Wedding

5 0 0
                                    

"Magready na kayo magsisimula na ang kasal" sabi ng wedding coordinator.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong marinig yun.

Handa na ako.
Nang ako na ang lalakad nakita agad kita. Sobrang saya mo nung nakita mo ako.

Biglang nagflashback lahat ng memories simula nung nakilala kita.
--

Bagong transfer ako, second year highschool. Sa sobra kong mahiyain nuon dahil di ako mahilig makipagsocialize wala agad akong naging kaibigan. Pero sa loob ng isang linggo ikaw ang unang taong kumausap sakin.

"Hailey, right?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong mo.

"Magsalita ka naman baka mapanis ang laway mo niyan." Sabay kang tumawa na para bang ikaw lang ang nakaintindi sa joke mo.

Pagkatapos nun lagi mo na akong kinakausap di ka nabigo sa kakakulit mo sa akin. Natuto akong makipag usap at nakipag kaibigan sa mga kaklase natin dahil sayo.
Di ako nagsisi. Kasi naging maganda ang highschool life ko nang dahil sayo.

Naging magclose tayo loob ng tatlong taon. Kasama kita e. Di ko namalayan may namumuo na sa loob ko.

Nakagradraduate tayo. Kasama ang medal na matagal nating pinangarap. Valedictorian ka, salutatorian naman ako. Napayakap ka pa sakin na naikagulat ko "nagawa natin wohh!"
Grabe ganito pala kapag nainlove ka na sa kanya?
Masaya na ako kapag nakita kong masaya rin siya.
Lumalim pa yung mararamdaman ko nung nagkolehiyo tayo. Doctoral kinuha mo samantala ako nutrition. Kahit magkaiba na ang ating pinapasukan, kahit malayo ka na sakin, di pa rin nawawala yung samahan nating dalawa na nabuo nung highschool. Nagkikita pa rin tayo sa park malapit sa bahay natin, na hindi ko inakala na malapit lang mga bahay natin. Lagi nakatambay, nagkakamustahan.
Lahat kinukwento para laging update sa isat-isa. Kinilig ako sa naisip ko. Para tayo mag syota sa ginagawa natin. Pero bigla tuloy akong nalungkot nung marealize ko na baka di na mangyari yun.

May plano akong magtapat sayo kapag nakatapos na tayo, kapag maayos na lahat.

Naalala ko pa nuon na naging escort kita nung nagdebut ako. Pangalawa ka sa huling magsasayaw sa akin sunod si papa.
Hinawakan mo ako sa bewang, nakaramdam ako ng kuryente. Ganito talaga ang epekto mo sa akin.

"Ang ganda mo ngayon Hailey" napangiti ako sa sinabi mo. Syempre kinilig ngayon mo lang ako sinabihan e. Inexpect ko bigla siguro may gusto ka din sa akin.

Naging sandalan natin ang isa't isa. Kapag may problema isang tawag ko lang sayo andiyan ka na. Ni minsan di mo ko binigo na puntahan ako. Lalo tuloy ako nakakasigurado na meron talaga.
Nakaya natin ang buhay kolehiyo. Nakagraduate tayo tapos nagkatrabaho.

Isang araw napagdesisyon ko nang umamin. Inipon ko muna ang lakas ng loob para masabi ko sayo yung dapat kong sabihin.

"Asan ka? Kita tayo" bigla kang nagtext. Napangiti na naman ako. Simpleng lang to pero iba ang epekto sa akin. Sabi mo may sasabihin ka, importante heto ako pumunta sa tambayan natin, ang park.

Nakita kitang naghihintay dun. Duon naalala ko lahat ng memories na ginawa natin. Napakagwapo mo sa suot mong white coat. Parehas pa naman tayo. Siguro galing ka pang hospital. Di mo na inisip na magpalit. Ganun na ba ka importante ang sasabihin mo sa akin?

"Hailey, may sasabihin ako sayo."
Nakita ko pa yung hitsura mo para bang kinakabahan pero andun yung excitement.
Ngumiti ako sayo " ano yun?"

Hinawakan mo ko sa kamay ko. Nagulat ako sa ginawa mo. Ito na ba yung matagal ko nang gustong marinig sayo? Una ka pa bang aamin kaysa sa akin?
"Hailey"
"Sabihin mo na" sabi ko sayo.
"I..."
May fireworks biglang lumabas. Pero yung sinabi mo ang narinig ko. Bigla tuloy akong nabingi.
Bakit wala akong makuhang tamang salita na masabi sayo. Para bang napipi ako.
"Hailey" bigla akong natauhan nung tinawag mo ko bigla.
"Talaga?" Yun lang ang nasabi ko sayo sabay yakap. Yinakap mo rin ako pabalik.
---
Habang naglalakad ako sa gitna dala dala ang bulaklak di ko mapigilan ang aking luha pero pinunasan ko agad. Lumapit ako sayo. "Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan" mga salitang kailanman di ko makakalimutang sabihin sa kanya.

Sinagot mo ako katulad ng sinabi pero ang masakit "mahal na mahal din kita, bestfriend" napangiti na lang ako. Kaya nga ginawa mo akong maid of honor sa kasal mo.

Pumunta na ako sa dapat kong pwesto. Hindi sa may altar kundi kasama ang mga abay. Nag aabang sa kanya.
Taong makakasama mo habang buhay. Na akala ko ako yung taong yun.

Tumingin ako sa gawi mo. Umiiyak ka sa tuwa na sa wakas pakakasalan mo na siya. Na never kong nakita kitang umiyak. Dahil lagi kang masaya kapag kasama mo ako. Yung ang nakikita ko.

Habang nagbibigay kayo ng I do sa isa't isa narealize kong ang tinutukoy mong special sa puso ay siya na pala. Akala ko ako. Dami talaga nagkakamali sa akala.

Yung sinabi mo nung gabing yun kasabay ang fireworks ay masakit na maalala.
"Ikakasal na ako" yan ang tatlong salita na nasaktan ako. Akala ko salitang lalong magpapasaya sa akin.

Pero sabi ko nga, masaya na ako kapag nakita ko siyang masaya, sa iba.

Di ako nagtapat sa kanya. Kasi pagkatapos ng sinabi niya nawala na parang bula ang lakas ng loob kong inipon 8 years ago. Martyr kung martyr pero desisyon ko to. Kahit masakit tatanggapin ko. Basta andiyan lang siya bilang kaibigan. Ok ako.
"You may kiss the bride" sabi ng pari.
Nagpalakpakan ang lahat kasama ako pagkatapos niyong mag kiss..

Ikaw nga nila.. It takes time para makapag move on. Patuloy ang buhay. Baka may plano pa si Lord para sa akin na mas better. Sa susunod siya na yun.

Tiwala lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon