Chapter 9

2.5K 27 2
                                    

Ms. Cruz. Eto na po yung recorder. I transcribe ko pa po ba? I asked as I entered the journalism room.

Oh my God Kathryn! I'm glad you're still alive after that interview! isn't he so nerve wrecking? Pangaasar pa niya.

He definitely is. Nakakangatog siyang interviewhin Ms. Cruz naisip ko nga may galit ka ata sakin dahil ako yung pinadala mo don... Paawa ko naman sa kanya. Nakakangatog naman talagang interviewhin yung mokong na yun. Sobrang intimidating.

I told you Kath. Sinabi ni DJ na hindi siya magpapaintervoew kung hindi ikaw ang maiinterview sa kanya. I don't have any choice. Wala tayong ilalagay sa school paper natin kapag di siya nagpainterview. And besides, no need to get mad at me, you did a great job! Oh, eto na yung pasalubong mo. She then gave me a paper bag full of treats.

Hindi po ba niya sinabi kung bakit ako ang gusto niyang maginterview sa kanya? I asked curiously.

He didn't gave a reason why he wanted you to be the one who'll interview him. I didn't even know how he knew you. Kababalik lang niya from states. Do you know each other?

No Ms. Cruz. I denied. Ayoko ng ikwento yung napaka embarrassing 1st encounter namin.

Ang gwapo niya no. Hindi mo ba siya type? Nako Ms. Cruz. Stop teasing me.

Kilala mo ko Ms. Cruz. Boys and lovelife is not my priority. Mas marami pa po akong dapat unahin bukod diyan. Though crush ko nga si mokong. Pero I'll just keep it to my self. Ang gwapo. Ang kinis. Toned yung katawan. Mature mag isip. Mukha ding matalino. Aissssh. Stop it Kathryn! Focus!

Ms. Cruz, mauna na po ako. May pasok pa po ako sa work. Salamat po sa pasalubong! Pagpapaalam ko. It's already 8pm. May pasok pa ko ng 9pm sa isang fastfood chain na malapit samin.

Aren't you tired Kath? You've been studying whole day at the same time nagtatrabaho kasi as student assistant. Scholar ka pa. Isn't that enough? Wag ka na magtrabaho sa gabi. You're already exhausted. Don't be too hard on yourself. She's worried I know. Ilang beses na ba nya kong kinumbinse na itigil tong trabaho ko.

For the nth time Ms. Cruz. Salamat po sa pag alala but I can take care of myself. Love you! Byeeeela! I exclaimed before leaving.

2 years na lang gagraduate na ko ng high school. 2 years na lang panibago nanamang pakikipagsapalaran as a college student. Kailangan kong magaral mabuti para makakuha ng scholarship sa college. Kailangan ko na rin makahanap ng part time na mas malaki ang kita. Hindi na kakayanin ng sweldo ko sa fastfood yung mga gastusin ko non for sure.

Ang hirap no? Kapag mag isa ka lang sa buhay. Kapag wala kang aasahang ibang tao kundi ang sarili mo. Ang hirap tumira dito sa bahay mag isa. Wala kang kasama. Wala kang makausap kapag may problema ka. Ang hirap kapag walang nanay at tatay na mag aalaga at susuporta sayo.

4 years na kong ganito since I started high school. 4 years na kong tumatayo sa sarili kong mga paa. (bakit Kath? tatayo ka ba gamit ang paa ng iba? charot) 4 years na kong mag isa... 4 years na kong....

NEVERMIND! Araw araw ko na lang ba to iisipin. Siyempre move on move on din.

Napatingin ako sa hawak kong envelope. Shocks! Hindi ko pala nabigay to kay Ms. Cruz. Andito pa man din yung personal information at mga achievements ni mokong. Bukas ko na lang ibibigay.

Silipin ko nga muna. Hohoho. Bubuksan ko na sana yung envelope ng...

Bernardo! Sa cashier ka ngayon huh. Be there in 5 minutes. Sigaw ng manager ko.

Yes Ms. Lou! Hays! Panira. Mamaya ko na nga lang babasahin. 1am pa out ko. Basahin ko na lang pag nakauwi na ko.

Time to fake that smile Kath kahit pagod na pagod ka na dahil dito sa trabaho mo.. BIDA ANG SAYA.

~~~~~~~~~~~
End of Chapter 9

May mga gusto ba kayong makita sa personal information ni DJ?

Comment niyo po.

Hindi ako maguupdate hanggat wala kayong sagot. Hahaha









50 Shades of Daniel [Kathniel Fanfic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon