Prologue

11 0 0
                                    

Have you ever felt so ugly, so unworthy of things, so lacking, at kung ano ano pang negativities na maiisip niyo?

I know how much it sucks. I know how hard it is to live life na parang laging may mabigat, may kulang. Ironic diba? Mabigat, pero may kulang.

Yung iniisip ng ibang tao, nag-iinarte ka lang masyado, kahit sa totoo, gusto mo na ring makawala sa kulungang ginawa mo para sa sarili mo.

Ikaw, ako, may outstanding qualities na nagpapa-unique satin. Yung iba, di pa siguro nila nadidiscover pero ayon naman ang point ng buhay diba?

Pero minsan talaga, totoong usapan lang, ang hirap kapag nalamon ka ng inggit. Ang hirap kapag puro na lang 'sana' yung naiisip. Yung kahit anong gawin mong makakapag papositive sa mood mo, hindi pa rin maalis yung inggit sa kaloob-looban mo.

Oo, naaappreciate naman natin sarili natin minsan. Nakakatuwa nga na kahit minsan, nagagawa pa natin diba. Yung sana, araw-araw ganon na lang.

Tapos punyetang social media pa na yan. Lakas ipamukha satin na, "ganito lang tayo". Yung okay ka na panandalian, tapos makikita mo yung mga tao na winiwish mo na ikaw na lang sila. Nakakainggit na ang confident nila, kasi, totoo namang maganda/gwapo, mayaman, successful sila.

Pero ika nga, ano nga ba namang magagawa ng inggit satin diba? Aanhin natin yung inggit kung di naman natin gagalingan? Kung di naman tayo magsisikap na hindi lang pantayan sila, kundi lamangan pa sila. Kahit na mahirap, mas mahirap namang mamamatay na lang tayo nang hindi nakakawala sa punyetang inggit na to diba?

Tapos, eto na.

Dumating na yung araw.

Yung araw na, may iba ng nakaappreciate satin.

Yung nagparamdam satin na kagusto-gusto pa pala tayo.

Yung binura kahit panandalian lang lahat ng inggit na nararamdaman mo.

Ang saya-saya.

Sobrang saya.

"Miss na kita."

"Kelan na ba tayo uli magkikita?"

"Bakit hindi ka nag-online ): ?"

Sa wakas. Napunan din yung pangungulila natin sa feeling na may gustong maabot tayo. Yung  gustong siya at ikaw lang, yung mayroong "kayo."

Araw-araw, natataranta, kinikilig, nauubusan ng sasabihin kapag magkausap kayo. Kulang na lang, higitin mo siya palabas sa screen ng cellphone mo.

Tapos, ang swerte swerte pa. Kasi bihira na lang yung mababait na taong may mabubuting intensyon sayo. Matindi pa doon, nanliligaw pa sayo. Para kang jumackpot sa lotto. Yung wala ka namang tinaya kasi wala ka talagang panaya, pero may premyo kang nakuha. Mapapa-"thank you Lord" ka lang talaga.

pero...

Ano nga bang laban natin kung ang tadhana na mismo na ang naglagay satin sa alanganin?

Ano bang laban natin kung sa dinami-dami ng taong nakakasalubong mo, ikaw yung napiling masktan at matuto?

Ano pa bang laban natin kung ikaw na lang ang lumalaban mag-isa, tapos siya may pinaglalaban ng iba?

:"Azi, nabobother ako kay Lianne."

; "Huh? Bakit naman? Tsaka, sino ba 'yon?"

: "Bestfriend ko dito. Pano kasi..feeling ko, gusto nya ko."

; "Assumero mo lang okay. Hahaha, tsaka natural lang mabother ka, e nililigawan mo na ko. Isa pa, bestfriend mo siya at di mo siya gusto."

: "Azi, hindi 'yon e..."

At tumigil ang mundo...

Lahat ng ngiti, napalitan ng hikbi.

Lahat ng pag-ibig, napalitan ng muhi.

Lahat ng tuwa, napalitan ng awa.

Awa sa sarili ko..

Awa sa lahat ng ginawa ko..

Awa sa lahat ng bagay na pinilit kong baguhin, ayusin, at isakripasyo para lang maramdaman yung ligayang akala ko..

...akala ko mararamdaman ko na sa wakas sa piling mo.







That Tropable GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon