Justine's POV:
"Okay lang yan." Ani ni Lia.
Nakatulala lang ako dito.Nadito kami sa isang frappe station.Puro sila kuwentuhan at tawanan.Pero eto ako walang maintindihan at maramdaman.
Naging close na rin ni Joy silang tatlo.
"Huy! Problema mo!?" Singit ni Margie.
Nilingon ko naman siya.At nginitian lang.
"Mamaya magsuicide kana niyan ha." Sabi ni Joy sakin.
"Tss." Ani ko lang at nakatulala parin.
"Ano bang meron." Ani ni Aira.
"May nililigawan na kasi si Jess." Ani ni Joy sakanila,at ang mga kaibigan ko gulat na gulat at nanggigil pa.
"Ha!?" Sabi ni Aira.
"Pinaasa ka lang non e!" Ani ni Margie at gigil na gigil
"Pinakilig lang.Nako ha." Ani ni Lia.
Natawa naman ako sa mga reaksyon nila.
Tinawanan ko lang sila.At ininom ang frappe sa harap ko.Ayaw ko ng isipin.
Hindi ko dapat iniisip ang tulad niya.Dumaan ang mga araw na ganoon lang ang ginagawa namin.
Pasok at pagkatapos ay tumatambay lang kami sa bayan.Inaaliw nila ako,para daw hindi ko damdamin at baka mag suicide ako.Sumasabay naman si Joy samin.Nakakasalubong ko si Jess paglabas ng room.Hindi ko naman na siya tinatapunan ng tingin.Hindi ko kaya....
Narinig ko rin sa room ang usap usapan na may nililigawan si Jess.Sikat si Jess kaya malamang pag-uusapan yon.May ibang tutol,dahil tulad ko ay crush nila si Jess.
Nang mag Biyernes ulit ay sumabay si Joy.Paglabas ko ng room ay nakayuko lang ako.
May nabangga ako at malakas.Kaya nasaktan ng bahagya ang braso ko.
Nalaglag pa ang cellphone ko.
"Sorry..." ani ko kahit ako pa yung nasaktan
Pinulot agad 'yon ng nakabangga ko at iniabot saakin.Nang makita ko ang relo at kamay ng nagabot at alam ko na kung sino.Kinabahan agad ako.Kaya kinuha ko agad agad ang cellphone ko.
Hinigpitan niya pa ang hawak.At sinwitch ang phone ko.Napabuntong hininga siya ng makita ang wallpaper ko.
Hindi na siya ang wallpaper ko.Default wallpaper lang ang naroon.Kinuha ko naman ng tuluyan.
Tinalikuran ko siya.Pero hinila niya ang braso ko.
"Aray..." malumanay na ani ko at bahagyang napapikit.
Hinawakan niya ang braso kong may pasa,ganto ako kapag nagkakaregla.
"S-sorry..." natatarantang ani niya at di alam ang gagawin.
"B-bitawan mo ko...please...nasasaktan mo'ko." Ani ko at pinahalatang dalawa ang kahulugan non.
"I'm sorry.." aniya ulit at dahan dahang inalis ang kamay sa braso ko.
Nilingon ko siya ng saglit at naglakad na.Pero pinigilan niya ulit ako.
"Justine" aniya ng malumanay.
Nilingon ko siya.At nagtatanong ang tingin ko sakanya.
"Can we talk." Aniya ng seryoso.
"May gagawin ako...Kuya Jess" aniko sa malumanay na tono.Hinihila na ako ni Joy.Pagkatapos kung sabihin yon ay nagpahila na ako kay Joy.
YOU ARE READING
The time I said you're mine
De TodoWhen you get tired of liking someone,will you stop?