100 Days with my Perfect Boyfriend

1.8K 29 12
                                    

Prologue

They say once in a lifetime, you'll find your THE one. Yung taong destined para sa'yo. Yung taong sasabihan mo nang linya mula sa paborito mong pelikula na, "You complete me." Yung taong isang tingin pa lang kikiligin ka na. Yung taong makapagpapatibok ng puso mo ng mabilis.

In short...

Ang iyong one true love.

At alam ko, na everyone just like me wishes to find their one true love. Yung iba nga kung saang saang wishing fountain pa nagpupunta. Kulang na lang ilang milyong barya na ang ihulog matupad lang ang wish. Yung iba naman nag-aabang pa ng meteor shower para magwish. Yung iba naman kung ano ano na ang inaalay.

Lahat ng ito ginagawa nila para matupad ang mga kahilingan nila.

Pero what if one day, matupad ang wish mo. Ang isang wish na hindi mo inaasahang matupad.

Yung wish na makapagbabago ng lahat.

Yung wish na....


"S-Sino ka?!"

"I'm your wish come true."

"WHAAAT?!"

"Nagwish ka di ba?"

"Oo! Pero I freakin' wished for a trophy and perfect boyfriend! Sino ka talaga?!"

"Come on. I'm your wish."

"HUH?!"

"I'll be your perfect boyfriend from now on."

"WHAAATTT?! SERYOSO?!"

Sabi nila be careful what you wish for because you just might get it.

Hindi ko naman alam na totoo pala ito.

Na hindi lang simpleng wish ang nakuha ko.

Paano nga ba ako napasok sa sitwasyong ito?

100 Days with my Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon