Rosa

2.8K 68 11
                                    

Ingay.

Sobrang ingay.

At dilim.

Ganap na kadiliman.

Dalawang bagay lang naman ang dahilan kung bakit mapupunta ang tao sa ospital at mahihiga sa kamang kagaya ng kinalalagyan niya:

Pagkamatay

o

Pagkabuhay.

Maswerte siya.
Pagka't sa dalawang iyon,
iyong huli ang kaniyang kaso.

"Sia,"
mahinang bulong ng isang boses sa kaniyang tainga.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.
Tumambad sakaniya ang mukha ni Raffy. Nakangiti ito.

"Kumusta ka?"

Mabagal niyang binuksan ang kaniyang bibig para magsalita.
"Nakakapagod, bakla."

Tumawa si Raffy.
"You did great, mamsh."

Napangiti si Sia.

"Ginising kita kasi may bisita ka," mahinhing sabi ni Raffy, dahilan para bahagyang umangat ang isa sa kaniyang mga kilay.


"Sino?"
tanong ni Sia.

"Upo ka,"
anito na may ngiti sa labi.
Hindi nito ganap na sinagot ang kaniyang katanungan.
Sa halip ay maingat siyang inalalayan ni Raffy paupo sa higaan.

"Sino ba 'yang bisita ko?"
may halong pagbibiro at pagkairita niyang tanong.
"Parang ang special naman."

Isang ngiti ang tanging sagot ni Raffy.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang nurse.
Sa mga bisig nito ay isang kumpol ng mga lampin at kumot.

Napatingin si Sia kay Raffy.
Isang makahulugang ngiti lang naman ang isinukli nito sakaniya.

"Hello, Mommy and Daddy,"
pakantang sabi ng nurse habang naglalakad papalapit sa dalawa.
Ibinigay nito ang kumpol na dala kay Raffy, na siyang nagpasa ng nasabing kumpol kay Sia.

Tinitigan niya ang nilalang na nasa loob ng kumpol na iyon.
Hindi niya napigilang maiyak.

"Namumula siya,"
pansin ni Sia.

"Ang ganda niya,"
bulong ni Raffy habang nakadungaw sakanila.

Tiningala niya ito.
"Kamukha mo,"
aniya.


Sandaling natahimik si Raffy habang nakatingin sakaniya.

"Thank you,"
makahulugan sabi nito, sabay halik sa tuktok ng kaniyang ulo.

"Anong ipapangalan natin sakaniya?"

Mabagal at magaang pinadaan ni Raffy ang likod ng kaniyang hintuturo sa pisngi ng kanilang anak.

"Rosa."

●○●○●


--A's note:

Hi! I'm A, the author (obviously). I'm just welcoming you to Rosa!

As an orientation, I'm here to tell you that Rosa is divided to two parts -- the Before and After.

That's all you need to know for now. Mas "maliliwanagan" pa kayo sa succeeding chapters. There will be explanations din naman later so you know the timeline of each part.

For now, I say, "Hi!" and "have a good time!"

P.S. Sa BTS/KI readers jan, henlo po sainyo. 💜

Until the next chapter! 😉
-A.

Before RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon