"Ang kwento ng batang si Santiago"
Nilikha tayo ni Lord para magmahal. Sabi nga sa Bible "Love one another" tapos may kasunod na "Humayo kayo at magparami" hehehe. Pero isipin natin. Sino ba ang nagturo satin magmahal? Kayo? Isipin nyo. Kelan kayo nagsimula magmahal? Di ba nagsimula ito sa pagmamahal sa ating pamilya? Pero kelan ka nagsimula magmahal ng ibang tao? Hindi mo na matandaan? Ganto na lang. Kung hindi mo matandaan. Balikan na lang natin ang first crush mo. O tanda mo na? Ang pagmamahal ay isang proseso. May makikilala ka, magiging crush mo, magiging close kayo, mamahalin mo at minsan babalik sa pgiging stranger.
Sadyang mapaglaro ang pag-ibig. Kaya nga kahit gaano kadaming relation pa ang mapagdaanan mo. Hinding-hindi mo sya mamamaster. At walang cheatcode para dito. Dami ko sinabi no? Simulan na natin ang storya.
Ito ay kwento ng batang si Santiago, grade 6. Normal na bata lang si santiago. Naglalaro sya ng sikyo, nagpipiko at ng hagarang-upo. Kilala sya sa klase nya bilang isang runner. Dahil sa bilis nyang tumakbo, isinisali sya sa kung saang-saang mga running events. Pero anong konek ng pagiging runner nya sa storya? Wait lang kayo. Naalala nyo ba nung kabataan nyo? Meron tayong mga first crush, second crush at third crush. At ang rankings ng mga crush ay naka-depende kung gano natin ka-gusto ang isang tao. Napakasarap sa pakiramdam kapag nalaman mo na kasama ka sa listahan ng mga crush. At kadalasan i-sesecret pa natin ang listahang ito sa buong classroom, ang tanging pagsasabihan lang natin nito ay ang bestfriend natin. Relate? Huehue. Okay balik tayo kay santiago. Hindi pa alam ni santiago ang salitang "crush" noon, ang alam nya lang, pumasok, maglaro, at magtraining. Dito papasok sa eksena si Kia, isang ring runner, grade 6, pero nasa kabilang section. Pareho silang runner ni santiago at madalas na magkasama sila. Sabay sila magttraining, sabay sila kakain, maglalaro, at uuwi. At sa di inaasahang pagkakataon, na-injury si santiago, nagka-sprain sya! (Tsk tsk tsk) at wala syang magawa kundi panoorin si kia sa training nya.
Habang pinapanood nya si Kia. May napansin siyang kakaiba.
Para bang may kakaibang aura na bumabalot kay Kia at unti-unting bumabagal ang oras. Pakiramdam ni Santiago ay meron syang special powers. Ang bawat patak ng pawis ni Kia ay kanyang nakikita, ang kanyang mga yapak, at tila ba naririnig nya ang kanyang paghinga.
Di maipaliwanag ni Santiago ang nagyayari. Ang tanging alam nya ay ang sarap ng pakiramdam nya ngayon. Para siyang lumulutang.
Ito na ba ang tinatawag na "Crush"? Lahat tayo ay nagkaroon na ng crush. At ang laki ng impact nito sa kabataan. Kayo? Aminin nyo? Nung nagka-crush kayo nung kabataan nyo? Di ba sobra ang kilig nyo? Makita nyo lang ang crush nyo. Buo na ang araw nyo. Lalo na kapag nagkatinginan kayo. Ayyyiiiee kinikilig ka no? Okay lang yan, normal lang yan.
"Sanny, sanny," ilang beses tinawag ni Kia si Santiago pero di sya nasagot. Lumapit sya at binatukan si Santiago.
"Hoy, bakit di ka nasagot? Tara uwi na tayo" Ika ni Kia
Natauhan bigla si Santiago. At sila ay dali-daling umuwi. Dahil nga may sprain si santiago, sya ay inakay ni Kia. At di nya alam kung bakit pero para bang "it matters" yung pag-alalay ni kia sa kanya.
Ganito ba talaga pag nagkaka-crush ka? Yung bang kahit simpleng bagay ang gawin nya. Nagiging thankful ka. Yung mga bagay na balewala lang kapag ginawa ng ibang tao nagiging "big thing" kapag crush mo na ang gumawa. Mas malala ang epekto nito sa mga unang araw ng pagkakaroon mo ng crush. Yun bang mag-dikit lang ang mga braso nyo ay kikiligin ka na. Magdikit lang mga sapatos nyo ng ilang minuto ay masarap na sa pakiramdam, lalo na pag binigyan ka ng candy ng crush mo, hindi mo na to magagawang kainin. Itatago mo na lang ito. Tama ba ako? Haha. Tatawagin natin yang "Crush-effect."
Hindi makatulog si Santiago, nagpa-ikot ikot na sya sa higaan nya pero wala pa din. Iniisip nya kung ano ba talaga yung pakiramdam na yun.
Kinabukasan, ay sabay ulit sila pumasok ni Kia, pero parang may nag-iba. Tila ba nahihiya na sya kay Kia. Ayaw nya na magpa-akay kay Kia. May something awkward na. At ang noong maingay na usapan habang naglalakad, ay bigla na lamang napuno ng katahimikan.
BINABASA MO ANG
The #WalangForever Story
Short StoryAng librong ito ay base sa mga totoong buhay. Sa mga experience "ko" at ng ibang tao kung pano nauwi ang relation nila sa #walangforever. Layunin ng librong ito na imulat ang mata at puso ng mga tao sa masakit na katotohanan na "Lahat ng relation ay...