sa akin.
"Aray!"
Imbis na mag sorry yung babae ay sinimaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy siya sa paglalakad.
Ibang klase. Siya na nga yung nangbunggo tapos ganun? Haist.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko agad napansin na nasa harapan na pala ako ng room. Class 3-B na pala ako. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay dinatnan ko ang isang magulong room. Napangiti ako ng sandali. Wala pa din silang pinagbabago. Sila pa rin yung Class 2-C last year. Bagamat nag iba ang pangalan ng aming section, hindi parin maitataliwas na kami parin yung section na yun one year ago.
Umupo ako dun sa bakanteng upuan sa pinakalikod at pinaka gilid ng klase. Hindi ko alam pero mas ramdam ko ang pag aaral kapag nasa sulok ako.
Ipinatong ko na sa gilid ng upuan yung bag ko at humalikipkip.
"J-jiro." Isang tinig ng babae ang narinig ko. Pilit niya akong pina u-upo ng maayos sa pamamagitan ng pag tapik sa likod ko ngunit hindi ko ito nilingon. Bakas pa sa puso ko ang sakit na iniwan niya. Akala ko hindi siya kagaya ng iba...na iba siya... subalit nagkamali pala ako.
"Pwde ba kitang makatabi?" Inangat ko na ang ulo ko. Tinignan ko siya ng blanko. Ayokong magsinungaling...pero kakayanin ko.
Unti unti akong ngumiti sa kanya...isang pekeng ngiti. "Ikaw bahala." mabilis ko namang sagot.
"Salamat!" Ngumiti siya ng ubod ng lawak. Ang ngiting minahal ko sa kanya.
Natulala ako nang sandali. "Alam mo ba kung kaninong bag to?" Tumingin ako sa kanya. "H-ha?"
"Sabi ko, alam mo ba kung sinong nagmamay-ari ng bag na 'to." Ibinaling ko ang tingin ko sa upuan na katabi ko. Umiling iling ako.
"Ah. Ganun ba." Maglalakad na sana siya paalis ng hawakan ko ang kaliwang kamay niya. Napalingon ito sa akin ng magkasalubong ang kanyang kilay.
"Hindi ka pa ba uupo?" Lalong nangibabaw ang pagtataka sa mukha niya ng bitawan ko ang tanong na yun.
Nagkatitigan kami. Tatlong segundo siguro. Kinalas niya yung kamay niya kasabay ng pag iwas ng tingin niya sa akin. Lumapit siya sa akin at saka ginulo gulo ang buhok ko. "Nababaliw ka na." Tumawa siya ng mahina. "May katabi na ako."
"Sino?"
"Si Christian." Nakaramdam ako ng onting kirot sa puso ko. Sa lahat lahat ng tao, bakit si Christian pa? Si Christian na bestfriend ko.
YOU ARE READING
The Perfect TWO [HIATUS]
Teen FictionNasubukan mo na bang magtapat sa taong gusto mo at mareject nito? Meet Jiro,isang lalaki na palagi nalang narereject kapag nag co-confess siya. Kailan kaya niya maririnig ang katagang "I LOVE YOU" mula sa babaeng mahal niya?