Chapter 1

2 0 0
                                    

"Araaaay!"

Halos marinig ng buong campus ang sigaw na iyon ni Dennis. 'Baka matanggal na ang tenga ko sa sobrang pingot ng babaeng 'to.' Hindi na niya kailangan pang lingunin kung sino ang gumawa niyon. Ang kaibigan lang niyang si Lhei,ang babaeng galing ata sa tribo ng mga amazona,ang mahilig gumawa ng bagay na iyon kapag may nagawa s'yang kasalanan dito.

"Aray pala ha?!" Lalo pa niyang idiniin ang pagkakapingot dito.

"Aray! Aray! Lhei anu ba?! Tama na!" halos mapatayo na siya sa kinauupuan. Nararamdaman niyang tila kumakapal ang punong tenga niya sa lakas ng pagkakapingot ng dalaga.

Nang sa wakas ay bitawan siya ng kaibigan ay simangot agad ang isinalubong niya dito.

"Bakit ba?" Aniyang nakasimangot pa rin.

"Bakit?ha?bakit?" Akma niyang pipingutin muli ito ngunit nakaiwas na ang binata bago pa niya ito maabot.

"Oh! oh!Tignan mo 'to.. napaka sadista mo talaga.. Bakit ba kasi? Umupo ka nga muna!"

Aniya sabay hila sa braso nito. Napaupo ito sa tabi nya.

"Bakit hindi mo ko inantay kanina?" Anito sabay hila sa buhok nya na agad ring binawi ng mapatingin sa kanila ang ilang estudyanteng nagdadaan..

Agad na nagbago ang ekspresyon ng binata. Hindi niya alam kung ngingiti o ngingiwi. Napakamot ng ulong napatingin na lamang siya sa kaibigan..

"Eh kasi.."

"Eh kasi..!" gaya ng dalaga..

"Palagi ka na lang may dahilan Dennis! Nung isang araw hindi mo ko inantay dahil sabi mo may pinuntahan kayo ni Oliver. Kagabi hindi mo na naman ako inantay kasi sabi mo nag bar hopping kayo nila Ray.This time ano na naman ang dahilan mo?!" Inis na tanong ng dalaga.Halos wala na itong hinga sa pagsasalita.

"Whoa!" Ang nasabi na lang ng binata.

"H'wag mo kong ma-whoa whoa d'yan at baka gusto mong hambalusin kita!" Masama pa rin ang tingin nito sa binata.

"Eh kasi naman daig mo pa girlfriend ko kung makaasta ka!Pasalamat ka wala kong girlfriend ngayun.." Sabay kindat at akmang aakbay sa kaibigan. Siniko niya ito sabay nakapamewang na hinarap ang kaibigan.

"Hoy lalake! H'wag mo kong pa-charming-an at hina-high blood ako sa'yo!

Napasimangot naman si Dennis.. Tulis ang ngusong magpaliwanag siya dito.

"Eh totoo naman lahat yun.. Kaya hindi kita naantay kanina is because may inutos si mama sa'ken. Kung inintay pa kita male late ako sa first subject ko. Alam mo namang Wednesday ngayon eh. Terror ang prof namen. Kung nagkataong hindi siya ang prof ko eh 'di inintay na kita.." Habang nagpapaliwanag ay hindi ito nakatingin sa kanya.

Tsaka pa lamang ito lumingon ng maramdamang hindi siya nagsasalita. Napatulala ito.

"Hoy!"

Tsaka pa lamang nagkaroon ng kulay ang mga mata niyang kanina'y nakatingin sa kawalan.

"Nagkita kami ni Sean.." Maya maya'y usal ng dalaga.

Agad na sumulak ang dugo ng binata ngunit hindi siya nagpahalata.

"I saw him with another girl.."

"So what did he say?Nagkausap kayo?" Tanong niya.Pilit siyang nagpapakahinahon dahil ayaw niyang makahalata ang dalaga na siya man ay apektado ng balita nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon