Family
Pagkapasok ko sa bahay namin ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nag open sa laptop ko.
Nagbukas ako sa aking RP acc at hinanap ang pangalan ni Alexie dun at agad ko siyang binlock. Pagkatapos ko siyang iblock ay dineactivate ko na din ang akin account.Hindi ko din alam kung bakit ko naisipang iblock siya, dahil siguro may pakiramdam ako na si Alexie at yung nagpapadala sakin ng sulat ay iisa, hindi ko din alam kung babae ba o lalaki ang nagpapadala sakin, masyado akong litong lito kaya minaigi ko nalang i block.
Nagpahinga ako saglit dahil sa dami kong iniisip at dahil na rin sa pagod. Nagising lang ako nung marinig kong may kumakatok sa aking pintuan.
"Kiana, bumaba ka na diyan at kakain na," Boses ni Manang.
"Opo baba na." sagot ko.
"O siya sige dalian mo diyan dahil inaantay ka nila."
Tumayo ako at inayos ang sarili ko, sinuot ko din ang aking salamin sa mata dahil wala akong makita.
Nang makababa na ako ay nakita ko sila mama, papa at ang aking kapatid na nagsisimula ng kumain.
Hindi man lang ako antayin.
"Oh ayan na pala si Kiana, Hi anak!" Bati sakin ni papa. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sakanya.
Nung bumaling ako saaking kapatid ay nakita ko ang pananaray niya saakin.
At tsaka ako bumaling kay mama na hindi man lang ako tinignan at deretsong nakatingin sa pagkain.
Naupo nalang ako saaking upuan at tsaka nagsimulang magsandok ng pagkain.
"So, how are you Klea? How's school?" Nakangiting tanong ni mama sa kapatid kong si Klea.
"Hmm?" Umastang nagiisip si Klea at saka sumagot. "I'm fine, I'm good mama, I'm just a little bit tired and stressed." Maarte at nakangiti niyang sagot kay mama.
"How about your inherit in Monteverde? Kailan ba maipapasa saiyo ang lahat ng minana mo?" Seryosong tanong ni mama kay Klea.
"Hmm that?" Animong nag iisip. "Ang sabi ni tita Valerie since I'm a certified Monteverde na, I need to change my name muna first and kailangan muna daw ako mag 18 bago ko makuha yung mana ko and yung company." Maarte niyang sabi.
"Good, paano mo naman mahahawakan ang company mo eh wala ka naman alam sa company?" Tanong ulit ni mama.
"Sabi ni tita Valerie itetrain nya daw ako and besides nandyan naman daw siya para tulungan ako so there's nothing to worry about that." Nakangiting sagot ni Klea at tumango nalang si mama.
Ang Monteverde ay isa sa kilala at pinakamayaman sa buong mundo dahil sakanilang napakaraming business dito sa pilipinas at sa iba't ibang bansa. Si Klea kasi ang nawawalang taga pag mana ng mga Monteverde. kaya nung malaman namin na siya nga ang nawawalang taga pag mana ng mga Monteverde, dun ko lang din nalaman na hindi ko siya tunay na kapatid.
Pitong buwang buntis si mama saakin noon nung may makita silang isang kotse na sumalpok sa isang puno at yun ang mga magulang ni Klea. Actually kasama dun si Klea sa kotseng sumalpok pero buti nalang walang galos si Klea nung makita nila mama ito, dahil yakap yakap siya ng kanyang ina. At doon nila nakuha si Klea. Inalagaan nila ito hanggang sa tuluyan na ngang manganak si mama saakin. Sa kanyang kaarawan niya na makukuha ang kanyang mana at ilang buwan na lamang ay kaarawan na niya. At ang masasabi ko lang ay isang pinakamalaking SANAOIL!
Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa ako na ang tanungin ni mama.
Bumaling sakin si mama. "You, how about you? How about your studies?" Malamig na sambit sakin ni mama.
BINABASA MO ANG
How They Changed Me
Teen FictionSiya si Kiana Grace Fumiya isang dalaga na masayahin at makulit na tao. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakatagpo siya ng isang lalaking magpapatibok ng kanyang puso ngunit ito din ang sisira sakanyang pagkatao. Paano kaya siya babaguhin ni...