Part Two: That Fangirling Moment

4K 66 2
                                    

Doon na napalingon si Rowena sa lalaki. Nakangiti ito sa kanya, at nakataas ang mga kilay na animo naghihintay ng isasagot niya. Sa tantiya niya ay college student na ito, nasa 18-20 years old siguro. "Kinukuwestiyon ko ba kung bakit ka nandito?" masungit niyang sagot.

"Eh hindi mo naman ako tinatanong. Pero kung gusto mo, para fair, e 'di sasabihin ko na sa 'yo." Ngumiti ito. "Naka-check-in kami ng mga ka-group ko dahil may seminar kaming in-organize na dito sa hotel iho-hold bukas ng umaga. Requirements namin kasi sa isang major subject. Dito na kami nag-overnight lahat para maayos pa namin yung ibang details, saka para hindi kami harassed during the day of the seminar itself," paliwanag nito, sabay kibit-balikat. "So, sasabihin mo na ba kung bakit ka nagmumukmok sa harap ng pool instead of enjoying your JS prom? You're pretty. Sa special school ka ba nag-aaral? Visually impaired ba ang mga ka-batch mo?"

Tumaas ang kilay niya sa narinig. Sinabihan siya ng pakialamerong ito na 'pretty' siya? That's odd. May itsura ang lalaki, and to be perfectly honest, mas guwapo pa ito sa crush ng bayan sa school nila na si Cyrus. At ang mga lalaking tulad nito, wouldn't and shouldn't find her 'pretty'. Ang dapat na sinasabihan nito ng mga ganoong pambobola ay ang kaibigan niyang si Empress.

"O, napipi ka na rin?" muling hirit sa kanya ng lalaki.

"Bakit ba ang kulit mo?" pagsusungit pa rin niya. Ngiti lang ang isinagot nito roon. Bumuntunghininga siya bago muling tumingin sa tubig sa pool. "Wala akong crush sa mga ka-batch ko," naka-ismid niyang sabi. "Pa'no naman ako magkakagusto sa kahit isa sa mga 'yon, eh puro sila mga batang isip."

"So, masakit lang sa pride mo na walang gustong makipagsayaw sa 'yo?"

Napalingon siyang muli rito dahil sa narinig. "Are you psychoanalyzing me?"

Nagulat siya nang tumawa ito ng malakas. "Talaga bang highschool student ka lang?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Nagulat siya nang yumuko ito at inilahad ang kanang kamay nito sa kanya.

"May I have this dance?" 

Napaawang ang labi niya sa narinig. "Niloloko mo ba 'ko?"

Iniangat nito ng kaunti ang ulo para tumingin sa kanya. "Hey, I'm serious. May pipe-in music naman, ah."

"Naka-drugs ka ba? Kitang-kita kaya tayo ng ibang tao sa kabilang pool!"

Iniunat nito ang katawan. Halos hindi siya umabot sa balikat nito. "You care too much of what other people would say. That's bad for your health."

"I don't even know you—" Nagulat na lamang siya ng kunin ng lalaki ang isang kamay niya habang ang isang kamay naman nito ay humawak sa bewang niya. He guided her as they swayed softly to the music.

"This is crazy," bulalas niya. Ngunit wala siyang mahanap na lakas ng loob para bumitiw sa lalaki.

Hindi nito pinansin ang pagmamarakulyo niya. "Are you familiar with the music being played? That's an instrumental of the song Hands to Heaven by a British band called Breathe."

She sighed. "Oo." Kabisado niya ang lyrics ng 80's song na iyon. Tonight I need your sweet caress, hold me in the darkness. Tonight you calm my restlessness, you relieve my sadness. Sa isip lang niya kinanta ang chorus part noon.

Hindi niya alam kung gaano katagal o kabilis ang naging pagsasayaw nila ng lalaki sa gilid ng pool, basta naalimpungatan na lamang silang dalawa nang may tumikhim sa gilid nila at nagsalita.

"Sorry to bother the two of you, pero hinahanap ka na sa taas, Cedric."

Doon na siya humiwalay nang tuluyan sa lalaki. Nag-iinit ang mga pisngi niya habang nakayuko at hindi makatingin sa kasayaw niya na Cedric pala ang pangalan, maging sa bagong dating na lalaki.

