Justine's POV:
"Kain muna kayo...heto oh dala ni Kian ito anak." Ani mama sabay lapag ng Palabok,Kakanin,Lumpia at diko alam kung anong tawag diyan sa dala niyang isa.
Tumingin ako kay Kian.Nakatingin siya sakin at ngumiti naman siya sakin.
"Kailan kayo umuwi dito?" Tanong ko sakanya.
Ang tagal din nilang nawala rito.Sa pagkakaalam ko siguro higit siyam na taon silang wala rito.May bahay sila dito malapit lang saamin.Umalis lang sila dahil doon nagtatrabaho ang Daddy niya.Umuupa sila ng bahay roon.
"Kahapon lang.." ani niya sakin at nakangiti.
Nilagyan niya akong palabok sa plato.Iniabot niya sakin iyon.Tinanggap ko naman.
"Anak alis nako...Kian..ikaw na bahala ha...Salamat iho." Ani ni mama na palabas na ng pinto.
"Okay lang ho Tita,Ingat po kayo." Ani ni Kian na nakangiti kay Mama.
Sinarado ni Mama ang pinto.
Close na close kami ni Kian dati.
"Nakakatampo ka...Umalis ka...di ka nagpaalam sakin" ani ko sakanya.
Tumawa siya ng bahagya.
"Kailangan kasi...dibale andito naman na ako." Aniya at nakangiti..Ang gwapo niya talaga..Dati pa man gwapo na siya...pero diko naiimagine na lalaki siyang ganito kagwapo
"Dito na kayo titira for good?" Tanong ko sakanya.
Tumango naman siya.
"Yep.." aniya at ngumiti ulit.
"Kain ka..." ani ko sakanya ng nakita siyang hindi kumakain at tinitignan lang ako.
"Kumain na ako sa bahay...Pinadalhan lang kayo ni Mommy kasi di kayo dumalo roon." Aniya sakin.
"Anong okasyon sainyo?" Tanong ko habang sumusubo ng palabok.
"Birthday ko.." ani niya.Nanlaki naman ang mata ko.
"Waahh!! Seryoso?!" ani ko sakanya.Nilapag ko pa ang plato ko.
Tumango siya at natatawa sa reaksyon ko.
"Happy Birthday!!! Yanong!" Pagbati ko sakanya.Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Don't call me Yanong..it's annoying." Aniya at sinamaan pa ako ng tingin.
Hahahahaha.Parang dati yun ang palayaw niya ha.Ngayon ayaw na niya magpatawag ng ganoon.Sa bagay binata na siya.
"Ilang taon kana ngayon? Kian..." tanong ko sakanya.Ngumiti naman siya ng bahagya
"I'm 17.." aniya.
Ako mag seseventeen palang sa October e.Buwan lang ang tanda niya saakin.
Nagkuwentuhan lang kami ni Kian.Nagtatawananan sa mga naalalala naming pinag-gagawa namin dati.Masasabi kong sobrang close kami dati at mukhang hanggang ngayon.
Natulog ako ng 11 na nang tanghali.Sumang ayon lang naman si Kian.Nagising ako ng may narinig ako naglapag ng babasagin sa mesa sa harap ko.
Minulat ko ang mata ako.Nakita ko abg sinigang na baboy na may sitaw.Nag heart naman agad ang mata ko dahil paborito ko i'yon.
"Kain na..." ani ni Kian.Nilagay nuya ang plato sa harap ko at nilagyan niya ng kanin.
"Ikaw nagluto nito?" Tanong ko sakanya.
YOU ARE READING
The time I said you're mine
РазноеWhen you get tired of liking someone,will you stop?