Oras at Minuto

37 0 2
                                    

Oras at Minuto

Araw ng Miyerkules, tipikal na araw ng trabaho
Alas kwatro trenta'y uno, oras para bumangon
kailangan ko na sa panaginip ay umahon
Kailangan na ulit maghanda para sa paparating na hamon.

Alas singko impunto, ang pag alis sa bahay
tila ba bilang ko na ang mga gusaling nakahanay
Sana nga lang ay nabilang ko din ang mga salita
na sana hindi ko na lang nasambit para ang ang paglisan mo ay di nagawa.

Alas singko bente singko, ang pagdating ko sa sakayan
Pinilit na sana'y di na ko sakyan ng aking kalungkutan,
Piniling makinig sa paulit - ulit na musika
Musikang mabagal pero may mensahing ang bukas ay gaganda.

Sinubukan kong tingnan ang aking telepono
sa pag-aakalang may mahalagang mensahe para sa araw na to
Subalit nang makita ang larawan ng post mo
Sobrang di ko alam kung anung mararamdaman ko

Alas singko kwarentay singko , muling pagtinginsa oras ng relo ng kapwa ko pasahero
Ilang minuto mula pag-alis sa pinanggalingan ko
Muli sana nabilang ko ang layo ng itinakbo ng
sinasakyan ko , para katulad ng pag-alis ko nung gabing
sinabe mo na kailangan mo ng oras para sa sarili mo, para sana bumalik ako nun sa katinuan at sinabing hindi ko yun gusto.

Wala mang caption na sinasabe yung post tungkol sa binili mong fries at milk tea 
Bakas naman sa dami ng itsura ng inilagay mong emoji
Yung itsura ng ligaya na sa pakiramdam ko ba'y hindi mo
nakuha nung ako'y kasama
Hindi ako nanghahatol pero ito yung aking nadarama
Ngayon tuloy pakiramdam ang sama sama ko kasi hindi ko madalas maparamdam yun sayo.

Ala sais dos, kaharap ko ngayon ay kompyuter
sinusulat ang mga salitang kailanman ay di ko masambit
sa mga katrabaho kong masayang makita na andito ako
wala man akong sinasabe , alam nilang hindi ako OKAY
Pero okay lang naman hindi maging okay diba?
Kasi isang patunay yun na tao ako at nasasaktan din diba.

Ala sais bente otso , dalawang minuto bago ang shift sa araw na to, simula nanaman ng araw ng trabaho at matatapos ng alas tres trenta impunto ,
sana lang ay katulad ng pagtapos ng araw na to, matapos din ang lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.

Ala sais trenta'y singko , limang minuto mula ng shift ko
kailangan ko ng tapusin ang mga katagang isinulat ko
Sa susunod nalang ulit yung kadugtong na kwento
Kwento ng patuloy na pagkadurog ng aking puso
Wag kang iiyak dahil lang sa nabasa mo to,
umiyak ka o iyakan mo nalang pag ako ay nawala na(Literal)
haha Joke lang baka umiyak ka talaga
Lagi mo lang tatandaan na may isang tao na taos pusong mahal ka kahit ano ka pa , medyo introvert ng lang siya
sana yun yung iyong maalala, na sa bawat araw minamahal ka niya at wala yung iba. Ala sais kwarenta, ayun natapos ko na din tong isang walng kabuluhang tula para iba , sa susunod nalang ulit na pagkikita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oras At MinutoWhere stories live. Discover now