After dinner I went straight to my room. I did my usual thing before sleeping.
I went to the bathroom, nag shower ako dahil nanlalagkit ako ng sobra. Siguro dahil sa naulanan ako at natuyo sa aircon ng sasakyan ni Brad.
Pagkatapos ay nag toothbrush na ako.
While brushing ay napansin ko sa corner ng bathroom floor ang isang maliit na picture. Nakabaliktad ito kaya hindi ko kaagad nalaman kung kaninong picture ito. Bago ko pa man ito makuha ay kinakabahan na ako at noon ngang makita ko ay nanghina ako at nanumbalik muli ang sakit sa aking dibdib at para bang hindi ako makahinga.
Iyon ay ang picture namin ni Migs na kuha ni Kurt. Nasa beach kami ni Migs together with Kurt and few more friends. We were celebrating my birthday. Close-up photo namin ni Migs while he was giving me a kiss on the right cheek. Nakapikit at nakanguso si Migs and I was wearing sunglasses, smiling, looking at the camera. I could even see Kurt's reflection sa sunglasses na suot ko. I could still remember that moment. Inaasar ako ni Kurt sa walang tigil nitong pagkuha ng picture ko nang biglang dumating si Migs and asked Kurt to take this photo.
Ang picture na yun ang nagpaalala kung gaano kami noon ka-inlove sa isa't-isa. It hurts.
Buong akala ko ay naitabi ko na lahat ng mga bagay na magpapaalala sa akin kay Migs. From stuff toys to love letters to pictures.
Isa ang picture na ito sa mga pictures namin na noon ay nakadikit sa salamin ng aking bathroom. Noon ay kinikilig pa ako everytime na nakikita ko ang mga pictures na yun. Para rin akong baliw na hinahalikan isa-isa ang bawat pictures. Minsan pa ay kinakausap ko ang mga ito na parang kausap ko si Migs in person.
Marahil nahulog ang picture na ito noong inililigpit ko na ang mga pictures.
Agad na tinapos ko ang pag-to-toothbrush. Dala ang picture ay kinuha ko ang remote ng aking music player then I turned it on at saka ako humiga sa kama at tinitigan muli ang picture.
Muntik ko nang maitapon ang remote ng music player ng tumugtog ang kanta ng Zoo na 'Pain in my heart.'
Mabilis na dumapa ako at tinakpan ng unan ang aking ulo at mga tenga. Subalit kahit anung diin ko sa unan ay dinig ko pa rin ang tugtog sa loob nito.
Here I am alone in this empty room
And let my mind just fly you to the end
Thoughts of you still linger in my memory
Wondering why my life is not that fairI could still recall, those memories of you
The joy and all your laughter
The love that we've been through
Oh, I can't believe, you're gone...I don't want to remember
The things we used to do
All the things that remind me of you
I don't want to hear those songs
Those songs we used to sing
'Cause I don't wanna feel the pain in my heart...Parang nang-aasar naman ang pagkakataon. O baka rin naman na masyado lang akong sensitive lately at lahat ng bagay ay binibigyan ko nang kahulugan. Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay proven na masokista ako. Kahit masakit pakinggan ay talagang tinapos ko pa ang kanta bago ko pinatay ang music player.
Teary-eyed ako matapos ang kanta pero masaya na ako doon. At least hindi na ako umiiyak ng sobra-sobra over Migs. Marahil naubos na talaga ang mga luha ko. But I won't deny
it, the pain is still there. The hole in my heart is still a big hole.'One step at a time, Nikki.' sabi ko sa aking sarili at saka ko inihagis ang picture sa ilalim ng kama.
Humiga muli ako ng maayos at sandaling napatingin sa ceiling ng room. Napansin ko ang mga glow in the dark stars at planets na nakadikit doon. Since Migs and I have broken up, hindi ko na napapansin ang mga ito, dahil siguro palagi akong umiiyak kapag ako ay narito sa kuwarto.
Tumayo ako at pinatay ang ilaw para makita kong mag-glow muli ang mga ito.
Pagkapatay ko ng ilaw ay unti-unting lumiwanag na ang mga iyon. Nagpahulog ako sa gitna ng kama then I spread my arms and legs na parang walang pakialam. I wanted to let go of all the things na nagpapabigat sa aking nararamdaman.
Ang mga glow in the dark na iyon ay binigay sa akin ni Kurt. Para daw hindi ko maramdaman na nag-iisa ako. May pagkasweet din itong si Kurt kahit paano.
Dahil doon ay naalala ko si Kurt at nagtataka pa rin ako kung bakit hindi niya ako sinundo. Naalala kong tingnan ang aking phone upang makita kung nag message o tumawag na ito.
Binuksan kong muli ang ilaw at kinuha ko ang aking phone sa loob ng aking bag.
Pagtingin ko sa phone, I got one new message.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...