“Stop being a spoiled brat, Eury! Let your sister be happy. Kevin loves her, they both love each other. Ano naman kung ipaubaya mo nalang sya sa kapatid mo?”
Tahimik na sinimsim ni Eury ang mojito na nasa basong hawak nya. Piping umaasa na sana mawala ang sakit at pait na nararamdaman nya ng pumasok ang mga salitang iyon sa alaala nya.
Kevin was her fiance for goodness sake! Bata pa lamang sila ay nagkasundo na ang lolo nya at ang lolo ng binata na kapag nasa wastong gulang na sila ay itatakda ng mga ito ang kanilang kasal kaya naman lumaki syang ito ang palagi nyang kasama.
Simula pa noong mga bata sila ay silang dalawa ang magkasama hanggang sa mag-aral sila ng highschool at college ay hindi sila mapaghiwalay. Hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na makakilala ng ibang mga kaibigan dahil laging sinasabi sa kanya ng abuela nya na hindi nya iyon kailangan. Ang kailangan daw nyang gawin ay ilapit ang sarili nya sa binata upang lumago ang nararamdaman nila sa isa't-isa.
Ayos na sana ang lahat hanggang sa mamatay ang mommy nya sa isang car accident at ilang buwan pagkatapos ng libing nito ay nag-uwi ang daddy nya ng babae at isang dalaga. Ikinagulat nya iyon, o mas tamang sabihin na ikinasama ng loob nya pero wala syang magawa dahil nalaman nyang dati pala itong kasintahan ng ama nya at kapatid pa pala nya ang dalagang kasama ng mga ito.
It was fine in the beginning. She kept to herself while Dianne was slowly accepted to the family. Madali kasing makuha nito ang mga loob ng mga lolo't lola nya dahil maboka ito at palangiti hindi kagaya nya na palaging tango at iling lang ang sagot. Maamo rin ang mukha nito at malamyos ang tinig kung magsalita.
Pero may napapansin sya sa ugali nito na hindi binibigyan halaga ng mga kasama nila sa bahay maging ng daddy nya. Yon yung mga bagay na mayroon sya at pakiramdam nito ay dapat meron rin ito.
Noong una ay ipinagwalang bahala nya lang ang mga yon. Inisip nya na baka nagkakamali din sya pero hindi nya napigilan ang sarili nya ng makitang magkasama silang dalawa ni Kevin at naghahalikan sa loob ng silid nito.
Sinugod nya ang mga ito at ang mas masakit ay kinampihan ito ni Kevin maging ng mga pamilya nya. Sa halip na pagalitan ng mga ito ang stepsister nya, sya pa ang naging masama.
She let out a chuckle. Sinapo nya ang noo at mariin na napapikit. Ni hindi na nya alam kung ilang alak na at cocktail drinks ang mga nainom nya ngayong gabi. Ang tanga nya para umasa sa mga taong yon at ayaw nyang nasasaktan sya kapag pumapasok sa isip nya ang lahat ng nangyari ng araw na iyon. Kung saan lumayas sya at walang pumigil sa kanya at sa halip na pang-unawa sa nagawa nyang pagsampal at pagsabunot sa kapatid ay disgusto sa mga mata ang nakita nya habang tinititigan sya.
Biglang nagring ang cellphone nya at sinagot nya iyon.
“H-Hello?”
“Eury baby! Nasan ka ba? Akala ko ba babalik ka na ngayon?”
“Nasaan ako?” Inilibot nya ang tingin sa buong lugar. May nakita syang nagpo-poi dancing malapit sa karagatan pero wala syang interes doon. “Vacation.” kapagkuwa'y matamlay na tugon nya.
“Kailan ka babalik? I miss you na bruha! Pasalubong ko ha?”
Napailing sya ng marinig ang hagikhik nito sa kabilang linya. Nakilala niya si Miah sa trabaho nya at ito lang ang naging kaibigan nya. Makulit kasi ito at hindi natitinag sa mga tango at iling nya. Hindi ito tumigil hanggang hindi sya pumayag na maging kaibigan nito. Ang totoo daw ay nung college pa daw sila ay gusto na sya nitong lapitan pero hindi nito magawa dahil nahihiya ito kay Kevin at sa mga kaibigan nito na kasama nya.
“I'll be back nextweek. May nangyari ba habang wala ako?”
“May bagong secretary ang Boss natin, napakagwapo!” Kinikilig na balita nito.
Bahagya siyang natawa sa reaksyon nito. “Buti at may tinanggap syang secretary? Akala ko bang kaya nya?” Napaarko ang kilay nya.
“Hindi ko alam ang buong kwento pero ang alam ko pasamantala lang mananatili ang secretary nya sa kumpanya at isa itong OJT na nagmula sa ibang bansa. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit sa maliit na agency sya in-assign at dito pa sa Pilipinas.”
Napatigil sya sa pagsimsim sa alak sa narinig nya mula rito. Totoo ang sinabi nito na maliit lang ang agency nila dito sa Pilipinas. May limang palapag lang ito at kulang sa singkwenta lamang yata silang nagtatrabaho roon. Hindi katulad ng branch nila sa ibang bansa. Mas malalaki ang mga iyon. Siguro ay dahil hindi masyadong in-demand ang mga agency dito kaya mas maliit ito.
“Baka naman may dahilan?”
“Siguro nga. Sige, hintayin nalang kita rito. Mag-iingat ka dyan ha? Huwag masyadong magpakalunod sa alak. Get a man and get wasted!”
Umikot ang mata nya at pinatayan ito ng tawag.
Ng sa tingin nya ay hindi na nya kaya ang nainom nya ay binayaran na nya ang bill nya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Muntik na syang nasubsob dahil biglang umikot ang paningin nya. Mabuti nalang at may sumalo sa kanya.
“Careful.” anito at inupo sya ulit. “You have to make sure that you can do it before you stand, a'right?”
The voice sounds familiar. Tiningala nya ito pero hindi nya masyadong maaninag ang mukha nito sa sobrang pagkahilo nya.
“What's wrong, Sebby?” anang tinig ng isang babae. Naramdaman nyang lumapit ang mga ito sa kanya.
“I'm fine...” aniya at pinilit tumayo.
“She's drunk and can't stand for herself.” tila dissapointed na sagot nito sa babae.
“Let's take her to her suite or cottage.” Tila nag-aalalang tugon ng babae bago nya naramdaman na lumapit ito sa kanya. “Can you stand? I'm Hershey, we can help you go to your room if you like. We're harmless.”
Tatayo sana syang ulit ngunit nandilim na ang paningin nya.
YOU ARE READING
My butler husband
RomanceEury is beautiful, rich and have a very bright future. Or that what she thought... Everything shattered because of her fiancee and step-sister's betrayal. She lost herself and future. And no one can save her through the dark pits of her selfpity. No...