Nasa gilid kami nila Donat na abalang nagbabasa ng manga at si Beth abala sa kakatext habang nag-aantay mag-umpisa ng mass demo.Ako abala naman ako sa pag-sulyap kay Myron.
Si Myron, sya ang pinakagwapo sa 2-Botany,mayaman,matalino at magaling mag-pinta at magdrawing.
Sya'y magpagkachinito kung titingnan, maputi at may balingkinitang katawan ngunit simple lang ang pormahan nya. Naka-pulang polo shirt, maong na skinny jeans, at tsinelas, ngunit datapwat, kayat kahit na ganun ang pormahan nun, di sya mukang jejemon na napadaan lang para bumili ng suka sa tindahan. Matikas at mala-adonis pa rin ang datingan nya.
" tskk!!!yan ba yung sinasabi ni Trina na si Myron, gwapo sana kaso bading" comment ni Donat.
"Uyyy Grabe ka naman makabading, yung boses lang yung, baka nahahawa lang sa mga kaklase nya na girlash tsaka sa pres. nila na si kuya Paul Jake." pagtatanggol ko naman.
"Uy pinagtatanggol, basta ako kay James pa rin ako, Tall, dark and handsome" sabi ni Beth.
"Uy hindi ahh-_-, Bethchay baka kapre yang tinutukoy mo " Sabi ko ulit.
"Hahaha niceswan Darielle!!!, huh iniba usapan crush mo talaga si Myron, period, walang lock, pendong one, kotseng kuba" sabay tap sa ulo ko na medyo malakas.
"Ouchhhieee!!!Ui yung braincells ko!!!!!!!aaaargggghhhhh wala na nalagasan na ko ng 100 braincells di na yun mababalik!!!!hmmmffffff" sabi ko.kasi sakit talaga ng pagkakatap nya sa ulo ko.
Hanggang sa asarin na nila ako ng asarin.
Alam nyo ba na si Myron din ang panlaban ng 2nd year sa Mr. MC, pinanlaban din sya sa declamation sa english, at talumpating di handa sa Filipino at member din sya ng samahan ng anak ni Balagtas (SAB).
Sinong babae ang di mafa-fall sa ganyang klase ng lalaki kahit simpleng pormahan gwapo at matikas pa rin.
In short Neseyo ne eng lehet lang ang peg nya!!!!
Man of your dreams!
MR. Perfect!
Ideal Man!
At dyan nag umpisa ang pagkafall ko sa kanya.
TRIVIA:
alam nyo ba na ang total bones ng tao ay 206. At ang adult total joints ay 230.
BINABASA MO ANG
Bitter Ampalaya
Teen Fiction"Kung minsan ang pag-ibig parang tanga lang kung sino pa yung taong mahal mo syang di mo makuha, kung sino pa yung taong nagmamahal sayo syang di mo makuhang mahalin." Ika nga ni Marcelo Santos III " kapag ba nagkatuluyan kayo ng taong mahal mo, hap...