Humahagulhol akong nakaupo sa isang banyo..nakatanim sa utak ko ang ginawang pagpapahiya sakin ni margaux..
Bakit nga ba kailangan mangyari sakin ang ganito?
Bakit ba kailangan nya pa akong ipahiya sa harap ng magulang ko.at sa harap ng madaming tao..
Karma ko na ba ito?
Ito na ba ang kabayaran sa pagnakaw ko sa katauhan ng ibang tao?
Ito na ba ang kabayarang iginawad sakin ng dyos
dahil sa kagahamanan ko?
Sunod sunod ang mga katanungan na namuo sa utak ko..
Masyado bang malaki ang kasalanang nagawa ko..para sa kaparusahang ito?
Masyado bang mataas ang pangarap ko..para bumagsak at lumagapak sa putikang kinasasadlkan ko?
Kulang pa ba ang iniwan ako ng nag-iisang nagmahal sakin?para sa kabayaran ng kasalanang ginawa ko?
Kulang pa bang parusa..ang bawiin sakin ang natitirang dangal ko..para sa pagpapanggap ko?
Alam kong nagkamali ako..
Alam kong namuhay ako sa pagkukunwari..
Pero nagawa ko lang naman ng bagay na yun..dahil sa gusto ko ng respeto.gusto ko ng pagtanggap..gusto ko maramdaman na maging normal ang takbo ng buhay ko.
"Athena!mahinahong tawag sakin ng pamilyar na boses na nagmumula sa labas ng pinto.kumatok ito ng mahina.habang pinipihit at pinipilit nitong buksan ang pinto.
Napako ako at kinabahan..ng madinig ko ang pamilyar na boses na nasa labas ng pinto.
"Athena!!buksan mo ang pinto..pagpipigil nito.
"Athena pleassse!frustrated at pigil pa rin na pagpupumilit ni seth sakin.
Tumayo ako.at pinunas ang mga luha ko.
Agad kong binuksan ang pintuan..
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Nanghina ako sa sandaling mapuna ko ang pagbabago sa itsura at ayos ni seth.
Pumayat ito..nangingitim ang bahaging ibaba ng mga mata nito.magulo at mahaba ang buhok nito..at halatang problemado ito.
"Anong nangyari sayo?!nag-aalala kong tanong dito.napahawak ako sa mukha nito at diretso kong tinitigan ito..
Napatitig din ito sakin..bago nya hinawakan ang mukha ko..
"I don't deserved you athena..mahinang sabi nito..
"Anong ibig mong sabihin?naguguluhan kong tanong kay seth.
"Nagka..nauutal nitong panimula..
"Nagkasala ako sayo..matipid nitong sabi.napayuko ito at napabitiw sa pagkakahawak sa mukha ko.
"A..anong ibig mong sabihin?!paulit ulit long itinatanong sa kanya..
"hina..hinalikan ko si margaux...hinayaan ko syang halikan ako...buntong hininga nitong pag-amin sa kasalanan nya.
Napabitiw ako sa pagkakahawak ko sa kanya..
Nanghina ako at napaatras..
Napayuko ako.at tila ba nasusuka akong tingnan sya...
Nilapitan nya ko.at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit seth?!hinanakit kong tanong dito..
Nakayuko itong sumagot sakin..
"Nakainom ako athena..masyado akong nasaktan sa ginawa mo..nagpakain ako sa galit na nararamdan ko sayo..
Pero kahit anong gawin ko..di ko pa din mapigilan ang sarili ko at ang puso ko.na bumalik sa nagmamay ari nito..
Mahabang pagdadahilan dahilan sakin ni seth.
Sa mga sandaling iyon ay di ko alam ang isasagot ko..
Nanatili lang kaming nakatayo at tila ba napako sa kinatatayuan namin..
Nanatili lang kami sa sitwasyong kinasasadlakan namin..
"I'm sorry athena..sorry sa gimawa kong panghuhusga sayo..sorry sa lahat lahat..malumanay na paghingi ng tawad ni seth sakin..
"Maiintindihan ko.kung pandidirihan mo ko.maiintindihan ko.kung lalayuan mo ko..pero sana maisip mo..na totoo ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo...hindi dahil sa kagandahang nananalaytay sa mukha mo.kundi dahil sa kagandahang nasa loob nito.sabay turo sa puso ko..
"Hindi ko alam ang isasagot ko seth.hindi ko alam
paulit-ulit kong sagot sa kanya.
"Handa akong maghintay athena..mahinang sabi nito sakin..niyakap ako nito ng mahigpit..at hinalikan ang buhok ko..
Nanghina ako.at hinayaan syang yakapin ako..
Nang biglang may nadinig kami na pagsabog na nagmumula sa labas.
Nagulat kaming dalawa ni seth.at agad kaming naghiwalay sa pagkakayakap.
Dali dali naming binuksan ang pintuan.
At agad bumungad saming harapan ang malaking usok at sunog
Kapwa nanlaki ang mga mata namin..
Hinawakan ako ng mahigpit ni seth sa kamay..
At agad kaming naghanap ng pu pwedeng ligtas na daanan..
Magkahawak kamay kaming tumatakbo..
Magkahawak kamay kaming sumuong sa malaki at malawak na usok..
Ngunit ng makakita na kami ng ligtas na daraanan
Ay hindi na kami magkahawak na nakalabas...
Napabitiw sakin si seth...
Habang ako naman ay nakaramdam ng pagkahilo..
Hindi ko na alam o namalayan pa ng sumunod na nangyari sakin..
basta ang natatandaan ko lang..
Ay ang huling salitang binitiwan sakin ni seth..
"Mahal kita athena imperial..
Nandilim na ang paningin ko
At humandusay ang katawan ko sa semento..
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Фанфик"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial