Hello, Ako nga po pala si Alihya pitong taong gulang. Sabi po ng aking inay na babalikan nya ako lumipas ang taon di nya parin ako binabalikan naghihintay ako sa pangakong sinabi ni inay, alam ko kasi na mahal nya ko. Dalawang beses sa isang linggo lang ako kung kumain wala namang nagbibigay sakin. Minsan naman pag may nagbibigay sakin ng pera o pagkain, kinukuha ito ng mga bata kung minsan naman ay binubugbog ako dahil di ko binibigay sakanila.
Gusto konang umuwi gusto ko pang mabuhay, pero unti unti nakong nawawalan ng pag-asa. Pag may mga bata akong nakikita na kasing edad ko lang naiinggit ako, dahil na kikita kong kasama nila yung magulang nila. Lahat ginagawa ko para mabuhay ako nangunguha ako ng pagkain sa basuran pag wala talaga akong makain, minsan yung mga tirang pagkain ay hinihingi ko.
Kahit mga tiyahin o tiyuhin ko ay di ako hinahanap napapaisip ako kung may pamilya paba ako na natitira, sana iniisip ako ni inay. Nagbabakasakali akong makita siyang muli ngunit alam ko di nako magtatagal sa mundong ito, di ko na kinakaya, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko gustong gusto ko maghagkan ang aking inay at ang aking mga kapatid.
Nakalulungkot ang mga pinagdaanan ko sa buhay sa murang edad. Bago ako tuluyang mamaalam nais ko lang ipaalam kung gaano ako kasaya dahil nagkaroon ako ng ina, at nakaranas mag kapamilya. Para sa mga taong nahihirapan na, madaming tao ang gusto pang mabuhay kaya wag nyo sayangin yung katayuan ng buhay nyo, madaming bata ang naghahangad ng ganyang buhay.
BINABASA MO ANG
DAGLI
AlteleKwentong binubuo lamang ng isang daang salita hanggang tatlong daang salita, walang panimula o wakas.