chapter 28: BALL

122 11 1
                                    

Yohan's P.O.V

Hindi ako mapakali habang nakaharap sa salamin sa aking silid. Ngayon na ang gabi ng pinakahihintay ko. Ang gabi ng foundation ball. Ang gabi kung saan malaya kong maisasayaw ang prinsesa ko. Ang gabi na magtatapat na ako.

Alam kong hindi pa siya handa na pumasok sa panibagong romantic relationship. Pero handa akong sumugal. Handa kong isugal ang nararamdaman ko. Sagutin man niya ako ng "oo" o "hindi", walang magbabago. Magpapatuloy parin ako. Patuloy ko parin siyang mamahalin.

Matapos ang muling pagsipat sa muka ko sa salamin ay huminga ako ng malalim at saka nakangiting lumabas ng silid.

"Yohan, anak. Lumabas ka na diyan. Baka naiinip na si Khen. Tawag  sa akin ni Mommy. Alam kong maging siya ay excited narin na makita ang pinaka gwapong nilalang sa mundo hehe, kaya naman lumabas na ako ng aking silid at tinahak ang hagdan pababa sa sala kung saan sila naghihintay.

"Oh heto na pala si Yohan," ani Dad ng makita akong papalapit sa kanila.

"Wooww! Ang gwapo naman ng binata ko" puri ni Mammy sa akin.

"Abay syempre naman! Gwapo si Daddy eh" ani Dad na nagpogi sign pa.

Pero syempre,mag papatalo ba naman ako.

"Asus ano ba kayo Mom, Dad, maliit na bagay tsk"

"Naku!naku!naku! Masyado nang lumalakas ang hangin dito! Mabuti pa umalis ka na at baka naiinip na yung date mo, dalhin mo narin yung hangin  mo baka liparin kami" ani Ate at nagtawanan naman silang lahat.

At syempre, hindi makukumpleto ang araw kung hindi eepal tong ate kong balak atang tumandang dalaga. Pero, mahal na mahal ko yan hehe.

"He! Inggit ka lang Ate dahil walang gustong makipag date sa'yo" pang aasar ko dito.

"Aba! Hoyy marami sila no! Marami silang nag uunahan na maidate ako.

"In your dream's ate waahahahaha!

"Aba lokong to! Pag ako nag ka boyfriend who you ka talaga sakin hmp!

"Wag ka nang umasa ate,, sa sungit mong yan tatanda ka ng single hahahaha"

"Maaaaam, daaaaad! Si Yohan oh!

"Naku naku naku kayong dalawa talaga. Tama na nga yan, Yohan umalis ka na, baka malate kayo ni Khen sa ball". Awat sa amin ni Mommy.

"Hahaha, bye Ma. Bye sungit"see you later.

"Sige anak, mag ingat kayo ah, ingatan mo si Khen. Bakuran mo baka maraming pumorma, wag kang paka kampante huh".

"Si mommy talaga, sige na po aalis na ako". Paalam ko saka humalik sa pisnge nila bago tinungo ang kotse ko at nagmaneho patungo sa bahay ng prinsesa ko.

Habang papalapit ng papalapit ang sasakyan ko sa bahay ng prinsesa ko ay papabilis ng papabilis sin ang kaba sa dibdib ko. Pati sikmura ko pakiramdam ko ay may dose dosenang mga daga na nagtatakbuhan. Hanggang sa tuluyan ko ng narating ang bukana ng bahay ng aking prinsesa.

Bumaba ako ng kotse bitbit ang bungkos ng bulaklak na inorder ko kanina  saka pinindot ang doorbell.

Ilang saglit pa ay bumukas iyon at bumungad ang nakangiting Mommy ni Khen.

"Good evening po sa isa sa pinakamagandang mommy sa buong mundo" bati ko dito kasunod ang halik sa pisngi nito.

"Asus! Ikaw talagang bata ka nambola ka pa. Halika na sa loob tamang tama ang dating mo, patapos na mag ayos ang prinsesa natin".

"Tita, totoo naman po na maganda ka, kayo ni Mommy."

"Asus, hihirit pa talaga. Tama na nga, malapit na akong maniwala hahaha". Halika na. Tumatawang anito saka ako inakay papasok sa loob ng bahay.

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon