ooo4 :

299 24 1
                                    

Ng makarating sa bahay ay mahimbing pa ren ang tulog niya . Napapailing ako sa inis sa babaeng toh paano pala kung hindi ako yung nabunggo niya ? Paano kung ibang lalaki ang nakakita sa kanya edi napagsamantalahan na siya . Kaya tumataas ang rape case sa Pilipinas eh dahil sa mga ganitong babaeng hindi marunong mag ingat ng sarili .

kring kring :

Tunog ng telepono sa kabilang linya . Pag angat ko ay ang madaldal na bunganga ni Aldwin ang bumungad sakin .

"What's up bro?" .

"What's up ! Yun lang sasabihin mo bro ? Anyare sayo ? bakit bigla bigla ka na lang umaalis sa party ?" .

"I recieve a call from dad , you know , about business" . Pagdadahilan ko , pero knowing Aldwin hindi yun basta basta naniniwala sa mga alibi ko .

"Bro , hinahanap ka ni Andrew . Napakadaya mo daw para takasan ang bachelors party niya " .

"Ill prepared an explanation to him bro , sige na enjoy the night"  .

Pagputol ko sa iba pa niyang gustong ilitanya sakin .

Mabilis kong binusinahan ang security guard sa bahay ko .

"Good evening Sir Dave" .

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya .

Mabilis akong bumaba ng sasakyan matapos niya kong mapagbuksan .
Maingat kong binuksan ang sasakyan at pinangko ang ngayo'y natutulog pa reng babae .

Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya kahit natatabingan ng misteryosong maskara .

"Alam mo bang sinira mo yung buong gabi ko" . Naiinis kong bulong sa kaniya .

Pagkapasok pa lang sa bahay ay agad kong nadatnan ang natutulog na si Yaya Luding sa isa sa mga couch . Marahil ay kanina pako hinihintay ng matanda dahil sa pangako kong dinner sa kaniya .

"Ya , im here" . Mahina kong tawag sa kanya na sapat lang upang mapabalikwas siya ng bangon .

Pagkakita sa akin ay agad natuon ang tingin niya sa babaeng buhat ko . Rumehistro ang pagtataka sa mukha niya .

"Anong nangyari sayong bata ka ?" .

"Galing ako sa party Ya . Party ni Andrew . Im sorry kung hindi ako nakauwi agad" . Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya sa pag aakalang nagtatampo siya sakin .

"Okay na yun Dave , naiintindihan ko . Pero sino yang kasama mo ? Bakit ganyan ang itsura niya ?"  .

"Sa costume party ka ba nanggaling ? O baka naman nobya mo yan ? Baka nagtanan na kayo !" . Paghihisterikal nito .

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga tanong ni Yaya Luding .

"Hindi ko ren siya kilala Ya , Actually natagpuan ko lang din siya , and i think kailangan niya ng tulong kaya wala akong choice kundi iuwi siya dito" .

Hindi pa ren kumbinsido ang mga titig na ipinukol saakin ni Yaya Luding .

"Hindi ko siya nobya Ya , promise hindi ko ren siya kilala" .

"Pero ngayon ko lang nag uwi ng babae dito sa mansyon" .

Exactly , ngayon lang talaga .

"Pero bakit wala siyang malay ? wala ka naman sigurong ginawang masama sa kanya ano" .

Patuloy na pagtatanong nito  .

"Lasing siya Ya" .  Nagdilim ang mukha ko matapos kong banggitin iyon .

"Hayy , mga kabataan talaga ngayon puro paglalakwatsa ang inaatupag"  .

Oh diba magkaline up kami ng utak ni Yaya Luding .

EstrangheraWhere stories live. Discover now