Chapter 15

2 0 0
                                    


Justine's POV:

"Nah..i just...like you.." ang sarap sa pandinig.Salitang nagpatibok nang sobrang bilis sa puso ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.Para akong statwa dito na hindi makapagsalita.Ang tahimik,tanging naririnig ko lang ay ang hampas nang dagat at paghampas nang hangin.Natatakpan na ng buhok ko ag mukha ko.

" I like you too..dati pa." bigla nalang lumabas sa bibig ko.Tinignan lang ako ni Jess.May ngiti na sumilay sa labi niya.

Lumapit siya saakin.Ganon naman kabilis ang kabog sa dibdib ko.

Nakita ko kung gaano ba talaga kagwapo ang lalaking 'to.Damn hindi ako nagkakamali.Ang gwapo gwapo niya talaga.Yung tipong susuko silang lahat dahil sa perpektong mukha nang nasa harapan ko.

Magandang kurba nang panga.Magagandang mata at pilik mata na tama lang ang haba.Matangos na ilong at maninipis na pulang labi.Ang buhok niyang bagsak at itim na itim.Perpekto siya para saakin.

Naduling nalang ako sa lapit niya.Naramdaman ko nalang na nagdikit ang labi namin.Nanlaki ang mata ko at nakita kung nakapikit siya.Napapikit nalang ako.

Lumayo siya bahagya.Tumagal ang halik na yon nang limang segundo lang.

"Damn,darling..your lips are so soft.." aniya at pumikit nang bahagya.Tumawa siya nang bahagya nang tumingin siya saakin.

Hindi ako makagalaw.Nanaginip ata ako e? Please pakisampal ako!

"Sorry...baka basted-in mo'ko dahil doon." aniya at tinitigan ako.Napakurap kurap nalang ako.

Umiling naman ako.

"I like you so much."

Yun lang ang lumabas sa bibig ko sa tagal nang pananahimik ko.Feeling ko aatakihin ako sa bilis nang kabog nang dibdib ko.

"I like you more.." aniya at bumaba ang tingin sa labi ko.Napapikit pa siya nang marahan.

"Be mine..darling." aniya saakin.

I was so speechless.Damn.Ewan ko ba kung totoo ba ang lahat nang ito.

Wala sa sariling tumango ako.

Ngumiti siya saakin at hinalikan ako sa noo.Napapikit naman ako.

Damn,this guy never failed to make my heart beats fast.

"You're mine now..and i'm all yours." aniya saakin.

Niyakap niya lang ako, nabaliwa ang lamig dito dahil sa yakap na 'yon.

"Malamig na,iuuwi na kita." Tumayo siya kaya tumayo rin ako.Inalalayan niya ako.Naglakad kami papalapit sa sasakyan niya.Pinagbuksan niya ako sa front seat.Pumasok naman ako.Tahimik ang biyahe namin.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.I can't believe this...the man i dreamed of,is now my boyfriend..

I must say...i am the luckies girl here on earth.

Pagbaba ko nang sasakyan ay bumaba rin si Jess.Nasa harap nang pinto si Mama at nakatingin saamin.Kinabahan naman ako,tiyak magagalit si Mama dahil gabi na.

Lumapit si Jess sakanya.

"Uh..Tita..sorry po at ginabi ang anak niyo..niyaya ko po kasing mamasyal muna sa tabi nang dagat." ani ni Jess sakanya at nagmano pa eto.Ako naman talaga ang nagyaya sakanya.

"Naku..sabi ko nama sa'yo ay Mama ang itawag mo saakin." ani ni Mama.Pinagkunutan ko pa nang noo si Mama at hindi naman ako pinansin.
Nakipagbiruan pa kay Jess.Tumawa naman si Jess.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Mama na kami na ni Jess.Hindi ko alam kung papayag ba siyang magkaboyfriend ako.

"O siya..sa susunod ay magpaalam ka naman Justine,nako ikaw talagang babae ka." ani ni Mama saakin.Napayuko nalang ako

"Uh..Ma una na po ako.." ani ni Jess.Wth..hindi bagay.Yak kadiri.

"Ganon ba?hindi ka na ba papasok sa loob?" ani ni Mama.Humikab naman ako.Tinignan ako ni Jess.

"Uh hindi na po..gabi na po,baka nag-aalala na sila Mama." ani ni Jess kay Mama.Tumango naman si Mama sakanya

"Oh siya.sige ingat ka ha." wika ni Mama.

Ngumiti naman si Jess.Tinignan niya ako.Nakita kong kumislap ang mga magaganda niyang mata at may sumilay na ngiti sa labi.

'Tigil-tigilan mo yan,adik ka.Nakatingin si Mama.'

Sinamaan ko lang siya nang tingin.Kaya bumaling siya kay Mama

"Alis na po ako.." baling niya kay Mama.Tumango naman si Mama sakanya

"..Justine...uwi nako." tingin niya saakin.Ngumiti naman ako nang pilit at sinamaan siya nang tingin pagkatapos.

Tumawa siya nang bahagya.Naglakad na siya papalapit sa sasakyan niya.Kinawayan ko pa siya at nginitian niya ako at pumasok na siya sa sasakyan niya.

Nang nakaalis na ang sasakyan ay bumaling si Mama saakin.

"At bakit ngayon ka lang umuwi ha..." ani ni Mama at masama ang tingin saakin.

"Ma..nagpunta nga po kami sa tabi nang dagat." ani ko sakanya.Sinasabi ko na nga bang sasabunin ako nito pag wala na si Jess.

"Gabing gabi na ha Justine.Kung hindi lang talaga mabait yung si Jess.Kanina pa kita pinahanap sa mga pulis." ani ni Mama.OA talaga tong si Mama.Pumasok nalang kami sa loob nang bahay.

Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog.Payapa akong nakatulog dahil sa mga nangyari ngayong araw.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now