Chapter 21: Buti nga!

55K 1.1K 62
                                    

Chapter 21: Buti nga!

 

“Hinalikan niya ako! Anong trip niya? Akala ba niya easy ako?” naiinis kong sabi kay Miyuki.

“Nahalikan ka na nga, e!” She said while yawning. Gee! Isa pa siyang bwisit.

“Huwag ka ngang sumasagot! Naiinis lang ako lalo!”

“Bakit ba kasi hindi mo nalang kalimutan si Jake? Matagal na niyang kinalimutan yung nararamdaman niya sayo.” Humikab pa muli ito at parang gusto na talaga niya akong tulugan. Nakahiga kasi siya sa kama at ako naman ay palakad-lakad lang sa room nila dahil paano nga naman ako makakatulog ngayon? He freaking kissed me!  “Malay mo matuldukan na yung chapter one mo at magflip ka na ng page papuntang chapter two.”

“Matulog ka na nga. Babalik na ako sa room ko. Thanks sa card key.” Tinawagan ko siya kanina hindi para may masabihan ako ng rants ko kung hindi para makahingi ng extra card key. Kanila naman ang hotel kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Dapat noong una palang siya na ang tinawagan ko para hindi na ako namanyak ng walangyang Damian na ‘yun!

Manyak talaga.

“By the way JL, nice ng damit mo ah! Cool!” Pang-aasar pa nito dahil napakalaki kasi saakin ng shirt at shorts ni Damian. Gees! Atat na ako kaagad magbihis!

***

Kinabukasan kalat na kalat sa ibang teachers na may pinapasok na babae si Damian sa kwarto dahil lang sa naiwan kong damit ko. Mabuti nalang at hindi naalala ni Sir Garcia ang suot kong damit kagabi. Maski kahit noong nasa van na kami pabalik saamin ay yun pa rin ang usapan. Naiinis na ako.

“Wala nga kasi.” Sagot ni Damian.

Hindi na ako umiimik kahit na guilty na ako. Ako yung pinapasok niya at pinahiraman ng damit. Simple lang naman sanang sabihin kaya lang hinalikan ako ni Damian! Nabubwisit ako! Katumbas na rin yun ng pinagsamantalahan! Hindi ako makapaniwalang magagawa niya saakin yun! Kababata ko siya! Almost a brother na nga ang turing ko sakanya but hell! Hinalikan niya ako!

“Ikaw yun, no?” Pabulong na tanong saakin ni Leo. “Nakasuot ka ng damit panlalaki kagabi.” Parang naiinis pa ito. Bakit ko ba siya katabi sa van? Lagi nalang siyang tumatabi saakin.

“Ano ngayon kung ako? Nabasa ako ng ulan at nasa bar ka pa.” Pabulong ko rin na sagot. Isa pa siya! Kung hindi niya ako pinilit na pumunta sa bar edi sana hindi ko nakita si Jake at ang bago niya!

“May girlfriend ka?” Narinig ko naman na tanong ni Pauline. “Bakit hindi mo sinabi saakin?”

“Wala akong girlfriend! Tumigil na nga kayo. Gusto ko nalang matulog.”

“bakit? Hindi ka ba pinatulog ng babae?” Bwisit. Sasapakin ko na talaga sila.

“Hinanap ko yung babae kasi biglang nawala. Nag-alala lang ako na baka kung ano ang gawin. Suicidal pa naman yata.” Natatawa naman na sagot ng walangya! Ako? Suicidal? Ang ganda ko naman para maging suicidal! Hindi ko naman sasayangin ang buhay ko dahil lang sa lalaki. Bwisit! Bwisit talaga!

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon