After 2 days...
[XAVIER's POV]
Ngayon na pala ang labas ni Leigh. Di ko man lang siya nabisita. Tch, paano ba naman busy ako.
(Miss V: San ka busy aber?)
Wala Miss V sa school lang.
Papers works.
Thesis.
Tapos may basketball team pa.
Parang sasabog na yung ulo ko.
Krrriinngggg!....
Napatingin ako sa phone ko. What the?! At bakit siya tumatawag? Ano na naman ang kailangan niya? *sigh*
Sinagot ko nalang ang phone ko, wala rin naman akong magagawa eh.
(Meet me at Shakey's. 2pm. See ya!)
*toot toot toot*
Abat?! Magkikita na naman kami? Lagi niya nalang akong nakakasama. Nakikisali pa siya sa sakit ng ulo ko.
Ano pa nga bang magagawa ko? Edi pupunta nalang, sabagay 1pm na eh.
[ETHAN's POV]
"Wala na bang ibibilis yan Ethan?! Bakit ba ang bagal mong magpatakbo ngayon ha!" ayan na naman. Kailangan talaga sumigaw?
"Masama bang makasama ka ng matagal!" napatigil siya sa sinabi ko saka umayos sa pagkakaupo. Ang ingay ingay parang tindera sa palengke. "O, natahimik ka d'yan?" hindi siya umimik. Yan lang pala makakapagpatahimik sa kanya ah.
"Kay, bakit ka ba nagmamadali. Mamayang alas 2 pa ang labas ni Leigh ah. Wag kang atat, okay?" tumago lang siya sa sinabi ko. Mood swings pa Autumn. Tch.
[KATE's POV]
Nakarating na kami ni Chloe sa ospital. Lalabas na kasi ngayon si Leigh. Its been a month simula nong nacomatose siya.
"Kate, wala bang planong pumunta si Xander?" pabulong na tanong sa'kin ni Harper. Ewan ko ba sa lalaking yun. Lagi naman daw siyang busy eh. Umiling lang ako bilang sagot ko kay Harper. Napabuntong hininga nalang kaming dalawa.
Simula nong nacomatose si Leigh parang unti-unting nagbabago si Xander. Halos di mo na siya makita sa bahay. Di rin siya bumibisita kay Leigh. Pagkakausapin mo naman, laging oo at hindi lang ang sagot.
Naghihintay lang kami dito sa may lobby ng ospital. Binabayaran pa daw nila Sebyung bill.
Teka nga... may nahagilap ang mata ko.
Bat may kasama siyang ibang babae? Kaya pala ha. Tch.
"Chloe, kuha muna tayo ng maiinom sa may canteen nila. Gutom na rin ako eh." aya ko kay Chloe para di niya makita ang nakita ko. Nakasakit sa mata eh. Tumango lang siya at tumayo kasabay ko. "Ikaw Harper gusto kong sumama?" tumango lang siya at tumayo na rin.
Masaksak nga yung lalaking yun sa leeg. -___-
[TRISTAN's POV]
Kakapark ko lang ng kotse ko sa ospital. Dumaan pa kasi ako ng bahay para pagsabihan si manang na maghanda ng hapunan dahil ngayon ang labas ni Leigh sa ospital.
Gusto pa sanang sumama ni manang pero sinabihan ko lang siya na uuwi din kami kaagad. Namimiss kasi niya si Leigh eh. Kami rin naman. Si Xander kaya? Namimiss kaya niya si Leigh?
Lumabas na ako ng kotse ng makita ko si Charles na kakapark lang din.
"Oy brad, ikaw pala. Sabay na tayo." aya niya at tumango lang ako.
*
*
"Hindi pa ba sila tapos?" tanong ko kay Ethan na nakaupo sa sofa ng lobby ng ospital.
"Malapit na daw. Marami kasing nagbabayad." at umupo ako sa tabi niya.
"Asan yung iba?" singit naman ni Charles.
"Papunta na rin sila rito." bungad sa'min ni Dylan. Kakarating lang niya galing cr.
*
*
[NORMAL POV]
Pumunta ang buong barkada sa mall para itreat si Leigh. Nabuhay ulit ang barkada. Ito na yung matagal nilang hinahangad na magising si Leigh at makasama nilang muli.
KYLIE: "San tayo kakain? Snacks lang ba."
ALL: "SHAKEY'S!!!"
Sabay tawanan silang lahat. Paborito kasi nilang kumain sa Shakey's.
*
*
On the other side...
"Ano na namang kailangan mo? Lagi naman tayong nagkikita ah. Pati ba naman ngayon na gusto kong magpahinga, hindi ko magawa ng dahil sa'yo." at patuloy na ininom ang juice na inorder nila.
"Sabi ni Tito, ayain daw kita. Sinunod ko lang naman utos niya sa'kin."
"At kailan ka pa naging maid?" sagot niya na may halong pang-aasar. Hindi lang sumagot ang kasama. Bagkos ay patuloy lang kumain ito.
*
*
Naglalakad ang barkada patungong Shakey's. Naunang maglakad si Tyler.
Ng makarating siya ng Shakey's. Nakita niya si Xander na may kasamang babae. Nagtatawanan sila habang kumakain. Kaya minabuti niyang ibahin ang plano ng barkada na sa Shakey's kumain.
TYLER: "Sa Pizza hut nalang tayo guys! Maraming tao sa Shakey's eh."
AUSTIN: "San banda ba ang pizza hut dito?"
AVA: "Ah! Sa may ground floor katabi ng petshop."
ALL: "Tara!"
At nagsimula na silang maglakad ulit.
*
*
[TYLER's POV]
"Table for 21 persons please." sabi ko dun sa crew pagkadating namin sa pizza hut. Mukhang nagulat pa nga siya sa sinabi kong bilang. Kaya dali-dali siyang nagtawag ng kasama para ayusin ang makakainan namin.
"Ang gaganda at ang gugwapo nilang lahat."
"Artista ba silang lahat?"
"Kyaa! Ang cute nong isa oh. Parang si Kim Taehyung ng BTS."
"Yung isa din oh. Parang si Jung Yong Hwa ng CNBlue."
"Yung mga babae, sexy at magaganda."
"Ang mga boys, ang tatangkad and supah hot!"
Kaya minsan ayaw ko sa mga fastfood chains eh kasi ganyan lagi ang naririnig naming comments sa nakakakita sa'min.
Kinalabit ako ni Chloe. "Nakita ko kanina si Xander may kasamang babae. Papasok sila sa isang kotse." pabulong niyang sabi sa'kin.
Nakita niya din pala si Xander na may kasamang ibang babae?
"Ty, bakit di tayo sa Shakey's kumain?" tanong ni Natalie sa'kin habang patuloy na nakatingin sa menu.
"Marami nga tao sabi eh."
Sagot ko sa kanya. Napaisip ako sandali. Sino kaya yung kasama ni Xander kanina? Pinagpalit na kaya niya si Leigh? Wag naman sana.
------
BINABASA MO ANG
Meet The Populars (COMPLETED)
RandomYou don't need someone who have same personality and same attitude to create your best friendship. All you need is is just be yourself and compliment each other with your own way. Published: October 13, 2014 Finished: Unknown (nakalimutan xD)