Chapter 38

127K 7.8K 1.2K
                                    

Hi! Thank you to everyone who wished me happy birthday during my special day! I know this is quite late, haha. But I deeply appreciated all your messages.

Hope you'll enjoy this chapter :)


Chapter 38

Araw

Hinangad kong magpatuloy ang pangyayari sa nakaraang hindi nasaksihan ng aking mga mata noon. Ngunit kasabay nang pagtama ng liwanag ng buwan sa kabuuan ng reyna ay sa unti-unting panlalabo ng aking mga mata.

Isang pahiwatig na malapit nang matapos ang aking mga nakikita, sinubukan kong maggagalaw at tangkaing abutin ng aking mga kamay ang reyna at ang hindi nito mabasang ekspresyon ngunit ang katawan ko'y nagsisimula nang maglaho sa nakaraan.

Huling sulyap sa mga kamay ni Claudeous na pilit akong inaabot ang siyang naging dahilan ng muling pagpatak ng aking mga luha hanggang tuluyan na akong hilahin pabalik ng aking totoong panahon.

"Leticia..." tawag sa ngalan ko ang siyang sumalubong sa akin sa pagbabalik sa sariling panahon.

Agad akong kinabig ng hari ng Sartorias at niyakap ng mahigpit, hindi ko nagawang gumanti ng yakap sa kanya dahil sa matinding panghihina na aking buong katawan.

Hindi ko maalis ang galak nang sandaling maramdaman ang yakap niya, ang aking pagbabalik sa kanya ngunit hindi nito magagawang tanggalin ang pagnanais kong sana'y higit pa akong nanatili sa nakaraan.

Sapat na ba ang mga nakita ko?

Kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang iniisip ang mga nasaksihan ko, kung ang nakaraan ay ipinakita sa akin ni Claudeous, posibleng alam na nito na siya'y nilinlang ng kanyang sariling ina, ngunit sapat na ba itong dahilan para siya'y hindi magtanim ng galit sa kasalukuyang reyna ng Sartorias at sa ginawa nito?

Kinalas ni Dastan ang kanyang yakap sa akin at sinapo niya ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko magawang salubungin nang maayos ang kanyang mga mata dahil sa mga oras na ito'y naghahangad akong makita si Claudeous.

Nais ko siyang makausap at malaman ang kanyang buong nararamdaman...

Sa kaunting panahon ng panunuod ko sa kanya, nasisiguro kong isang mabuting hari si Claudeous at kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makipag-usap sa kanya, maaaring siya'y maging kakampi at hindi kalaban.

Ngunit may kasiguraduhan ba akong ang aking mga nakita'y pawang mga katotohanan? O isa lang itong mga ilusyon at manipulasyon para gumawa ako ng paraan na kusang lumapit kay Claudeous?

Sinubukan kong ibuka ang aking mga labi at magsalita kay Dastan ngunit naunahan ako ng Hari ng Sartorias.

Magaang dampi ng kanyang labi ang siyang nagpagaan ng aking dibdib, aking mga mata'y pumikit at ang mga kamay na handa nang humaplos sa kanya...

Nais ko nang tuluyang matangay at hayaang damhin ang buong presensiya ng hari na siyang matinding kailangan ko mula sa aking panghihina nang sunod-sunod na pag-ubo at pagtikhim ang nakapagpahiwalay sa amin.

Kapwa nag-angat ang aming paningin sa kanyang mga kapatid na kasalukuyang nakapalibot sa amin habang kami'y madiing pinuprotektahan, nakatalikod ang mga ito sa amin habang ang kanilang mga atensyon ay nasa mga kalaban.

"Digmaan po ito, digmaan... malala na ang ubo ko, mga kapatid." Rinig kong sabi ni Caleb.

"Nasamid ako, inaalala ako ni Claret..." umiiling na sabi ng Prinsipe ng mga nyebe.

"Ang lamig ng klima sa Parsua Deltora, tila ako'y magkakaroon ng karamdaman sa baga." Sunod ni Finn.

Umiling na lamang si Casper at Evan.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon