Celine's POV
Matagal-tagal narin akong naghihintay sa kanya, naaalala ko pa noon nung maliit pa ako kung paano niya ako nilapitan at nakipaglaro sa playground.
Simula nung makilala ko siya I felt safe ang treasured, from 8 years old to 15 yun na yata yung happiest years of my life.
Pero one day nung napag-usapan naming magmeet sa playground dahil may sasabihin raw siya, hindi siya sumulpot, umuwi akong umiiyak dahil sa nangyari, pero mas naging malungkot ako nung nalaman kong wala na sila sa bahay na tinitirahan nila.
Nabalitaan ko nalang na umalis na pala siya, hindi namin nalaman kung saan sila pumunta, at wala ding kasiguraduhang magkikita ulit kami.
It's been 5 years since he left without saying goodbye, pero hindi ko parin siya makalimutan, I was so devastated back then pero thanks to my friends' comfort I didn't feel that much miserable.
Nandito ako ngayon sa mall, plano ko kasing puntahan yung bagong bukas na bakeshop dito, mabenta daw kasi sa mga teenagers.
Habang hinahanap ko yung daan papunta sa bakeshop na yun, may biglang bumangga sa akin.
"Sorry po talaga, hindi ko sinasadya nagmamadali po kasi ako, late na po kasi ako sa event na pupuntahan ko."
Tiningnan ko muna siya, mukhang natakot ata sa tingin ko kaya nag smile nalang ako.
"Okay lang yun" at ngumiti ako ulit.
"Raine, nandyan ka na pala, bilisan mo hahaba na mamaya yung linya sa booksigning ng favorite author mo"
Tawag sa kanya ng binata, boyfriend niya siguro.
"Sorry po talaga ulit" at lumapit dun sa kasama niya.
"Ang dami mo naman atang dala, tulungan na kita diyan." sabi naman ng kasama niya.
"Huwag na Kye, hindi naman ganun kabigat."Ang cute naman nilang dalawa, kaya napangiti ako at napabuntung-hininga.
Naglakad nalang ako ulit papunta sa bakeshop. Nang nakarating na ako sa harap ng shop, makikita mo talaga na puno ng customers ito, I sighed in defeat, next time nalang siguro.
May nakita din naman akong coffe shop sa gilid nito, kaya napagdesisyunan kong dun nalang pumunta.
Bigla namang bumukas yung pinto ng coffee shop at iniluwa ang isang pamilyar na tao na matagal ko nang gustong makita.
Siya ba talaga to? Nabangga niya ako, dahan-dahan niya akong nilingon, bumibilis ang tibok ng puso ko, at muntik ng tumigil nang biglang nagtama ang mga mata namin.
Siya nga, sa kanya lang naman gumaganito ang reaksiyon ng puso ko.
"Celine?"
"Will?""Ikaw nga, long time no see" kasabay ng pagsilay ng mga ngiti sa labi niya.
"Ummm, matagal narin nung huli tayong nagkita, and it was not the best way on leaving someone, can we talk? May sasabihin din kasi akong importanteng bagay" sabi niya.
I smiled at him and it was pure and genuine masaya talaga akong makita siya ulit, I nodded my head as sign of approval.Pumasok kami sa coffee shop at nag-order ng iinumin.
"Kamusta ka na?" Pagsisimula niya.
"Okay naman, ikaw kamusta ka na, hindi ko talaga inexpect na makita ka dito"
"Ako nga rin eh, a lot of things happened, I am really happy to see you again Celine"
"Mmm, ano nga pala yung importanteng bagay na sasabihin mo sa akin?"
Naglungkot ang mga mata niya at napuno ng guilt.
"I'm sorry for everything that happened in the past, everything just happened unexpectedly. My dad left us and mom had to undergo through surgeries dahil nagkasakit siya." He said while looking at me straight into the eyes, showing how vulnerable he is right now.
"Okay lang yun, you have your reasons naman, Hindi naman ako nagalit sayo nalungkot nga lang dahil bifla nalang kayong nawala." I amswered him.
Matagal kaming nagkatitigan, and the silence is killing me, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at malalagutan na yata ako ng hininga. He sighed at sumilay ang ngiti mula sa kanyang mga labi, napalunok ako at nagsimulang magpawis ang mga kamay ko.
"Actually I was about to go to your house pero nandito kana kaya dito ko nalang ibibigay sayo." May kinuha siya sa dala niyang bag at nilagay ito sa harapan ko.
Isang wedding invitation, ikakasal na siya. Huli na ba talaga ako? Ganito na lang ba matatapos ang lahat ng paghihintay ko? He cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm about to get married Celine" sabi niya habang nakangiti. I was dumbfounded, nakatunganga lang ako sa harap niya, he seems to be so happy. Ang bilis naman ata, hindi ko inaasahang ganito pa talaga ang magiging pagkikita namin ulit.
"I liked you" out of nowhere niyang sinabi.
"I just wanted to say that I liked you" dagdag pa niya.Ano pa bang magagawa ng pag coconfess niya ng past tense niyang feelings sa akin? Mas dumami pa ata yung mga karayom na tumutusok sa puso ko.
"Nagbago ka na nga, back then you looked at me na parang ako lang ang babae sa buhay mo" sabi ko.
" I liked you too" sabi ko at napatawa nalang sa sarili ko, sana lang maging masaya siya kahit hindi ako ang kapiling niya.
A/N: be healthy guys