"Thanks, Wyldon, pare. 'Akyat na 'ko," ani Cedric dito.

Sa pangalang binanggit nito siya napaangat ng tingin papunta sa direksyon ng bagong dating na lalaki. Nanlaki ang mata niya ng makita ang paborito niyang international chess player na si Wyldon Rodriguez!

She must have looked so shocked dahil ipinitik ni Cedric ang mga daliri nito sa harap ng mukha niya, sabay banat ng, "Mas guwapo naman ako d'yan kay Wyldon."

Doon naman siya nakabawi ng pagkabigla. Humarap siya kay Cedric at sumimangot. "He's a FIDE Master with an Elo rating of 2350, and if he gets 50 points more he'll be an International Master already. He was hailed by Asian Chess Magazine as one of the most promising chess players in the Philippines because of his game with Slovenian Grand Master Nikolai Pavlov. Scholar siya ever since he started going to school, valedictorian siya nung grade school at high school, at scholar pa rin siya hanggang ngayon na nasa Ateneo siya and taking up AB Psychology. Kaya mas guwapo si Wyldon Rodriguez sa 'yo sa lahat ng aspeto." Pagkatapos ng litanya niya ay saka naman nanlaki ang mga mata niya at naramdaman niya ang labis na pag-iinit ng pisngi ng maalalang nasa harap nga lang pala niya ang lalaking tinutukoy niya.

"May mga chicks ka rin palang fans, dude," ani Cedric habang nakatingin sa gawi ni Wyldon. "Eh size ng paa niya, alam mo?" baling nitong muli sa kanya.

Napakagat-labi si Rowena. Hindi na niya sinagot pa si Cedric, at hindi na rin niya hinintay pa kung ano ang sasabihin ni Wyldon. Basta nakatungo na lamang siyang naglakad ng mabilis papalayo sa mga ito.

"Hey!" Narinig niyang sigaw ni Cedric. "I wasn't able to get your name!"

Hindi niya ito pinansin, basta tuloy-tuloy lang siya sa paglakad-takbo niya. Nakaabot naman siya sa papasarang elevator, at ilang saglit pa ay nakabalik na siya sa ballrooom kung saan ginaganap ang JS Prom nila.

Kanina pa pala siya hinahanap nina Lei at Empy, at nang ikuwento niya sa mga ito ang nangayari sa kanya sa pool area, maging ang mga ito ay hindi makapaniwala sa kakaibang experience niya ng gabing iyon. 'Di hamak daw na mas memorable iyon kaysa sa nangyari sa mga ito na halos ikapikon na ang ilang makukulit na mga lalaking umaaligid sa mga ito ng gabing iyon.

And she couldn't agree more. Hanggang sa pag-uwi ay nagdi-daydream pa rin siya ng naging first meeting nila ni Wyldon Rodriguez. Sayang at hindi siya nakapag-isip ng tama, sana ay niyaya niya ito sa may ballroom para nakahiram siya ng camera kay Lei, para nagkaroon naman siya ng souvenir picture na kasama niya ito.

Kinonsola na lamang niya ang sarili. Sabi raw, 'Souvenirs are perishable, Memories are not.' Kaya naman pagdating na pagdating niya sa bahay ay isinulat agad niya ang nangyari para i-document iyon at maisama iyon sa Wyldon scrapbook niya. Kaso, hindi niya maisulat iyon ng hindi binabanggit ang asungot na si Cedric. Kaya no choice, sinimulan na niya sa simula ang kuwento, with Cedric as a dakilang extra sa story nila ni Wyldon.

.

.

.

.

.

[ A/N: Hi! If you've read my story 'The Beauty Queen and the Geek', you may find that some of the characters in this story are already quite familiar. Like what I said sa teaser, this was published last 2010 pa, and was part of my unofficial trilogy na 'The Beauty, The Brawn, and The Brains'. Si Empress yung 'Beauty', si Lorelei yung 'Brawn', and si Rowena yung 'Brains'. The three of them bonded over the movie Titanic, which was kinda close to a real-life experience I had-- that, and yung pagbubutas ng upuan noong JS; I didn't get to have my very own Cedric then though. Sad. Hehe. Thank you for reading! -AJ ]  



Heart Over MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon