Centuries ago ang mundong ginagalawan natin ay napapalibutan ng dalawang klaseng nilalang ang mga normal na tao at ang mga....
...Enchanters
At first both Normies (also known as normal people) and Enchanters lived in harmony but one day nagprotesta ang ilang Normies na pinaglalabang isang kamalasan ang mga nilalang na may kapangyarihan kung kaya't tinawag sila mga mangkukulam, aswang, malas, at kung anu-ano pa. Hindi nagustuhan ng mga Enchanters ang naging tingin at trato sa kanila ng mga Normies kaya gumawa sila ng sariling mga siyudad na para lamang sa mga Enchanters na tinatawag nilang...
...Enchanted World.
Namuhay ang mga Enchanters ng mapayapa sa loob ng ilang daang taon ngunit hindi ito naging mapayapa nang maghari ng Enchanted World si Great King Esme. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga Royal Family of Kaia at Royal Family ni Great King Esme na nagresulta ng isang gyera 50 years ago na tinatawag na Great Enchanted War!
Ang naging resulta ng gyera ay ang paghati ng Enchanted World sa dalawang kaharian ang....
Kingdom of Celeste
at
Kingdom of Diabolo
Ang Kingdom of Celeste ay pinamunuan ng mga Kaia o ni Queen Celestina samantalang ang Kingdom of Diabolo ay pinamumunuan ni King Aesma.
18 years ago sinubukan gumawa ng Enchanted Council, na pinamumunuan ng mga Great Enchanters at ng mga Psyches, ng move para mapagkaisa ang dalawang kaharian pero nauwi lamang ito sa isang malaking gyera kung saan mas napaghiwalay pa ang dalawang kaharian at mas naging mainit ang alitan sa pagitan nila.
Dalawang kahariang nagmula sa iisang klaseng mga nilalang pero magkaibang magkaiba ang layunin. Ang isa ay para mapanatili ang kapayapaan ng buong mundo at ang isa nama'y para iinvade ang buong mundo para sa sarili nilang kasakiman.
"Okay, that would be all for today! Don't forget to read the Books of Psyches baka may makita kayo on how to enhance your powers more." Wika ng substitute history teacher namin na Master Amaia. Hindi ko talaga mawari na tila ba'y ang dami na niyang nalalaman sa history kahit fresh graduate pa lamang daw siya....
"Magbigay pugay kay Prince Flow Kaia and Great Princess Asteria Zagan." Ugh! Ito ang pinakaayaw ko sa mga ginagawa namin eh.
Tumayo kami ni Flow at nagbow naman agad ang lahat sa amin pati ang guro namin. Hindi ko alam kung masasanay ba ako sa ginagawa nilang ganito na parang royalty talaga ako o ano eh.
Parang kahapon lang eh average student ako sa isang eskwelahan sa Maynila tapos papasok lang ako ng college malalaman ko bigla na may kapangyarihan akong tinatawag na Enchanted Power o Enchant and idagdag mo pa na apo ako ng dating Great King Esme ng buong Enchanted World. Teka teka baka naguguluhan kayo....
Balik tayo 1 month ago....

BINABASA MO ANG
Bewitched
FantasiAng mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang journey ni Asteria Mignonette Zagan nang matuklasan niyang isa pala siyang Enchanter o nilalang na nagt...