Chapter 01| The Beginning

4.3K 74 2
                                    

// Someone's Point Of View //

Kasalukuyang nakikipaglaban sila Ezekiel at grupo nya sa isang gang na ipinagmamalaki ng kalaban nilang school.
Unti-unti ng nauubos ang mga kalaban nila pero sila? Ni isa wala pang nalalagas.

"Ezekiel sa likod mo." Sigaw ng kaibigan nyang si Javier

Agad namang nasipa ni Ezekiel yung papalapit sa likod nya. Nang yung leader nalang ng kalaban nila ang natitira, akmang tatakbo na ito ng biglang ilabas ni Kiel ang dagger nya at walang kahirap-hirap na natamaan ni kiel yung leader ng gang na kalaban nila sa leeg.

Agad namang dumanak ang dugo nung lalake sa lupa. Walang emosyong humarap si kiel sa mga kasamahan nya at agad-agad naman nilapitan ng mga toh at niyakap. Agad namang hinablot ni kiel ang mga kamay ng mga kasamahan nya at inikot iyon kaya naman napadaing ang mga kasamahan nya.

"Aray ko kiel tama na." nahihirapan na sabi ni June isa din sa mga kaibigan nya.

"Boss tama na ansaket na eh." umiiyak na, na sabi ng isang kasamahan nya

"Sa susunod kasi wag nyokong hahawakan ng basta basta kung ayaw nyong makritikal sa hospital ng isang buwan." walang emosyong sabi ni kiel at binitawan na nya yung mga kamay ng mga kasamahan nya.

"Andaya bakit sila javier hindi mo ginaganon? Favorism kadin kiel eh noh." nakasimangot na sabi ni june

"Ugok alam ko kasing pag niyakap ko yang yelong taong yan babaliin nya yung buto ko kaya hindi ko na tinuloy." nakangising sabi ni javier at kumindat pa kay june kaya naman lalong sumimangot ang mukha nya. "Pautakan lang yan mga boy, Hey kiel let's go magsisimula na ang next subject naten." Yaya ni Andrei

"Mauna na kayo magc-CR lang ako." Walang emosyong sabi ni kiel at nag simula ng maglakad.

"Ansama talaga saten ni Ezekiel noh? Mga kaibigan nya tayo pero ayaw nya tayong mahawakan sya alien ata yang si kiel eh." Bulong ni June napailing naman si javier at lumapit ng konti kay june para makabulong. "Tanga naririnig ka nyan."

Nagulat naman si June ng munti ng tumama sakanya yung isang dagger ni Ezekiel, agad naman syang pinag pawisan at kasabay non ang pag lingon ni Ezekiel at tinignan sya ng sobrang lamig kaya naman bahagya syang napalunol at umatras.

"Siguraduhin mo kung bubulong ka yung hindi ko maririnig." cold na sabi ni kiel at tuluyan ng umalis

Gaya ng sabi ni kiel ay pumunta nga sya sa CR at habang nag hihilamos sya may naririnig syang nagbubungisngisan sa labas ng men's rest room agad namang nangunot ang noo nya at pinunasan na nya ang mukha nya.

"Who the Hell is they." Kunot noong tanong ni kiel sa sarili nya at lumabas na sya. "Ayan na sya girl."

"What do you both need?" Walang emosyong tanong ni kiel dahan-dahan namang lumapit sakanya yung isang babae. "Ahm, Hi kiel Im Loreen."

"I don't care to who you are, just say what do you want to say, cauz your wasting my fvcking time." Sarkistong sabi ni kiel napalunok naman yung babae na lumapit kay kiel. "Ahm, I Just want to give this to you, hope you like it, I am specially bake that for only you, Kiel."
At inabot nya yung cake na dala nya

Bigla namang lumamig ang mukha ni Ezekiel, kinuha ni Ezekiel yon at bigla namang umaliwalas yung mukha nung babae tinignan muna sya saglit ni Ezekiel at walang sabi sabi na tinapal ni Ezekiel yung cake duon sa mukha ng babae na ikinabigla naman nung kaibigan nung babae.

Luxury Series 1: Property Of The Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon