Chapter 08

407K 16.3K 9.2K
                                    

#CTG08 Chapter 08

The final exams ended as quickly as they started. Naka-hinga lang ako nang maluwag nang matapos akong magcheck ng mga sagot ko sa finals namin sa ATP... And then I had to read it once more just to be sure... I needed to pass. I needed to proceed to third year. Konti na lang talaga matatapos na ako.

Some of my classmates were planning to go to karaoke bar and drink. Iyong iba on the way na sa beach. Si Jax, biglang nawala. Si Yago, wala akong pakielam.

Me? I just wanted some pares.

That's my reward for studying so hard this week.

Diretso akong lumabas ng school. Hindi na ako nagstay dahil ayoko munang makipag-usap sa mga tao. Normally, I'd ask Jax kung ano iyong sagot niya dahil nape-pressure akong magkaroon ng mataas na grades... but tonight, I just wanted to eat a good dinner and then go have a peaceful sleep.

"Miss Independent!"

Shit.

"What?" I asked.

"San ka pupunta?"

I shrugged. "Uwi na," sabi ko.

He raised his brow. "Uuwi... dito daan mo?" tanong niya.

"Are you insinuating something?" I asked, my brows arched, too.

"Sabi kaya ni Ate lagi kang kumakain 'dun! 'Di man lang nag-aaya!" sabi niya na para bang kasalanan ko pa na hindi kami sabay kumakain. At bakit sinasabi ni Ate sa kanya na kumakain ako doon?

Nagkibit-balikat na lang ako. Baka baliktarin niya pa kung anuman ang sabihin ko. Isa iyon sa napansin ko kay Iñigo, he could easily twist your words in his favor. He'd really make a good lawyer.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naka-sabay siya sa akin. I appreciated him shutting his mouth. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon dahil buong linggo akong stressed dahil sa finals. Pati sa bahay stressed din ako dahil tinatanong na ako ni Papa tungkol sa desisyon ko sa pagta-trabaho. I really didn't want to work because I already got too much on my plate... but at the same time, I didn't know how to say no.

"Bakit?" he asked when he answered his phone. "May pupuntahan ako e... Pass muna..." Then he laughed. "Try ko sumunod."

Binaba niya na iyong tawag. Tumingin ako sa kanya. "Block mates mo?"

He nodded. "Nag-aaya lang uminom."

"Di ka sasama?"

"Hindi. Sabay tayong magdidinner, 'di ba?"

"Ako lang magdidinner; sumabit ka lang."

"Grabe? Kahit ako nagsabi sa 'yo ng lugar na 'yun?"

"So, utang na loob ko?"

"Grabe talaga," sabi niya na natatawa. "Bakit napaka-sama mo talaga sa 'kin, no? Pero sabagay, mas mawe-weirduhan ako kung mabait ka... Iisipin ko talaga nagka-mental breakdown ka na."

Hindi ulit ako sumagot. Excited na akong kumain. Hindi ako nakakain kanina dahil na-pressure ako sa exams. Last na kasi. Kailangan ayusin ko na talaga. Ayoko naman na makickout while knowing that I could've done better. Kung makikickout man ako, gusto ko alam ko na ginawa ko lahat para kumapit.

"Hi po," I greeted the owner of the stall before I took my seat. I wasn't as friendly as Iñigo, but I have manners.

I ordered my usual—pares and two cups of rice. Dito lang kasi ako nakakakain nang maayos. Sa bahay, napipilitan lang ako kumain dahil papagalitan ako kapag nagpalipas ako ng gutom. Tapos feeling ko may indigestion ako palagi sa bahay dahil sa bilis kong ngumuya.

Control The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon