Loving Someone Who Can't Love You Back

456 11 15
                                    

Sa mundong 'to,

hindi pwedeng hindi mo pa naranasan na ma-link sa isang taong hindi mo naman talaga gusto.

Hindi naman sa hindi mo gusto..

Yung bang hindi mo lang talaga crush o yung bang wala kang nararamdamang something or spark.

Nakakainis yun diba?

Kasi hindi pa man lumalampas ang isang buong buwan, linggo, o araw, kalat na.

Kalat na, na gusto/CRUSH/LOVE mo yung taong inaasar nila sayo, kahit hindi naman talaga.

Sa umpisa, halos kulang na lang manabunot, manampal o magpahiya ka ng tao. Pero syempre di mo kaya kasi kaibigan mo, kaklase mo.

Pero habang tumatagal, tinatawanan mo na lang sila habang inaasar ka nila.

Minsan pa nga pati yung taong inaasar nila sayo, inaasar ka na rin.

Pero bakit tawa na lang yung binabalik mo o pinapakita mo?

Kasi hindi naman totoo?

Wait. ERASE! ERASE!

Siguro dahil...

Ayaw mong masabihan na kaya ka nagagalit o naiinis kasi totoo?

Mas lalo namang HINDI.

Alam mo ba kung ano talaga ang dahilan?

Siguro kasi...

CRUSHmo na sya?

GUSTO mo na sya?

Ito MAS MALUPIT!

INLOVE ka na sa kanya!

TAMA! INLOVE KA NA SA KANYA!

May nabasa akong something.. Sabi dito..

Hindi masamang magkagusto sa isang tao kaya WAG MONG PIPIGILAN ANG SARILI MONG MAGKAGUSTO SA ISANG TAO. But...YOU SHOULD NOT TAKE IT TOO SERIOUSLY.

So yun nga ginawa ko. Hinayaan ko ang sarili kong magkagusto sa isang taong nung una lang nakikita ko bilang ordinaryong kakilala lang, nakakausap..GANUN LANG..

Days, Months, and a year passed.

Mas lumalim  yung pagkagusto ko sa kanya. 'til one day may nalaman ako galing sa isang taong malapit sakin.

Meron na pala sya. May pruweba pa nga.

Nung nalaman ko yun, wala, nakangiti lang ako. Bakit? ano naman? Inlike pa lang naman ako sa kanya eh. NOT inlove. (lol)

Pero deep inside? Parang pinipihit yung puso ko gamit ang pliers. Yung parang bubunutin?

Syempre di ko rin pinakita yun. Lalo na sa harap nung taong pinagkakainteresan ko. Sorry for the word "pinagkakainteresan" hindi ko naman kasi sigurado kung gusto ko sya eh.

Pero aminin ko, ouch talaga.

Ang pinaka"ouch" pa dun, na mapapa"ar-ouch" pa ang sinumang makakaexperience nito.. (lol. wth?)

Ay.......

Yung gusto mong palang kaibiganin ang ka-ibigan nya.

Ano ba naman magagawa ko? Matagal nang gusto ni girl itong si guy. Si guy naman, sinuklian yung pagkagusto nitong si girl. Manahimik na lang ako diba? Wala naman akong karapatan. 

Isa lang akong hamak na nilalang na may gusto sa isang taong iba naman ang gusto.

Tanga lang diba?

Ewan ko ba. Hindi ko pa rin maalis yung pagkagusto ko sa kanya. Habang tumatagal, lalo pang lumalala.

Tanggap ko na eh..Okay. Sila. Sila. Sila.

Pero may nakita na naman ako.

It's their picture together. Alam ko naman yung eksenang yun. Alam ko pero di ko nakita. Alam ko lang talaga. Pero bakit ba kelangang makita ko pa? Edi parang sinisipa na naman yung tuhod ko para mapaluhod na lang sa sakit.

Minsan talaga, kung pilit mong aalamin ang isang bagay, kungpilit mong hahalughugin ang isang bagay, mas lalo ka lang masasaktan. Kaya it's better not to know the TRUTH kung ayaw mong mas masaktan.

Ang hirap talaga pag..

"KUNG SINONG GUSTO MO, SYANG AYAW SAYO."

(= =) </3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Someone Who Can't Love You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon