[HARPER]"Nakakainis ka kuya!" Napapikit ako ng magsimula na namang sumigaw si Taylor.
Siya ang pinakabata samin. 24 years old pa lang siya. 25 years old kaming dalawa ni River. At 26 years old si Sky.
Si River ang sinisigawan niya dahil nangdadaya na naman daw ito. They are playing Chinese garter which is weird dahil lalaki naman silang tatlo.
Ako nga itong babae pero di ako naglalaro? Natawa na lang ako sa naisip.
"Madaya talaga yan si River, Tay. Di ka pa nasanay." Tiningnan naman ako ng masama ni River na tinawanan ko lang.
"Excuse me, hindi ako madaya. Magaling lang talaga ako." Napangiti na lang si Sky sa sinabi ni River. Ganyan naman si Sky, minsan tahimik lang siya.
"Itigil niyo na nga yan. Hindi pa ba kayo matutulog?" Gabi na din kasi at naglalaro parin sila.
"Papa matulog na daw tayo sabi ni mama" Pang-aasar na naman ni Taylor. Madalas kasi nila kaming asarin ni River.
"Inaasar niyo na naman si Harper. Sige na matulog na tayo." Humarap ito kay Taylor. " Ikaw baka nakakalimutan mong nag-aaral ka pa."
Napasimangot naman si Taylor sa sinabi ni Sky. Taylor is a graduating student and he's taking up Business Administration.
Last year kami gumraduate ni River with the same course as Taylor. Nagtatrabaho si River sa company ni Sky habang ako naman ay nagtayo ng sarili kong dress shop.
Sa iisang bahay lang kami nakatirang apat. I don't think I can live and survive without these three by my side.
"Matutulog na ko ma!" Tiningnan ko ng masama si Taylor na ngayon ay tumatakbo na paakyat. Binato siya ni River ng throw pillow na naiwasan naman niya.
Kaming tatlo na lang nina River at Sky ang nasa sala ngayon. Hindi ko din alam kung bakit nagpupuyat ang dalawang 'to eh may trabaho naman sila bukas. But me, I have a reason to stay up coz I'm designing a new dress.
"Sky" Pagbasag ni River sa katahimikan."Hmm" Napatingin si Sky kay River.
"Hindi mo parin ba siya nahahanap?"
Napailing lang si Sky habang napabuntong hininga naman si River.
5 years na din kasi ang nakalipas mula ng mawala ang dating girlfriend ni Sky. It was a car accident pero nung pinuntahan ng mga pulis ang sasakyan, walang nakitang katawan kaya hanggang ngayon umaasa parin si Sky na buhay si Louise.
Alam naming lahat ang pinagdaanan ni Sky noong nawala si Louise kaya pati kami ay tumutulong din sa paghahanap sa kanya.
I clapped twice to break the silence.
"Matulog na nga tayo. You guys have work tomorrow."
"Yeah. Pero matulog ka na rin. Bukas muna ituloy ang pagde-design mo." Sagot ni River at tumango naman si Sky.
"Alright." Pagsuko ko.
Sabay-sabay kaming umakyat sa hagdan papunta sa mga kwarto namin. Unang kwarto ay kay Sky at kaharap nun ay kay Taylor. Kinatok muna namin yun. Checking if he's still awake.
Sky knocked twice pero walang sumagot. I rolled my eyes. As if matutulog ng maaga si Taylor.
"Good night Tay-Tay!"
"Goodnight Harhar!" Napangiti naman ako. Di nakatiis ang mokong. For sure ay naglalaro na naman ang isang yun ng Mobile Legends.
"Good night guys." Paalam ni Sky at pumasok na sa kwarto niya.
Kaming dalawa na lang ni River dahil ilang hakbang pa ang layo ng kwarto namin sa kwarto nila Sky at Tay. Magkaharap din ang kwarto namin ni River.
Humarap ako sa kanya para magpaalam na din pero naunahan niya na ko.
"Goodnight H." He then kissed my forehead. Bata pa lang kami ginagawa niya na yan kaya nasanay na din ako.
"Goodnight Ree." He smiled at hinintay na muna akong makapasok sa kwarto ko bago siya pumasok sa kanya.
Nang tuluyan na kong makapasok sa kwarto ay agad na mapahiga ako sa kama at hinawakan ang dibdib. It's beating really fast. Faster than it should me.
What's wrong with me? I shake my head in annoyance. Antok lang ito.
Napailing ako at ipinikit na ang mata para matulog.
It's 6 in the morning ng maisipan kong bumaba. Naabutan ko si River na nagluluto ng breakfast. 7:30 kasi umaalis si Taylor ng bahay dahil 8:30 ang first class nito. Ayaw na ayaw kasi noon ang naiipit sa traffic.
"Good morning H. Aga mo yatang nagising?" Puna ni Ree ng makita akong pumasok sa kitchen.
"Nagutom ako eh. Tsaka pupunta ako sa shop ko ngayon."
Tango lang ang sagot ni River.
"Nasan si Taylor at Sky?"
"Si Taylor may kinuha lang sa kwarto. Si Sky nasa labas na."
Napatango-tango ako. Si Sky kasi ang naghahatid kay Taylor sa school since wala pang sasakyan si Tay. At on the way lang din naman ang school niya sa company nila Sky.
"How about you? Di ka papasok?" Tanong ko kay River.
"Di na muna. Tinatamad ako eh" Natatawa niya pang sabi.
"Lagot ka kay Sky."
"Nagpaalam naman ako." Sagot niya na inirapan ko lang.
Akmang iinom ako ng kape ng biglang pumasok sa kusina si Tay at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Good morning. Papasok na ko!"
"Good morning. Ingat kayo ni Sky!" Sigaw ko dahil tumatakbo na siya palabas.
Minsan nag-aalala ako kay Tay sa school. Kahit kasi 24 years old na siya, medyo may tama sa utak yun eh. I hope he has great friends in school.
Nang matapos akong kumain, napansin kong nagsi-cellphone pa si River at hindi pa kumakain. Iniligpit ko ang pinagkainan ko at pinaghanda ko na siya ng kakainin. Siya pa naman nagluto hahaha.
Inilagay ko yun sa harapan niya kaya napatigil siya sa kakafacebook niya.
"Thanks Harper." Ngumiti lang ako.
"Aalis na ko. Sa shop na ko magde-design. Maaga naman akong uuwi mamaya."
"Hatid na kita?"
"Nope. I can manage. Magta-taxi na lang ako." He nodded.
Nagpara ako ng taxi ng makalabas ako sa subdivision namin. 30 minutes lang ay nakarating na agad ako sa shop since malapit lang naman.
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may nareceive akong message.
From Ree:
Nasa shop ka na?
Napangiti ako. Bored siguro siya sa bahay.
To Ree:
Yeah. Kakarating ko lang.
Itatago ko na sana ang cellphone ko nang may dumating na naman na mensahe.
From Ree:
Alright. I'm gonna sleep now. Come home early.
I smiled at his message. Itinago ko na ang cellphone ko without responding to his message.
My heart is beating fast again. It's beating fast for my bestfriend.
BINABASA MO ANG
DESTINED
Romance"Truly great friends are hard to find, difficult to leave, and impossible to forget." Harper, River, Sky and Taylor are best of friends. Si Harper ang nag-iisang babae sa kanilang magkakaibigan kaya naman prinsesa ang turing nila rito. Sabay-sabay...