Batang 90's

1.5K 45 78
                                    

Batang 90’s

Talaga? Batang 90’s ka rin? Proud ka? Sige nga…

Anong tawag sa maliliit atcolorful na something na pinaniniwalang “lumalaki” at “nanganganak” daw 'pag binabad sa tubig o alcohol/cologne-soaked na bulak?

~~~~~

Sa totoo lang, hindi na gano’n karami ang mga bagay na naaalala ko no’ng mga panahon na 'yon. Malaki kasi ang butas ng utak ko at isa akong DAKILANG ULYANIN! Pero sa tuwing maiisip ko ang dekada kung kailan ako pinanganak… naluluha ako, nalulungkot. Nostalgic. But at the same time, masaya at PROUDdin ako na ako ay isa sa MASUSWERTENGBATANG 90’S!

Pinanganak ako sa taong 1993. (Oh, 'wag na mag-compute! Tawagin niyo na akong Ate lahat!)So for six years, isa ako sa mga batang nag-exist sa magical na mga taon sa dekadang 90’s.Kung ide-describe ko kung paano ang buhay no’ng mga panahon na 'yon, dalawang bagay lang: MASAYA at MALAYA!At kung may particular man na mga tao na dapat kong pasalamatan, sila ang mga pinsan ko.

Dati, no’ng bata ako, sa lola ko ako halos nakatira. Sa bahay niya, ako lang ang nag-iisang bata ro’n. Sa sariling bahay naman namin, mga kapatid ko lang ang nakakasalamuha ko. Imagine-in niyo na lang kung gaano ka-bland ang buhay namin no’n: we were so sheltered, bawal malamukan, magkasugat, marumihan; hanggang bakuran lang kami; pagkatapos mag-aral, laro nang konti, tapos aral ulit;ang kilala lang namin ay ang buong tropa nila BIG BIRD at ELMO; doll house, Barbie doll, troll at stuffed toys lang ang laruan namin…

Until, lumipat ang mga pinsan namin galing Bicol sa family compound namin sa Ireneville (Sucat, P’que ^-^)They were the skinny kids who introduced us siblings to a brand new world, so wonderful to be in: ang PLAYGROUND

At doon nagkakulay ang aking kabataan…

~~~~

TALAGA? Batang 90’s ka?

Kung gano’n, isa ka sa mga:

-batang naglaro ng taguan sa ilalim ng buwan, naghabulan sa ilalim ng araw, umakyat ng puno, attumambay sa bubong

-batang umakyatsa “LANGIT” para lang hindi mataya

-batang sumigaw ng “TAYM PERS!” at “TAYA!” (pati “SILI!”, “TUBIG!”, “ICE!”, “WATER!”“I GOT IT!”… at “SALI AKO!”)

-batang nangulekta ng “Real EstateHouses” sa paglalaro lang ng PIKO at JACK STONE (pwede ring unguy-ungguyan)

-batang nagtatalon sa CHINESE GARTER at JUMPING ROPE, lumukso sa LUKSONG-TINIK/BAKA, nahuli sa PATINTERO,at nagpaa sa TUMBANG PRESO (at nagpatalo sa team niyo! Waha )

-batang tinamaan ng bola sa mukha sa larong SIPA-BOLA, naabutan sa MATAYA-TAYA, at nadapa sa larong ONE-BASE

-batang minalas na laging SALING KETKET/SALING PUSA

-batang laging walang nakukuha sa pabitin; laging nauubusan ng silya sa larong TRIP-TO- JERUSALEM; at, laging napagti-trip-an 'pag ikaw ang papalo ngpalayok!

-batang inihit ng ubo dahil sa MIKMIK, naging colorful ang labi dahil sa PINTOORA at CHIKLET, at kinilig sa asim ng YAKEE at tamis ng CHOCNUT (at naumay sa champoy!>.<)

-batang sumubaybay sa free comics strips ng BAZOOKA

-batang nagpapak ng Milo/Ovaltine (minsan Bear Brand pa!) at sobrang na-curious kung ano ang lasa ng mainit at itim na likido na iniinom ng mga matatanda. Minsan pa nga, nakiagaw ka sa mug ng kape ng nanay mo

-batang nagtampo kasi sa ilalim tinusok ng magulang mo ang straw ng juice imbes na sa straw slot mismo ng tetra-pack

-batang nagtampo kasi hindi ka sinama ng magulang mo sa lakad nila…

-batang na-curious “hulihin” ang elisi ng naka-on na electric fan

-batang takot sa kidlat, asong nanghahabol, at MUMU!

-batang nag-ipon ng sandamukal na PAPER DOLLS at/o TEKS (sa dami, pwede mo nang ipakilo :P)

-batang gumawa ng bahay mula samga basyong karton, at naglaro ng BAHAY-BAHAYAN at LUTU-LUTUAN do’n

-batang nagpalipad ng saranggola na sarili mong gawa! (dyaro/plastic + walis tingting + 'yong tinakas nasinulid) At ng papel na eroplano (papel + imagination)

-batang feeling BESPREN LAHAT NG MAKITANG BATA SA KALYE!

-batang nag-drawing gamit ang napulot na bato o kaya piraso ng basag na paso (o kung sosyal ka, chalk)ng mga linya at boxes sa kalye para sa larong PIKO o STEP-NO, at hugis bilognaman para sa larong SIPA-BOLA (dutch ball)

-batang nagsuot ng kumot— kunyari kapa, kasi ikaw ay SUPERHERO!

-batang sobrang sumaya dahil sa mga TIGPIPISONG LARUAN (pito, singsing, hikaw, at kung anu-anong kaling-kaging), na kung minsan ay may free pang kendi

-batang nagsuot ng makikintab na sapatos (charole) at mahahabang medyas na may lacey designs. Ng umiilaw— o kung minsan ay tumutunog pa— na rubber shoes, at ng walang kamatayang JUMPERS!

-batang ginagalingan sa school at pa-impress kay “tiiitcher” para makakuha ng star. Sa mga classmates mo naman, pinapaingit mo ang cute mong baunan at tulak-tulak/ hila-hila bag

-batang may design na Barbie/Hello Kitty o random Superheroes sa pencil case, lapis, notebook, at halos lahat ng gamit mo sa school

-batang nag-excel sa pagtula at pagkanta ng children’s rhymes

-batang naging expression ang “Bleh, hindi ka namin bati! Maliban na lang kung ipapahiram mo ang *laruan na wala ka* mo.” O kaya: “Sige, isasali ka namin.Pero dapat ikaw ang taya!”:p

-batang nag-bikemaghapon, paikot-ikot sa buong subdivision… at feeling mo lumilipad ka o nasa tuktok ka ng mundo

-batang kumain ng pinitas/sinungkit na bunga ng puno (alatiris, atis, chiko, duhat, sampalok, makopa, manga, etc…)

-batang nagmano para makakuha ng aginaldo, sumaway at nagpa-cute para may pambili ng kendi; nag-SIMBANG GABI, EASTER EGG HUNT, UNITED NATIONS FESTIVAL, at SANTACRUZAN. Napaka-spontaneous!

-batang naging bespren rin ang nagtitinda ng TAHO at PUTO at YAKULT at SORBETES! ^^

-batang nag-ampon ng kuting na pagala-gala sa kalye

-BATANG SUMAYA, LUMIGAYA, HUMALAKHAK NANG BUONG PUSO… kasi pakiramdam mo walang nang katapusan ang dream-like moments na 'yon sa mundong nabuo niyo ng mga kalaro mo!

~~~~

“Take me back when our world was one block wide…”Taylor Swift *awww*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batang 90'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon