Matchmaker

36 1 0
                                    

Ang cover page po ay hango sa palabas na "I'm an android but that's ok"

Paalala sa mambabasa may mga eksenang hindi angkop sa mga may maruruming isip. Kaya kung mamari yun lang pong mga malilinis ang konsyensya ang pwedeng bumasa 

.At tsaka hindi po ako gaanong bihasa masyado sa mga bagay na ito kaya sanay maibigan niyo itong kwentong dahan-dahan kong sinimulan. 

Aking po itong iniaalay sa isang taong nagbigay sakin ng kahit hindi malaking bagay ngunit nagbigay ng malaking pagbabago sa 

aking buhay.

Advisor

Chapter 1 "Success"

Lahat tayo ay nagangarap na sana isang araw magkakaroon din tayo ng makakasama sa buhay. Isang makakasama na mananatili sa tabi mo 

sa mahabang panahon. Isang kasama na magiging tapat sayo at mamahalin ka ng walang katulad. May iba na mapapalad dahil sa batang 

edad ay nagkaroon na sila ng posibleng kasintahan pagdating ng panahon. May iba na talagang itinadhana sa isa't-isa. Ngunit hindi  

lahat ng mga tao ay mapapalad na magkaroon ng mga sitwasyong tulad nito.Gayunpaman hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil habang maraming 

taong nakatira sa mundo, may magmamahal at magmamahal sa iyo.

"Hon, magpahinga ka muna."

"Maya na tatapusin ko lang to."

"Hmmm... ano ba yang ginagawa mo?"

Akamang titingnan ng aking butihing asawa ang aking ginawa pero agad ko itong tiniklop .

"Ah... wala hon...jeje ano lang 'to isang napakahalagang imbensyon"

"Talaga lang ha?.. eh... bakit ayaw mong ipatingin sakin?"

"Ah... eh....ano kasi..."

"Sige na nga basta magpahinga kana ha? Gabing-gabi na at alam mo naman matagal nakong hindi nakakatikim ng lambing mula sa'yo.." sabay kagat-labi

Lumapit ako at niyakap siya sabay sabi...

"Honey naman oh... sige, sige babawi ako pagnatapos ko 'to ok? Malapit na malapit na talaga itong matapos"

"Hmmmp...!"

At pumunta na sa aming silid ang aking asawa habang nagpatuloy ako sa aking ginagawa

"Wew! buti nalang eh...hindi niya ito nakita" Dahil magkakaroon talaga 'pag nangyari yun. At tsaka para rin naman 'to sa kabutihan 

ng iba itong ginagawa ko kaya wala siyang dapat ipag-alala. Ngunit pano ko kaya mailalagay ang "attitude chip" na mula sa kanya. 

Hmmm....Aha!Ano kaya kong pagbigyan ko 'yung hinihiling niya at 'dun ako magrerecord. Hindi, hindi baka 

magiging sobrang malimbing ang android na 'to pag inilagay ko yong attitude chip na yun. Hmmm....

---------OoO-----------

Kinabukasan inimbita ko ang aking asawa na mamasyal sa park.Agad naman siyang pumayag sa aking alok at bago kami pumunta 

sa park eh ipinalagay ko muna sa kanyang bag ang isang bagay, ang attitude recorder, para marecord nito ang kanyang attitude 

habang namamasyal kami. Ilang oras pa eh... dumating kami sa park. At para bang bumalik ako sa nakaraan.

"Hon, naaalala mo pa ba ang lugar na 'to?"

"Oo naman bakit hindi eh...dito ko nakita ang nawala kong cellphone noon"

Ha? hindi niya naalalang namamasyal kami dito parati? Eh...siya yung kasama ko noon. Hindi ako nagkakamali. Hmmm... ano bang  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon