NANGinginig ako habang nasa harap ng pinto ng aking kwarto. Sa likod ng pintong 'yon ay si Teptep. Dahilan ng mas lalong panginginig ng mga tuhod ko.
Ano ba Elaina?! Get your shits together and get out of your room like you used to! That is just Stephan for pete's sake! You're bestfriend!
Pero 'yon nga ang pino-problema ko. Hindi basta na lang kaibigan at kapatid ang tingin ko sa kanya kundi higit pa. Kaya nahihirapan akong kumilos katulad ng nakasanayan dahil bawat galaw ay malalagyan ko ng kahulugan. Dagdagan pang sweet siya kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya. I might be young but my mental and physical aspect are developing in advance. Kaya alam ko kung ano man ang nararamdaman.
Alam kong normal lang ang lahat ng kanyang ginagawa dahil matagal na kaming magkaibigan. Pero ang puso ko ngayon ay iba na ang tinitibok. Iba na ang gusto. Naghahangad na ito ng higit pa.
"Teptep! Bakit ba ang tagal mo?! Magmimisa lang naman tayo. 'Wag mo sabihing naglagay ka pa ng kolorete sa mukha? Papaliguan talaga kita ng holy water mamaya sa simbahan! 11 ka lang hoy!" halata ang iritasyon sa boses niya nang isigaw 'yon mula sa likod ng pintuan.
Hindi naman ako naglalagay ng kolorete eh. Kinakabahan lang talaga ako sa isiping magsasama na naman kaming dalawa. Bawat araw na nagkikita kami ay lalo ata siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Lumalabas na 'rin ang tikas ng kanyang tindig kahit labing-apat na taong gulang pa lang. Kaya parang sasabog ang puso ko sa tuwing nakikita siya. Yes, he is 3 years older than me.
Humugot ako ng malalim na hininga saka pinihit ang door knob. Nakabusangot na mukha niya ang agad kong nakita. Ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin maikakaila ang kagwapuhan.
"Patingin nga!" sinipat niya ang mukha ko. Tinitingnan kung may inilagay ba ako na para sa kanya ay hindi nararapat dahil masyado pang bata.
"Hindi ka naman nagmake-up pero ba't ang tagal mong lumabas? Ano ba ang ginawa mo?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.
Sinimangutan ko lang siya at nauna nang bumaba sa sala. Iniiwasang mas lalo pang maglapit ang aming mga katawan. Lalo na ang tingnan siya sa mga mata. Hindi ko na kayang gawin ang mga iyon. Masyadong malakas ang pagtahip ng dibdib ko. Maliban sa naghaharumentado ang puso ko ay kami na lang dalawa ang naiwan sa bahay. Sina mommy at daddy ay nauna na sa simbahan kasama ang parents niya.
Hindi na rin naman siya nangulit at sumunod na lang sa'kin sa sasakyan. Siya ang huling sumakay. Nang isara niya ang kotse ay agad nang nagdrive si Mang Edgar patungong simbahan.
KANINA ko pa tinititigan si Teptep. Iba na naman kasi ang mood niya. Kadalasan ang kulit niya, gaya kanina. Pero minsan ang cold din niya. Minsan tuloy naitatanong ko sa sarili kung siya ba 'to o isang impostor. Gaya ngayon. Nagkukulitan pa kami kanina bago ako namaalam na tutungo muna sa CR dahil nagtatalo kami kung virgin ba talaga ang mga pari sa oras na pasukin na nila ang buhay na 'yon o hindi na. Kasi kahit pari na ay nambababae pa. Ngunit nang bumalik ako ay parang hindi na ako nag-eexist sa kanya. Ang lamig-lamig niya sa'kin na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
Lãng mạnBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...