Part One: Mga Unang Pagkikita

12.8K 88 5
                                    

NERD, know-it-all, teacher's pet, grade-conscious, sipsip. Lahat na iyan ay nasabi na kay Rowena, nakaharap man siya o nakatalikod. Pero wala siyang pakialam sa mga kaklase niya. Wala siyang pakialam kahit wala siyang maituturing na mga kaibigan sa classroom. Nasa school siya para mag-aral, hindi para makipaglandian, magpa-cute, kantahin ang lahat ng mga kanta sa songhits at minu-minutong mag-face powder o magsuklay ng buhok.

Feeling niya, siya ang pinaka-mature sa klase nila. Ang sabi rin sa kanya ng mga teachers nila, thirteen years old pa lang daw siya at nasa first year highschool, pero para na raw siyang matanda kung mag-isip at magsalita.

Ang nakakainis lang, lahat ng teachers niya ay inaasahan na katulad siya ng dalawang ate niya na nauna nang nag-aral sa school na iyon. Ang Ate Rosaura at Ate Rhodora niya kasi ay parehong mga aktibo sa co-curricular activities. Naging part ang mga ito ng student council, naging varsity players ng volleyball at soccer, at kilalang sumasali at nananalo sa mga beauty contest. Kaya nagtataka ang lahat kung bakit hindi siya katulad ng mga ate niya. Tahimik lang kasi siya, hindi ma-tsika sa mga classmate, at nagsasalita lang kung magre-recite.

At walang pinagkaiba ang mga teacher niya sa mga kamag-anak niya na palagi na lang siyang kinukumpara sa mga ate niya. Eh ano naman ngayon sa kanya kung nagmana ang mga ate niya sa Mama nila na matangkad at mestiza, at siya naman ay nakuha ang pagiging moreno ng Papa niya at ang hindi kataasan nitong height? Bakit kailangan pa iyong paulit-ulit sabihin sa kanya sa tuwing may family gathering sila? Pisikal na anyo ba ang pinaka-importanteng aspeto ng isang tao?

Alam niyang hindi man siya kasing ganda ng mga ate niya, alam din niyang she had other attributes that could be considered special. She knew she was intelligent, and she had decided that she would focus on this strength of hers rather than wallow on what people said were her "flaws."

Kaya naman hindi niya inaasahan ng lapitan siya ng isa sa mga classmate niya na sa tingin niya ay mas inuuna ang pagporma at pagpapaganda kaysa sa pag-aaral: si Empress. Nasa SM Centerpoint siya at nakapila para bumili ng ticket para mapanood ang Titanic. Pinapagawan kasi ito ng movie review ng English teacher nila.

Sinabihan siya ni Empress na kung puwede raw ay sumabay ito sa kanya sa panonood. Hindi na lamang niya tinanong kung nasaan ang mga kabarkada nito na lagi nitong kabuntot. Tumango na lamang siya at hinayaan itong pumila sa likod niya.

Napakunoot ang noo niya ng marinig ang tila pambabastos kay Empress ng mga lalaki na nasa likuran nito at nakapila rin. Gustong malaman ng mga ito ang pangalan ni Empress, at hinihingi rin ng mga ito ang landline number ng kaklase niya. Nang lingunin niya ang mga ito at nakita ang pagpiksi ni Empress nang hawakan ng isa sa mga lalaki ang balikat nito, ay inilibot agad niya ang tingin para maghanap ng security guard. Nang masulyapan niya ang isa sa Cinema 5, dali-dali niya itong pinuntahan para hingan ng tulong.

Nadatnan na lamang nila ni Manong Guard ang dalawa sa mga lalaki na nakaupo sa sahig, at ang iba pa ay inaambahan na ang classmate nilang tomboyin na si Lorelei. Mukhang ito ang nagpabagsak sa dalawa sa mga lalaki.

Nakarating sila sa sa office ng manager ng mall, at siyempre, sila ang kinampihan ng management, at ini-escort-an palabas ng mall ang mga lalaki.

Panay ang pagpapasalamat ni Empress sa kanilang dalawa ni Lorelei. Kagaya ni Empress, noon nga lang din niya nakausap ng matagal si Lorelei. Hindi niya kasi gusto ang mga babaeng siga kung kumilos. Ngunit na-appreciate niya si Lorelei ng araw na iyon dahil hindi naman pala ito yung tipong kausapin mo lang ay sisindakin ka na agad. Tinuruan lang daw itong ipagtanggol ang sarili nito ng ama nitong isang retired na military general at ng mga kuya nitong nasa PNP at AFP din.

Natuloy din ang panonood nilang tatlo ng Titanic. At kahit malaki ang pagkakaiba ng mga personalidad nila, sabay-sabay naman ang naging pag-iyak nila ng mamatay ang character ni Leonardo DiCaprio at ipinakita ang shot ng paglubog nito sa Atlantic Ocean.

Sa pagtatapos ng pelikula ay ang pagsisimula naman ng pagkakaibigan nila.


--


JS PROM nina Rowena nang gabing iyon sa Century Park Hotel Manila. At kahit na ayaw niyang umattend ay pilit pa rin siyang pinasukatan ng Mama niya ng isusuot ng gabing iyon. Katwiran nito, minsan lang daw mangyari ang JS, dapat hindi raw niya iyon pinalalagpas. Katwiran niya, wala naman siyang mami-miss kung hindi siya aattend ng JS, walang kaabang-abang na puwedeng mangyari sa boring niyang buhay. Kaso, sa huli ay nanalo pa rin ang Mama niya.

Kulay beige na silk na may silver na lace trimmings ang suot niyang dress ng gabing iyon. Ngunit kahit na panay ang pagsasabi sa kanya ng Mama niya, pati na rin ng mga kaibigang sina Lei at Empress na maganda siya sa suot niya at sa pagkaka-make-up sa kanya ng Ate Rhoda niya, ay hindi pa rin siya naniwala sa mga ito.

Pagkatapos kasi ng program na inihanda para sa gabing iyon ay ang bahaging pinakaayaw niya: ang sayawan. Kagaya ng inaasahan, halos magsuguran ang kalahati ng third year at fourth year boys kay Empress para maisayaw ito. Ito kasi ang nakakuha ng award na Queen of the Night. Habang si Lei naman, abala sa pagbugaw at pambabara ng mga boys na pumaligid dito at nagyayaya ritong magsayaw. Nabighani ata sa kakaibang ganda ni Lei na lumabas ng maayusan at magsuot ng dress.

At siya? Ayun, nilalangaw sa pagbubutas ng upuan niya. Sino nga ba naman ang gustong makipagsayaw sa nerdy at chubby na tulad niya gayong andami-daming animo mga prinsesa sa paligid niya?

Kaya imbes na mukha siyang tanga na nakapangalumbaba at nanonood ng mga pareha na nasa dance floor ay pasimple siyang tumalilis palabas ng ballroom na inarkila ng school nila. Kanina pa niya sinusulyapan kung kailan aalis papunta ng CR ang bantay sa may pintuan. Abala ang mga teachers sa pagbabantay sa mga parehang nagsasayaw; probably concerned about what the dim lights, romantic songs, and raging hormones would bring to the adolescents at the dance floor. Nagawa niya tuloy makalabas ng ballroom ng walang nakakapansin.

Hindi pa siya puwedeng umuwi dahil mamaya pa ang dating ng sundo niya. Gusto lang niyang lumabas dahil nasu-suffocate na siya sa loob.

Bumaba siya papunta sa swimming pool ng hotel. May isang oblong-shaped, at ang isa naman ay covered-pool na rectangular ang hugis. Doon siya pumunta sa may oblong na pool dahil wala halos tao roon maliban sa isang lalaking nakaupo sa isang lounging chair. Karamihan kasi ay naroroon sa kabilang pool kung saan mayroon ding jacuzzi.

Tahimik lamang siyang nakatayo at nanonood ng marahang paggalaw ng tubig ng magsalita ang lalaking nakaupo malapit sa kanya.

"What's the occasion?"

Lumingon-lingon siya sa paligid para matiyak kung siya ba ang kinakausap nito. At dahil sila lang dalawa ang tao sa bahaging iyon ng pool, she decided that he was indeed talking to her. "JS Prom." sagot niya rito habang nakatingin pa rin sa tubig.

"So why are you here? Balak mo bang magpakalunod sa pool dahil hindi ka isinayaw ng crush mo?"

Heart Over MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon