Justine's POV:"This one will suit you." ani ko kay Kian habang pakita sa suit na umagaw ng pansin ko.
Ngumiti naman siya at tinignan yon.Sumang ayon siya at sinukat niya iyon.
Nang lumabas siya ay....holy crap! Bagay na bagay niya ito.Pati mga saleslady ay napanganga sa gwapo niya.
"Wow.." sabay na sabi namin ni Joy
"See..sabi sayo bagay mo to" ani ko..
Tumawa lang siya nang bahagya.Binayaran na niya iyon sa cashier.Lumabas kami sa shop at nagyayang kumain muna.
Hindi pa pala kami naglulunch.Alas tres na at diko namalayan ang oras.Ang tagal pala naming namili ng damit.Sa fastfood lang kami kumain.Dahil baka maubos ang pera niya.Kahit hindi niya sabihin alam kong higit 3k ang damit namin ni Joy.Tapos iyong suit pa niya.
Kami ang pinagpili niya kaya pinili kong Mcdo nalng kumain.
Umoder siya ng one bucket of chicken at rice.Large drinks,sundae,burger at large fries.What the hell!
Akala ko makakamura siya rito.
"What the hell Kian...Gagawin mo ba kaming baboy?" ani ko sakanya habang hindi makapaniwala sa inorder niya.Kasya to sa limang tao e!
Humalakhak naman siya.
"Gusto kong tumaba ka." Aniya at tawa ng tawa.Pati si Joy ay tumawa rin.
Sinamaan ko ng tingin si Kian.
"Ayos pala tong si Kian e." Bulong ni Joy saakin.
"Adik to..ginawa ba naman tayong patay gutom." ani ko kay Joy habang tinitignan si Kian na kumukuha pa ng gravy.
Bumalik si Kian at umupo sa harap namin.Adik talaga to.Andaming kinuhang gravy.
"Let's eat.." nakangiting sabi niya.
Kumain naman na kami.
Paglabas namin ng mall ay may mga nagaabang na tricycle.Pumara si Kian at pinasakay kami sa loob siya naman sa labas.
"Alin ang sainyo Joy?" tanong niya kay Joy.
"Uh..malapit sa simbahan ang amin." Aniya.
Malapit lang ang bahay nila Joy saamin.
Bumaba na si Joy sa tricycle nang nasa tapat na kami ng bahay nila.Hinatid ko pa siya sa gate nila.Si Kian ang nagbayad ng pamasahe namin.
Pumasok na ako sa tricycle.Nasa loob na nakasakay si Kian.
Bumaba kami ng nasa tapat na nang bahay namin.As usual sa bahay nanaman namin bumaba si Kian.
Pinapasok ko muna siya sa bahay.Andoon si Mama sa sala.
"Oh anak..Kian...saan kayo galing?" tumayo si Mama para paupuin si Kian.
"Sa mall lang po,Ma." ani ko kay mama at nilapag ang bag ko at pinamili namin ni Kian.
Umalis si Mama at nagpunta sa kusina.Nagpaalam pa ako kay Kian dahil magbibihis ako.
Pagbaba ko ay kumakain si Kian ng maruya.Nagtatawanan sila ni Mama tila may pinag-uusapan.Umupo ako sa sofa sa tabi nang kay Kian.
Umuwi din lang si Kian nang alas kwatro nang hapon.Pagkatapos naman naming maghapunan ni Mama ay naghugas ako nang pinggan dahil goodmood ako ngayon.Pagkatapos noon ay pumasok na ako kwarto at nakatulog na agad.
"Justine! Wala ka bang balak pumasok! " nagising ako sa bulyaw ni Mama.Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Mama na nakatayo sa paanan ko.
"Bumangon kana! Anong oras na oh." aniya at hinila pa ang kumot ko.
Inis akong bumangon sa higaan at kinuha ang twalya sa pinto.Lumabas ako ng kwarto para maligo.Hindi ko pa naayos ang buhok ko nang lumabos ako at nakapikit pa na naglalakad.Kamot kamot ko ang batok ko nang lumabas.
Pagtingin ko sa lalaking nasa sala at nakatingin saakin ay nanlaki agad ang mata ko.
Humalakhak pa siya.
Tumakbo agad ako sa Banyo at nilock ang pinto.Hindi man lang sinabi ni Mama na nandito na pala si Kian! Late na nga siguro ako!
Binilisan kong maligo dahil ayaw na hinihintay ako.Paglabas ko ay nagpaalam na agad ako kay Mama,hindi na ako nag almusal dahil nahihiya naman ako kay Kian na hihintayin niya pa ako.
"Bat di ka nalang naunang pumasok?madadamay ka pa tuloy na malate." sabi ko sakanya habang naglalakad papuntang sasakyan nila.
"Okay lang." Aniya at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat.Doon din siya umupo.
Late na nang nakarating kami sa school.Magpapangalawang subject na.Nakakahiya tuloy at nadamay pa 'tong si Kian.Kasalanan din naman niya kaya nalate siya!Kaya di dapat ako maguilty.
Nakayuko akong pumasok sa room para hindi makita nang teacher namin.Nagulat pa si Joy nang tumabi ako sakanya.
"Aga mo ha."sabi ni Joy saakin.Inismiran ko lang siya.
Abala lang sa pagsusulat ang teacher namin sa harapan.May test paper lahat nang kaklase ko.
"Joy ano yan?" Tanong ko sakanya habang tinitignan ang test paper.
"Ay oo nga pala..may summative test tayo." Aniya at pakita sa test paper.Pinapahiram niya saakin yon.Imbis na tanggapin ko ang test paper ay kinuha ko ang papel niya na may sagot.
"Hoy..akina na nga yan.." aniya at inaagaw ang papel.Hindi ko yon ibinigay at nagpunit ako nang isa niyang papel.Kinopya ko ang mga sagot niya.
"Pakopya nalang ako nito Joy...i love you.." sabi ko sakanya at nginitian siya.
"Nako kung hindi lang talaga kita kaibigan...nakoo..." aniya..
Kinopya ko nalang nang mabilisan ang papel at ipinasa na ang papel naming dalawa.Sa ibang subject ay pinag summative rin kami.
Nang pinalabas kami ay nasa labas na si Jess.Hindi niya pa ako nakikita kaya nilapitan ko siya.Tinuro naman ako nang kaklase niya kaya lumingon siya saakin.
"Sabay ka samin?" Tanong ko sakanya at nginitian siya nang napakatamis.
Ngumiti rin siya saakin.
"Uhmm..sige" sabi niya at sumunod saamin ni Joy.Pinuntahan ko muna yung tatlo sa room nila.Nang lumabas sila ay nakita nila agad kami.Nakangising aso nanaman yung tatlo nang makitang kasama namin si Jess.
"Sabay na kayo saamin." Ani ko sakanila dahil baka nagtatampo sila dahil hindi ako nakasabay kahapon.
Sumang ayon naman sila.Kaya nagpunta na kami sa Canteen.Si Jess ay nagpresentang manlibre.Hindi ako pumayag pero mapilit siya kaya hinayaan ko nalang at sinamahan siyang um-order.
"For sure mamumulubi na si Jess pag ikaw ang lagi niyang kasama." Sabi ni Lia at tinignan ako.Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa sa ilalim ng mesa.
Humalakhak naman si Jess.
"Okay lang na na mamulubi ako kung ganoon." sabi ni Jess at tinignan ako.Naghiyawan naman silang apat at tinutukso kami.Namula naman ang pisngi ko.
Damn you! Vargas.
YOU ARE READING
The time I said you're mine
CasualeWhen you get tired of liking someone,will you stop?