CHAPTER 6

21 13 0
                                    

Deev P.O.V

Hello I'm Deev Mondragon, Leigh's father. My wife's name is Zeeny Mondragon.


Kausap ko ngayon ang anak namin ni Zeen na may pagtataka sa mukha. I think nakalimutan nya na talaga kami, sobrang sakit isiping hindi ka na naaalala ng nag-iisa mong anak. She's our everything, kung hindi sya dumating sa buhay namin siguro hindi rin kami ganito.



Kaya nagulat talaga kaming dalawa ng asawa ko ng sabihin nya samin ang ibang pangalan ng tao.



"What are talking about? You're not Alexa or what, you're my daughter, you're Leigh " - sabi ng Zeen


Umiiyak parin si Zeeny habang nakayakap parin ako sa kanya. Nagulat talaga kami sa mga sinasabi ng anak namin.


"Baby,, matagal ng patay ang sinasabi mong Alexa. Anak siya ng ka-kompetensya nating sina Jandy at Yveth Monteverde" - Zeeny


Bakas sa mukha ni Leigh ang pagka gulat. Ano ba talaga ang nangyayari sa anak namin? Bakit nya sinasabing sya si Alexa? O God please help our daughter.



"Hindi ikaw si Alexa baby" - dugtong pa ni Zeen


Napansin ko'ng parang nanginig si Leigh pagkatapos sabihin ni Zeen ang mga katagang iyon. Ano ba talaga ang nangyayari sa anak ko!


"Baby, bakit mo sinasabing ikaw si Alexa? Ano ba talaga ang nangyayari sayo?" - ako


Hanggang ngayon ay nanginig parin sya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya nanginginig, sobrang na we-weirduhan na talaga ako sa kanya.


"S-sino a-ako" - siya

"Ikaw si Victoria Zeen Leigh Mondragon, ikaw ang anak namin" - ako



Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay nya. May kinuha naman si Zeeny sa kanyang wallet na picture at ipinakita ito sa kanya.



"Ito anak oh, tingnan mo, ito yung family picture natin sa Korea. Naaalala ko pa non, sobrang saya mo. Halos mapunit na nga yang labi mo sa sobrang saya nung makita mo ang iniidolo mo. Ano nga ba yun? Ah yung EXO ba yun. Oo yun nga, sobrang tuwa mo ng makita at mayakap mo sila ng personal" - nakangiting kwento ni Zeen habang patuloy na lumuluha ang kanyang mata



Grabe, ang sakit makitang nasasaktan ang asawa ko. Mahal na mahal ko silang dalawa kaya ayaw ko'ng makitang nasasaktan ang mga mahal ko.



Bakas sa mukha ng anak ko ang pagka gulat ng makita nya ang picture.



"P-pwede po bang makahiram ng salamin?" - siya






Alexa/ Leigh P.O.V



Bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila sa akin.



Pano ako naging patay? Nakakausap ko pa nga sila ngayon eh. Iniisip ko na ngalang na malaking biro lang ang lahat. Pero sa kabila non ay hindi ko parin maiwasang hindi manginig. Sh*t hindi naman ako ganito noon eh.



Pero lalong nagimbal ang mundo ko ng makita ko kanilang family picture. Nakita ko silang dalawa na pina-gigitnaan ang isang Babae na halos mapunit na ang bibig dahil sa laki ng ngiti.



Pamilyar sakin yung Babae. Sino nga ba to? Feeling ko nagkita na kaming dalawa. Asan nga ba yun?
.
.
.
Isip
.
.
.
.
.
.
.

Ain't No SaintWhere stories live. Discover now