Justine's POV:
"Saan daw ang room mo?" Tanong ko kay Kian habang naglalakad kami papunta sa mga building.
"Nbr108" aniya at iniikot ikot ang tingin sa campus.
"Sakto magkalapit lang room natin..mga dalawang room ang pagitan." Aniko sakanya.Hinatid ko siya sa room niya.Nakita ko naman ang mga magiging kaklase niya na napapanganga sa mukha netong si Kian.
Nagpaalam ako sakanya at nagpunta sa room ko.Yumuko akong pumasok para hindi makita ng teacher namin.Late na ako.
"Bat late ka?" Ani ni joy sakin.
"Tsaka bat di ka pumasok kahapon?" tanong niya ulit.
"Nagkasakit ako" simpleng ani ko labg at naglabas ng notebook at pen.
"Ayos kana ba?" Aniya at hinawakan ang noo ko.
Tumango lang ako sakanya at nakinig sa nagtuturo.
Nang naglabasan ay nakita ko si Kian na naghihintay sa labas ng room namin.Siguro ay sasabay sakin na umuwi.May nakita akong katabi niyang lalaki.Siguro ay kaklase niya.May kaibigan agad,friendly talaga tong isang to.
Lumabas ako.Tinawag naman ako ni Joy
"Justine..sabay ako." Ani ni Joy.Hinintay ko naman siya.
Nang lumabas kami ng room ay nginitian ko si Kian.
"Uwi kana?" tanong niya sakin.
Tumango lang ako.Si Joy naman ay titig na titig lang sakanya.At napapanganga pa ng onti.
"Tara na." Ani ko sakanila
"Sige pre una nako." Ani ni Kian sa lalaking kasama niya kanina.
Tinabihan naman ako ni Kian na maglakad.Nakasalubong ko si Jess kanina pa siya nakatingin sakin.Iniwan ko agad ang tingin ko.Lumipat ang tingin niya sa kasabay ko.
"Ang liit mo Justine.May heels na nga blackshoes mo." Ani ni kian at hinawakan pa ang itaas ng ulo ko.Sinamaan ko siya ng tingin.Tumawa naman si Joy ng bahagya
Hindi naman ako maliit,sadyang matangkad lang siya dahil lalaki siya.
Nakita kong nag iwas ng tingin si Jess at dumiretso na ng lakad.Diko naman na pinansin.Nakasalubong namin Si Aira,Lia at Margie.Sabay sabay kaming lahat.
Nagtatanong naman ang itsura nilang tatlo.
Bumulong pa si Lia sakin."May bago agad?" Tanong ni Lia.Kumunot naman ang noo ko.Siguro ay tinutukoy niyang ipinagpalit ko na si Jess.Kahit hindi naman naging kami ni Jess.
"Loko..Kababata ko'to." Ani ko kay Lia at nakahinga naman siya ng maluwag.Letche hahaha crush ata nito si Kian e.
Ipinakilala ko naman sakanilang lahat si Kian.Ngumi ngiti lang naman si Kian.Tumambay pa kami sa 7/11.
"Anong gusto mo?" tanong ni Kian saakin.
Tumikhim naman ang mga kaibigan ko.
"A-ah wala." Ani ko lang.Tumalikod na si Kian.Pagbalik ay may dalang ice cream.Tig-isa kami.
Umalis siya saglit kaya pinahawak muna niya saakin ang ice cream.
Bumalik siiya ng may Dalang apat na ice cream.Binigay niya iyon sa kanila Aira,Lia,Margie at Joy.Napangiti naman ako.
"Galante naman ni Yanong.." pagbibiro ko sakanya.Sinamaan niya lang ako bg tingin.
Tumawa lang sila.
YOU ARE READING
The time I said you're mine
CasualeWhen you get tired of liking someone,will you stop?