25

5.1K 197 7
                                    

Author's

     Bumaba na si Amethyst sa kotse niya at pumasok na sa loob ng condo building nila. Nandidito lang siya para kumuha pa ng damit dahil ayaw na ni Zoella na pahiramin siya ng damit. Nahihirapan daw mag-laba.

Nakalipas na ang tatlong araw simula noong performance ni Amethyst at sa kasamaang daliri, hindi siya pinalad na manalo pero nagkaroon naman siya ng mga fans. Akala mo naman artista yung dalaga, sawi naman sa love life.

Nang makarating na si Amethyst sa tapat ng unit nila, ginamitan niya iyon ng susi. Inisip niyang tulog na sa ganitong oras si Taehyung dahil madaling araw na kaya malakas ang loob niyang pumasok ng unit nila. Pero halos magimbal nalang siya nang makita niyang naka-upo ang binata sa sofa nila.

Tumayo ang binata nang makita niya kung sino ang pumasok sa pinto. "Amethyst?"

Napa-lunok si A dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kay Taehyung mula noong performance niya. Pakiramdam niya, ipinamukha niya masyado kay Taehyung yung saloobin niya kaya ganon nalang ang nararamdaman niya ngayon.

"You're finally ho—"

"I'm just here to pick up some clothes. That's it." Ginawa ni Amethyst ang makakaya niya upang hindi tignan ang binata at nag-lakad nalang papunta sa kwarto nila, deretso sa walk in closet nya.

Hinabol siya ni Taehyung. "What? Why?" Tanong niya habang naka-salubong ang kilay na pinapanood siyang mag-empake ng mga damit sa maletang bitbit niya.

Hindi siya sinagot ni Amethyst at nag-patuloy lang sa pag-empake ng mga damit.

"Amethyst, come on, talk to me." Sinubukan niyang suyuin ang dalaga pero hindi lang siya pinansin. Kaya naman hinawakan niya na ang mag-kabilang pulso ng dalaga at pwersang hinarap sa kanya.

"Please don't ignore me." Bakas sa mga mata ni Taehyung kung gaano siya kalungkot. Totoo, sa ilang araw na nawala si Amethyst, hindi niya mapigilan ang hanapin ito.

"I can't ignore you but you can?" Nag-salita si Amethyst. Nagulat din siya sa sarili niya kung paano niya nakayang mag-salita at iyon pa ang sabihin.

Mukha namang nalito si Taehyung. "Huh?"

Bahagyang natawa si Amethyst sa reaksyon ni Taehyung at pwersang tinanggal ang pagka-hawak nito sa pulso niya. Tinuloy niya ang pag-empake niya pero ngayon mas binilisan niya na. Sinubukan pa siyang pigilan ni Taehyung pero nagawa nang isara ni Amethyst ang maleta niya at dumiretso na muli sa first floor ng unit nila para  lumabas. Hinabol nanaman siya ni Taehyung at pinigilan.

"What's wrong? Why are you suddenly leaving me like this?!" Gulong gulo na tanong ni Taehyung sakanya.

Nakaramdam bigla si Amethyst ng galit. "Noong iniiwan mo lang ako bigla, kwinestyon ba kita?" Finally tinignan niya na ang binata.

Naguluhan si Taehyung. "What are you sayi—"

"Look, I'm giving you what you want so don't bother me. You wanted me to leave you alone, kaya heto, eto ang ginagawa ko! Gusto 'mong hindi kita pakealaman sa gusto mo diba? Ayaw 'mong iniistorbo kita diba? So fine! I understand kaya eto ako, aalis nalang para ibigay sayo ulit ang freedom mo. Tutal mukhang sagabal lang naman ako, so why not leave for the mean time huh? And then kapag medyo okay ka nanaman, call me. So I can come and cook for you. Serve you. Give you what you want. And then kapag dumating nanaman sa puso mo yung feelings mo kay Megan and when you think I'm a nuisance, pwede naman ulit akong umalis."

Samu't saring emosyon ang naramdaman ni Amethyst. Pare-parehong, Lungkot, Galit at sakit ang nararamdaman niya at kapag hindi niya sinabi ang mga gusto niyang sabihin, baka mag-simula na siyang mag-tanim ng galit kay Taehyung.

veneer | taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon